CHAPTER 25
Maaga kaming bumyahe paluwas ng maynila .. inihatid namin si aling Tere sa ospital , gaya ng napagkasunduan.. at ang lahat ng gastos ng anak nya sa ospital ay sinagot na ni Carlos.. Pagkagaling sa Ospital ay tumuloy muna kami sa bahay, alam kong pagod narin si Carlos kaya hinayaan ko na muna syang magpahinga
Pagpasok namin ng bahay naabutan kong naguusap sila mama Celia At Dada. sinalubong nila kami at niyakap.
"Anak sya naba ang ate mo?? tanung nito.
" Opo ma. . Ate Sam, Sya si Mama Celia at sya naman si Dada, Sila ang kinukwento ko sayo na kumupkop sakin at tumulong.. sila na rin ang kinikilala kong magulang at pamilya mula ng umalis ako sa atin. Pakilala ko sa kanila
" magandang tanghali po.. ako nga po pala si Sam.. maraming salamat po sa pag aaruga sa kapatid ko.. pagpapakilala nito
" Naku tong batang to.. wala yun anu kaba.. buti nga at nakuha namin yang si ALex nagkaroon kami ng instant anak.. ngayon dalawa na anak namin.. hehe yun ay kung papayag ka??...
Nakita kong lumiwanag ang mata ni ate.. at tipid na tumango..
"Ayan dalawa na ang dalaga namin.. mula ngayon Sam ,pwede mo narin kaming tawaging Mama at Dada.. hindi man kami gaya ng normal na pamilya.. pero kaya ka naman naming mahalin ng higit pa sa tunay mong pamilya.. ngiting sabi ni mama
Lumapit sya kay ate at yumakap ..isa ito sa pinakamagandang tanawin na nakita ko sa tanang buhay ko.. di ako nakatiis at lumapit din ako sa kanila
" Group hug!!!!! dada tara...group hug tayo..
Mabilis kaming yumakap ni dada sa kanilang dalawa.. walang mapaglagyan ang tuwa ko..
Dahil naka leave parin ako..
Napagpasyahan kong dalhin si ate sa mall.. Para maipasyal ko sya at para maibili narin ng mga personal nitong gamit.. Kinahapunan pagkatapos naming maligo.. pinahiram ko si ate ng damit na sususutin.. sinabi ko sa kanyang pupunta kami ng mall.. nakita ko sa mata nya ang tuwa na napalitan ng takot..Ate?? bakit?? may masakit ba sayo ?? o may nararamdaman kaba??
"Wala...nahihiya lang ako sayo.. at natatakot ako na magbigay ng kahihiyan sayo at sa nakalakhan mong magulang..
"Ate anu kaba..kaya nga ako nandito para suportahan at gabayan ka.. promise hindi kita bibiglain unti unti ate.. kakayanin natin to unti unti..
NIyakap ko sya at humarap
"OH tama na drama natin ha.. magbihis kana para makapagshopping na tayo..
simpleng tango lang ang tinugon nya.
Hinintay ko sya sa baba habang nakikipagusap kina mama.
" Oh iha magiingat kayo ha.. kaw na bahala sa ate mo.. kung may kailangan kayo. wag mahihiyang tumawag anak ha..
" Opo ma..ako na bahala sagot ko.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mall.. walang imik si ate sa byahe.. hindi ko nalang pinansin at hinayaan ko nalang..
"ate andito na tayo..tawag ko..
" Sandra wag moko bibitawan ha.. sa laki ng lugar na to hindi ko alam gagawin ko pag nawala ako..sagot nito.
" Wag ka magalala..hindi kita iiwan.. at bibili narin tayo ng cellphone mo para naman may pangkontak ka samin ok??
" Ok sige.. kaw na bahala..
Pag pasok namin ng mall ay agad kaming pumunta sa mga bilihan ng cellphone.. pinapili ko sya ng cellphone na gusto nya, pero dahil sa given na simpleng tao lang si ate..pinili lang nya ang isang basic phone.. sabi nya mas ok na sa kanya yun.. kaunting bagay lang ang dapat tandaan..
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romance..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...