Chapter 62
Cheska POV
Hindi ako kumikibo habang itinutulak ni Sam ang wheelchair ko.inihatid nya ako hanggang sa loob ng comfort room at isinara ang pinto
" Nakakaalala kanaba??
tumingin lang ako sa kanya at hindi sumagot.
" SAGUTIN MO AKO NAKAKALALA KA NA BA?? NAALALA MO BA AKO?
Nakita ko ang panlilisik ng mata nya.. totoo na nakakaalala nako pero hindi malinaw pero alam kong may kinalaman sya sa nangyari sa akin. May naalala ako pero diko tiyak kung yun talaga ang nangyari
" Wala..hindi kita kilala sagot ko
" SINUNGALING!!! alam kong nakakaalala kana. Bakit ka sumama dito ha? para isumbong ako kay Alex?? hindi ako papayag na ikaw lang makakasira sa mga plano ko.!!!
" Hindi kita maintindihan . kanina nga lang kita nakilala eh. ang alam ko lang kapatid ka ni Alex
bakit nagagalit ka sa akin? ano ba ginawa mo sa akin na dapat kong isumbong kay Alex?" Nagmamaang maangan ka pa! Alam kong kilala mo ako. ilang buwan ... ilang buwan silang nag pabalik balik para ipakilala ang mga sarili nila pero ni hindi mo sila nakilala o nilalapitan tapos ngayon kasama ka nila? wag mo akong lokohin.
hehe.. ngumisi ako. alam kong malalaman din naman nya so bakit ko pa sya papatagalin.
Bakit natatakot ka bang malaman nila Alex na ikaw ang dahilan kung bakit nangyari sa akin to?na itinulak mo ako at sinadya mong lagyan ng liquid soap yung lalakaran ko ?malas mo nalang at nabuhay ako. Naglakas loob akong sabihin para makumpirma ko ang naalala ko
" Bakit nga ba hindi ka pa namatay?? wag ka mag alala uunahin ko muna ang pinaka mamahal mong bestfriend at babalikan kita, isusunod kita.
"Ano ba kasalanan ko sayo at ginawa mo sakin to?
"ikaw wala , pero yang best friend mo meron.. lahat nalang inagaw nya sa akin. kaya lahat din ng meron sya aagawin ko
Inilabas nya ang isang tali sa ilalim ng gown nya mukang nakashort sya at pinaghandaan talaga ang mangyayari mukhang planado.itinali nya ako sa wheelchair at nilagyan ng panyo at tape ang bibig ko. wala ako magawa kundi umiyak
pero kinalma ko ang sarili ko. alam kong hindi ako magtatagal dito . Ipinasok nya ako sa isang cubicle lumabas at nilock ang pinto. ngayon kumpirmado na sya ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito,Makalipas ang sampung minute bumukas ang pinto ng isang cubicle." Che.. ayos ka lang?
hmmmmmmmmm!!!Hmmm!!!!
Tango lang ang tanging naisagot ko.
" Dito ka muna ha wag ka mag alala walang mangyayaring masama sayo. susundan ko lang yung baliw na yun. sabi ni Yna.
Oo planado ang pag punta ko dito sa banyo . alam naming pupunta o susunod si Sam. at bago pa may masamang mangyari sa akin pinaghandaan na nila Yna ang lahat. nakita ko si Sapphire sa likod nya. nginitian nya ako.
"Ako muna magbabantay sayo ha. hindi muna kita kakalagan kasi baka mabulelyaso pa tayo.
luluwagan ko lang ok lang ba?? si Sapphire
tango lang ang naisagot ko. matapos nya luwagan ang tali sa katawan ko. kinuha nya sa
shawl ko ang kanina pa nakakabit dun. voice recorder. ito ang magiging ebedensya namin." Dito ka lang muna ha. at magtatago lang ako sa kabilang cubicle. wag ka mag alala pangako walang mangyayaring masama sayo.
tumango lang ako. sana nga maging maayos ang lahat.
Athena's POV
Tama ang hinala ko. matagal ko nang gusting gawin to. mabuti nalang at nakakaalala na si Che. alam kong kung ako lang magsasabi kay Alex ng lahat pagdududahan parin nya ang
sasabihin ko. pero kung manggagaling ang salita sa isang taong pinakamalapit sa kanya, malaki ang tyansang maniwala sya.lumihis ako ng daan papasok ng mansyon. sa likod ako dumaan at dahil kilala ako ng mga kasambahay walang kahirap hirap akong pumasok at lumabas. naabutan ko pa si Carlos habang kausap si tita." Yna. tawag ni tita sa akin
" Yes tita?
" Pwede mo ba papuntahin si Alex dito . kailangan ko syang makausap
"Sure tita kailangan ko din talaga syang sunduin. naglakad ako palabas papunta sa garden kung saan ginaganap ang celebration. tumuloy ako sa lamesa naming nila alex nakahinga ako ng maluwag ng Makita ko syang nakaupo pero papalapit si sam kaya binilisan ko ang lakad ko.
"Sandra pwede ba kita makausap. tanung ni Sam
" Sige ate. sagot ni Alex.
"Waitttt!!! sigaw ko. lakad takbo ang ginawa ko dahil malapit na ako sa kanila.
" Sam I need Alex urgent lang.. mamaya na kayo mag usap. pinapatawag sya ni tita.
" Alex I wont accept no for an answer.
" Okay sige Yna. Ate mamaya na lang tayo mag usap ha. sandali lang naman to.hintayin mo nalang ako dito. anyway nasan nga pala si Che? kala ko sasamahan mo sya?
" Sabi nya mauna na raw ako at may gagawin pa daw sya pinapasundo nya nalang si Kurt.sagot naman nito
" ganun ba? sige ate pakihanap nalang si Kurt sasama muna ako kay Yna kita tayo mamaya tumango lang ito.
"Dali dali kong hinawakan si alex sa braso at naglakad ng mabilis papasok ng mansion.
" Yna okay ka lang ba ? Bakit parang nanlalamig ka ata.
" OKay lang ako .. may importante lang akong sasabihin sayo mamaya. pero unahin mo na muna si tita.Sana magkaroon ako ng tamang timing na sabihin sa kanya ang nangyayari kay Che. Alam kong hindi papabayaan ni Sapphire si Che kaya tiwala ako. At isa pa mukha namang naayon lahat sa plano ang nagaganap, ang kailangan nalang ay malaman ni Alex ang totoo at kung paano nya ito tatanggapin.
Hinihiling ko lang na sana maniwala sya. Alam kong hindi biro ang pinuhunan ni Alex para makuha nya ang gusto nya. At yun ay ang makasama na ang ate nya.. ngunit ang hindi nya alam nagpapatira pala sya ng isang ahas. Hindi ako makapaniwala nung unang sabihin sakin ni Carlos ang lahat , pero ng mangyari ang ibat ibang aksidente at kamalasan sa buhay ni Alex saka ko lang nakumpirma ang lahat. At sana ito na ang pinakamagandang timing para masabi namin kay Alex ang lahat. Sana.
**************
Hi guys sorry napakarami ng nangyari at maraming event ang pinag kaabalahan ko
kaya ngayon lang nakapag update but dont worry kapit ka lang bessy malapit na itong matapos.Pasensya napo gusto ko na talaga sya tapusin bago magpasko pero asusual busy ayun napurnada.. Anyways.. Merry Christmas everyone
Woohh intense?? Next chapter na dali
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Roman d'amour..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...