Chapter 47
Alexandra's POV
Umuwi ako pansamantala para kunin ang ibang gamit nila mama.. hanggang ngayon ay hindi parin ako kinikibo ni Dada. Si Carlos naman ay umuwi na pagkatapos makatanggap ng tawag.. Sila Athena naman ay hindi sumasagot sa tawag .. malamang busy yun sa pag aasikaso ng mga gamit para makabalik na ng maynila..
Bago ako makarating sa bahay ay dumaan muna ako kina Cheska.. Pinapasok ako ng tita nya at tumuloy nako sa kwarto nya.. gaya ng inaasahan, tulog sya.
Hinawakan ko ang kamay nya..
"Bessy... 😭 umiiyak ako habang pinagmamasdan ko sya.. kung nakkapagsalita lang ito ay malamang sinermunan na naman nya ako.. namimiss ko na ang kadaldalan nya..
"Bessy... kamusta kana ba?kelan kaba babalik samin.. kelan ko ba maririnig ang nakakabingi mong tili...
Walang tigil ang luha ko habang kinakausap ko sya.. di dapat nangyari to.. napansin ko ang papel malapit sa unan nya.. kinuha ko ito at binasa
" ALEX "
Bakit nakasulat ang pangalan ko dito.. bago pa ko makatayo at makapagtanung ay tumunog ang telepono ko.
"Anung oras ka babalik dito sa ospital ? Tanung ni Dada
"Pabalik narin po da.. pasensya napo..
Ibinaba na nya ang tawag at ako naman ay nagmadali nang umalis .. nagpaalam ako sa tita ni Cheska
Nakikita kong parang may gusto sya sabihin pero tila natitigilan sya..
"Tita mauuna napo ako babalik pa po kasi ako ospital eh.
"Sige Alex magiingat ka.
*********
CARLOS POVBakit dito pa tayo nagkita?? Anu ba ang importante mong sasabihin?
Carlos matagal na ko nagtatrabaho sa mommy mo..sana sa pagkakataong ito , paniwalaan mo ako.
Wag na wag mo papabayaang mawala sa paningin mo si Alexandra...nasa panganib ang buhay nya..
At sino ka naman para sabihin kong pano babantayan si Alex.. anu kaba nya? At anu ba ang alam mo sa kanya..?
hindi na importante yun.. ang importante ligtas sya.. at marami ako alam tungkol kay alex bukod pa sa inaakala mo..
Bakit hindi mo sabihin sakin yan at ng malaman ko pano ko sya mababantayan.
"Hindi pa oras para malaman mo ang lahat.. darating din yun wag ka mag alala..
May sinabi pa ito pero bigla din umalis.. nahihiwagaan ako sa lalaking to.. bakit parang ang dami nya alam kay alex na hindi ko alam.
*********
Alexandra's POVbitawan nyo ako!!!sino ba kayo..!!
Sigaw koWala ako makita, tinakpan ang mata ko ng kung anung tela.. hindi ko din alam kung nasaan ako, basta ang alam ko nawalan ako ng malay ay andito ako Ngayon sa isang umaandar na sasakyan.
Pilit akong pumipiglas sa mga taong nakakapit sakin sa magkabilang kamay.ayaw nila akong bitawan at hindi ko alam ang dahilan bakit ako kinuha ng mga taong to..
"Parang awa nyo napo pakawalan nyo na ako..kung pera kailangan nyo bibigay ko lahat ng pera ko pakawalan nyo lang ako "
Hindi namin kailangan ang pera mo kaya manahimik ka!mas malaki pa ang makukuha namin kapalit mo hahaahahhhahaa !!!!
"pakawalan nyo ako!!! Parang awa nyo na!! sigaw ko.. lalo ako kinabahan sa sinabi nila
Ang ingay mo.. patahimik mo nga yan nakakatulilig sa tenga.. nagulat nalang ako ng ipilit ipasok sa bibig ko ang isang bagay. Pakiramdam ko panyo o bimpo. Wala ako nagawa at tuluyan nang tumahimik. Kung anu ano na ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam sino ang nagpadukot sakin at wala ako maisip na kahit anong motibo.
Gulong gulo na isip ko at diko na alam ang gagawin... tumahimik nalang ako at nakiramdam.. impit na iyak nalang ang nagawa ko. Kailangan kong magpakatatag at ireserba ang lakas ko sa mga posibleng mangyari.
"Hoy! Gumising ka na mahal na reyna ! Hahahhaha
Nagising ako sa yugyog na ginawa ng kung sino mang lalaking yun. Wala pa rin ako makita dahil nakatakip ang mata ko.. pilit nila ako kinaladkad palabas ng sasakyan.
Halos magkanda tali talisod ako sa ginagawa nilang pag hila.. narinig kong may umingit na bakal. Siguro gate yun o kung anu man..
"O pre!yan naba yun?? Tanung ng isang lalake
"Oo pre hehe tiba tiba na naman tayo.. sagot ng taong humihila sakin
"O ipasok nyo na yan.. tatawagan ko na si boss hehehe
Naramdaman kong parang lumamig ang paligid. Pinilit akong paupuin ng lalake habang nararamdaman kong itinatali nya ang katawan at kamay at paa ko.. tinanggal nya ang takip sa bibig ko pero naka piring pa rin
"Maawa na po kayo.. anu ba kasalanan ko.. pakawalan nyo napo ako hinihintay nako ng nanay ko nasa ospital.. pag mamakaawa ko.
" may pamilya rin kami na kailangan ng pera.. pasensya na miss nagkataon lang ikaw ang magiging dahilan ng pagkakaroon namin nun.. kaya makisama ka nalang kung ayaw mo busalan kita uli..
"Natahimik ako sa sinabi nya.. hindi dahil takot ako kundi dahil alam ko ang pakiramdam ng kumapit sa patalim para lang mabuhay..
Wala akong nagawa kundi umiyak at magdasal..yun lang ang tanging kaya kong gawin sa ngayon..
"Carlos na san ka... iligtas mo ako..
Mama patawad.. diko alam kung makakalabas pako ng buhay dito..Puro iyak nalang ako hanggang sa tuluyan nakong lamunin ng antok..
**************
Pasensya napo at inabot ako ng ilang buwan bago nakapag update.. lately masyado maraming nangyaring di maganda sa buhay ko.. but still lumalaban pa rin...
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romance..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...