CHAPTER 21
Alexandra's POV
"Hi mam, kayo po ba ang bantay ng pasyente?? tanung ng nurse sakin
" Oo ako nga kamusta na sya.. sagot ko
"Papalabas na po si Dok sya nalang po magpapaliwanag, inalam ko lang po kung andito na kayo... sabi ng nurse
maya maya pay lumabas na ang doktor mula sa ICU.
" Good afternoon , bati nito
" Good afternoon din po. kamusta na po sya.. tanung ko
" We have Good news and Bad news anu gusto nyo mauna?? tanung ng doktor
" Badnews muna dok.. sagot ko
" Ok , Badnews is.. nagkaroon ng impeksyon ang sugat nya nagkaroon sya ng tetanus /tetano dahil sa kutsilyong ginamit, normally lumalabas ang sign nito after 5-7 days pero buti nalang at sinubukan naming icheck ang sugat at nalaman namin nagkaroon ito ng
tetanus bacterium na clostridium tetani isang itong bacteria na na naglalabas ng lason sa katawan.. karaniwan tong nakukuha sa mga maduduming lugar at bagay ,o sa lupa,maaring ang kutsilyong ginamit at bukod sa may kalawang ay masyadong madumi,hindi ko na papahabain ang explenasyon dahil alam kong lalo kayong maguguluhan , pero delikado ang impeksyon nya." Ok Po dok , kayo nakakaalam kung anu ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon gawin nyo lang po lahat para mabuhay sya sabi ko..
" Oo naman iha, and by the way ang goodnews ay nagreresponse ang katawan nya sa lahat ng gamot na binibigay namin pati ang dugong ibinigay mo ay tinatanggap ng sistema nya.. kaya wala na sya sa critical condition .. pwede na syang ilipat sa kwarto pero hindi parin natin pwedeng tanggaling ang oxygen at respirator nya dahil nahihirapan pa sya sa paghinga hihintayin nalang natin magkamalay sya .
nakahinga ako ng maluwag sa nalaman ko. Salamat naman at wala na sya kritikal na kondisyon.. nagpaalam ang doktor sa amin at kami namay dumerecho sa reception area at kumuha ng private room para sa kanya.
pagdating ng mga 8pm inilipat na sya sa kwarto . ako at si Carlos ang nagbantay sa kanya hanggang dumating si Fred. Inasikaso namin lahat ng mga kailangang gamot at gamit ng pasyente..
Si Fred ang nagaasikaso sa paglilinis ng katawan nya.. at ang nurse naman ang bahala sa iba.. 2 araw na ang lumipas pero hindi parin sya nagigising, nagaalala nako pero sabi ng doktor normal lang daw yun may nagigising after a week or pinakamatagal ay 1buwan..
Na CT -Scan naman sya at wala naman syang basag sa ulo o kung anu pang tama sa katawan , naapektuhan lang yung bituka nya at nabawasan ng 8 inches , kailangan itong putulin para maiwasan ang iba pang komplikasyon , tinamaan din ang gall bladder nya at ang liver dahil sa pagikot ng kutsilyo paitaas . Ika nga ng nurse wala syang balak buhayin nung snatcher.. buti nalang at naagapan pa..
Huwebes ng gabi at kailangan kong pumasok kinausap ko si Fred about dun at pumayag naman syang sya muna ang magbantay sa pasyente. Nagpaalam nako at umuwi naghanda sa pag pasok.. naabutan kong naghahanda si mama ng mga gamit at costume sa pagpasok.
Nagkakwentuhan kami ng kaunti at sinabi ko sa kanya ang mga nangyayari sa Ospital..
************************
Fred's POV
"Pare... kamusta pakiramdam mo?? tanung ko sa kanya..
" Okey okey na pare , salamat ha.. kala ko di nako mabubuhay eh... sagot nito.
" Alfonso hindi naman sinabi sayo na magpakabayani ka no.. pwede na sana yung tulungan mo sya pero yung ipansalag mo sarili mo sa kutsilyo aba iba na yan ahhahahhah.. biro ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romance..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...