Chapter 52
Carlos's POV
" Hello Sam?? is that you?
" Yes sino to?? sagot nya sa kabilang linya
" Si Carlos to kamusta??
" Oyyy kaw pala yan.. panu mo nakuha number ko?? ikaw ah..
" Binigay ng ate mo noon pa for emergency purposes daw
" Ahhhh... Oh anu atin napatawag ka? may emergency ba?
" I'm wondering if your free by lunch??
" Yes.. May tatapusin lang akong isang project then pwede nako umalis
teka bakit ka nga pala nagiinvite??
" Wala kasi si Alex at hindi ko naman alam san hahanapin and alam kong galit sakin yun
so gusto ko sanang makibalita sa inyo.. sa Family nyo.. kung okay lang?
" Ah yun lang ba sus oo naman walang problema basta libre mo . ikaw paba alam mo naman malakas ka sa akin eh.
" Okay san ka ba ngayon ill pick you up para hindi kana mag commute..
" nope sabihin mo nalang sakin kung na saan ka at ako nalang ang pupunta nakakahiya naman mag pasundo saka
baka pag tsismisan pa tayo pag may nakakita satin.
" Okay sige kung mas komportable ka dun..
I gave her the location and ended the call.
BUmalik na naman ako sa malalim na pag iisip.. Alex my Irog sana okay ka lang at maayos parin ang kalagayan mo..
************************************
Sapphire's POV
Dahan dahan kaming dumungaw mula sa dagat kasama ko ngayon si Topaz at Athena , kalahating parte ng ulo at mata lang ang nakalabas
maingat ang bawat pag kilos , kunting galaw lang at tiyak na mahuhuli kami ng mga bantay na nakakalat sa buong isla.
Yes sa isang isla sa batanes ang lokasyon kung saan nila dinala si Alex.. mautak napakalayo nga naman nito.. perong walang mala malayo sa amin. Plinano na namin kung paano kami makakapasok sa islang ito ng hindi nila malalaman.
mukang pinaghandaang mabuti ng kung sino mang hinayupak ang pag kidnap kay Alex . Lahat ng nakikita naming nakabantay sa paligid ay puro armado ng matataas na kalibre ng baril. Nauna ng pumunta sila Zircon , Ruby at Amethyst sa lugar na ito , nakaset up na ang mga kakailanganin namin.
We searched about this place. napapalibutan ito ng tubig pero ang mala kastilyong tore ay nasa gitna ng isla sa loob ng gubat.
mangilan ngilan lang ang nakita naming bantay at alam naming kayang kaya naming patumbahin tong mga to ng wala silang kaalam alam. may isang parte ang gubat na may nakatagong kweba , isang maliit na kweba na kasya ang 5 tao. HIndi mo agad ito malalaman kung hindi mo bubusisiin ang isla . natatabunan ito ng malagong halaman na aakalain nilang isang malaking talahiban lang chineck narin nila Ruby at Amethyst ang lugar kaya alam nilang safe itong pagtaguan ng mga baril namin.
Bago pa kami nakaahon ay may nakita nakong tumumbang 4 na lalaki sa magkabilang lugar na malapit sa may kweba.
sumenyas sakin si Topaz na tapos na ang clearing malapit sa kweba , meaning lahat ng bantay ay tigok na.
Isa isa kaming tumakbo papuntang kweba, nauna ako to check kung may sablay pa o halimaw na biglang susulpot sumunod sakin si Athena at hindi kalayuan ay si Topaz para bantayan ang likurang bahagi .
Nang makarating kami sa kweba mabilis kami nag hubad ng diving suit at nag palit ng combat suit, ikinabit ang kanya kanyang baril at ibat ibang gamit sa katawan. may kanya kanya na rin kaming pwesto at kung sa tingin nyo anim lang kaming nandito nagkakamali kayo.
Nagpadala na kami ng shadows. ika nga ni Athena , kaya yun nalang din ang itinawag ko.nasa taas na ng puno sina Zircon , Ruby at Amethyst mula pa kaninang hapon . lahat ng posisyon nila ay may sinasakupang lugar
They will be handling the north , south and west and ill be handling the east . Topaz and Athena will be handling the ground with the shadows.
We already located the exact location of Alex. She's in the rooftop, dinaig pa ang peg ni Rapunzel.
Walang ibang matatakasan at kung sakaling saniban ng kalokohan sa utak si Alex at magtangkang tumalon tyak na tigok din sya sa taas nito.
kung susumahin mga 10 floor din ang taas nito at tyak na babagsakan nya ay batuhan dahil ang nagiisang bintana sa toreng ito ay nakaharap sa dagat na puno ng naglalakihang bato.
Dahan dahan ang bawat paghakbang halos para na kaming lumilipad sa sobrang gaan ng bawat pag tapak .. nilagyan namin ng silencer ang mga baril namin para hindi lumikha ng ingay.
Nakita kong nakasapol na ng isa si Yna
habang payukong nananakbo.. no wonder.. hindi lang sya basta matagumpay na negosyante dahil lahat ng alam namin except sa expertise namin ay alam nya.. sa totoo lang hindi nya kailangan ng body guard since she can handle her self. Shes a great fighter a sharp shooter and intelligent woman.Naghiwalay kami ng daan ayun sa napagplanuhan.. dumerecho ako habang sila namay kumaliwa..
Another two men down at yun naman ay galing sa aking supressed mp5.. nagsinyasan pa kami ni Topaz meaning bilangan at paramihan kami ng mapapatumba.. i know it sounds morbid but come on.. kung di namin sila uunahan tyak kami ang tutumba.. hindi rin kami nanghihinayang sa buhay nila since mga hired killers yung mga yun.. mga takas sa kulungan , mga drug users and pusher , carnapper , rapist , at mga human trafficker.. at ang pinaka matindi eh yung nagnanakaw ng mga sanggol at bata para ibenta ang lamang loob o gawing taga paglimos ..in short sindikato and i fucking hate that..
Inalam namin ang lahat ng makakabanga namin including every little details.. kasama ang mukang halimaw na mga goons na to.. so yeah i dont cry over spilled milk.. tinutulungan lang namin ang mundo na mabura ang mga hinayupak na to..
Nakita ko na ang punong pupuwestuhan ko.. umakyat ako sa puno at itinali ko ang katawan ko matapos masiguradong ligtas na ang pwesto ko kinuha ko na ang baby chloe ko.. the real game was about to begin..
Alexandra's POV
Narinig ko ang huni ng ibon sa may bintana , bintanang malapit ng maidikit sa kisame ng lugar na ito..
kaya kahit gustuhin mo mang tumakas pag akyat palang ng bintana tyak na panghihinaan ka ng loob.
Mas maaliwalas itong lugar na ito kesa sa unang lugar na pinag dalahan sa kin. mas nakakahinga ako ng maayos.
Mas kalmado narin ang utak ko ngayon dahil kung may plano silang patayin ako ginawa na nila agad.
Napansin kong nasa mataas na lugar ako dahil wala akong naririnig na kahit anung ingay ng sasakyan o ingay ng mga lalaking naginuman o nagkakasayahan , hindi gaya sa unang lugar na pinagdalahan sakin.
pangatlong araw ko na ito sa poder nila at hanggang ngayon di ko parin alam kung anu ang dahilan kung bakit ako kinidnap nila Jhanedy at kung sino mang ponsyo pilatong lalaking yun.. ilang beses ko na inisip kung may nagawa ba akong mali o may atraso ba ako.. o may galit ba sa akin pero wala ako mapiga.. sa ngayon nawawalan na rin ako ng pag asang mabuhay. sa tatlong araw na pamamalagi ko dito , kung madaling hanapin itong lugar na to , tiyak na hindi ako tatagal ng 2 araw at wala nako dito , pero ito gabi na naman at wala parin nangyayari.
Diko alam kung dapat pa ba akong umasa. Walang Athena walang Carlos na makakatulong sakin. Dasal nalang ang kinakapitan ko ngayon at umasang sana mabubuhay pa ko sa mga susunod na araw.
**********
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romance..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...