Carlos

1K 19 1
                                    

Chapter 30

Carlos POV

Tinitignan ko ang relong hawak ko ngayon.. hindi ito kamahalan gaya ng mga relong binibili ko..pero espesyal to dahil bigay to ni Alex

Binaliktad ko ang relo at binasa ang nakasulat sa likod  nito

"Time will heal all wounds "
                    Love Alexandra

Tamang tama ang nakasulat sa likod nito sa nararamdaman ko ngayon.. makakalimutan ko rin sya..

Sinasadya ko syang wag pansinin at pagbuhusan ng espesyal na oras nitong mga nakaraang araw..

Mula sa nalaman ko.. wala akong lakas ng loob na tanungin sya.. kaya wala akong ginawa kundi magtutok sa trabaho at magpayaman..

Pag nasa akin na ang yaman na nanaisin nya.. ill make sure hinding hindi ko sya papayagang mawala pa sa akin..

Ilang araw na gumugulo sakin ang mga salitang yon

"Sino may sabing mahal ka ni alex..pera mo lang ang gusto nya.. kapag nakakita sya ng mas mayaman sayo.. iiwan ka rin nya na parang basura.. tandaan mo yan..

Hindi mo sya kilala gaya ng pagkakakilala ko sa kanya.. nagkukunwari lang sya sa harap mo.. pero ang totoo.. marami pa syang boyfriend bukod sayo.. mas mayaman at mas kayang ibigay ang lahat ng gusto nya. "

Napansin ko nalang na tumutulo na ang luha ko...i know its so gay.. pero anu magagawa ko.. nasasaktan ako.. hindi ko sya maderetso.. nakikita ko sa mata nya na nasasaktan sya sa mga trato ko sa kanya..

Ayaw ko naman talagang gawin yun.. pero kailangan.. baka sakaling pag napagtanto nyang hindi ako lalaking gusto nya at mapapakinabangan nya ay lumayo na sya sa akin..

Masama ang loob ko ng malaman kong umalis sila sa party ko ng wala man lang paalam.. aminado akong pinabayaan ko sila.. pero kahit san ako magpunta .. nakatutok ang mata ko sa gawi nila..

Gusto ko man sila pigilang umalis  pero hindi ko nagawa.. and besides kasama nila si Athena.. alam kong hindi nya papabayaan ang dalawa..

Athena is my 2nd cousin.. anak sya ng pinsan ng daddy ko.. magkasundo kaming dalawa mula pa pagkabata.. ako tagapagtanggol nya kapag may nangaaway sa kanya..

Chubby at mahinhin si Athena nung bata pa kaya..madalas syang tampulan ng tukso.. pero nabago ang lahat ng malaman ko na tinurndown sya ng babaeng sinubukan nyang ligawan.

Yes.. Athena is a lesbian.. wala nakakaalam bukod sakin.. hindi nya masabi yun kahit sa magulang nya dahil sa takot na baka itakwil sya..

Natatandaan ko pa yung araw na nalaman ko ang lahat.

"Hinding hindi ako magkakagusto sa babaeng kagaya mo! Ang taba taba mo na napakalampa mo pa!!  Sabi ng batang babae

Bigyan moko ng pagkakataong magbago and ill promise magugustuhan mo rin ako
Pakiusap ni Athena

No.. not now.. now tommorrow .. never!! SagotNg bata

Hindi ko alam kung lalapitan ko sya o aalis nalang.. nakita ko syang sinuntok ang puno at nagasgasan ang makinis nitong kamao..

Nang makita ko na tumutulo ang dugo,agad ko syang nilapitan ..

"Anu ginagawa mo dito at bakit ka may dugo??pasimple kong tanung.

"Kunwari kapa .. alam kong nakita mo.. napansin kitang sumunod sakin.. hindi nalang kita sinita dahil may kailangan pa kong habulin..

"Ok..sige oo kanina pa ako nandito.. eh bakit ka umiiyak?dahil ba inayawan ka ng crush mo??tanung ko

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon