Chapter 70
Alexandra's POV
Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mata ko. umaga na pala napansin kong kakaiba ang kwartong ito. pero syempre diko alam kong nasaan ako since sobrang lasing ako kagabi.malamang isa to sa cabin room ng yate
bumangon ako at nakita ang sulat sa tabi ng lamesa kasama ang isang basong tubig at gamot
"Inumin mo to , tyak na may hangover ka"
Si Yna talaga, siguradong sya ang naglagay nito dito . pumasok ako ng banyo upang gawin ang morning routine ko at nag bihis ng isang simpleng bestidang baon ko para sa pag uwi.
lumabas ako ng kwarto at napansin kong wala pang ibang tao sa paligid.. naglakad ako at lumabas ng pinto. Laking gulat ko ng mapansing kong wala ako sa yate kundi sa isang beach resort. teka hindi to mukhang resort nakabalik naba kami? pero iba to sa resort kung saan kami nanggaling.naguguluhan ako at nagiisip ng may makita akong matandang lalake" HI mam Goodmorning , kayo po ba si Mam Alexandra?
" Opo Bakit ho?
" Hali po kayo mam sumunod po kayo sakin, nakahanda napo ang almusal nyo
" Ganun ba salamat po.. sumama ako sa kanya para makapagtanong narin at baka andun narin ang iba pa naming kasama..true to his words nakahanda na nga ang almusal. bacon, egg, hotdog coffee and toasted bread
" wow !!! sarap naman ng almusal puro mantika to ah hehe biro ko.
" Pasensya napo mam napagutusan lang po na yan daw po ang ihanda ko para sa inyo
, tawag po dyan hangover food
"wow at talagang may ganun pa ha.. anyway salamat po kuya, oh wait.. wala pa po bang ibang bisitang gisng??saka nasaan po tayo?
" wala pa po mam. Saka masasagot din po ang tanong nyo. pag katapos nyo po maari napo kayong bumalik sa kwarto nyo ako nalang po mag liligpit nyan.
"Okay sige salamat po kuya.yun lang at tumalikod na ito.kumalam ang sikmura ko ng maamoy ko ang kape. mabilis pa sa alas kuatro ng maubos ko ang pagkain. tumayo ako at nagpunta sa may dalampasigan, malinis ang paligid at walang anumang dumi o
kalat. diko maalala kong anong nangyari kagabi , ang huling naalala ko ay nagsasayaw pako tapos nagising nalang ako sa higaan na iba na ang damit. malamang si Yna rin ang nag palit ng damit ko hindi naman ako kailangan magalit dahil marespetong tao si Yna.alam kong ginawa nya lang yun dahil kailangan.Makalipas ang ilang minutong panunuod sa dagat, nakaramdam ako ng ngalay kaya naisipan kong bumalik sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko. napansin kong may sulat na nakalagay sa kama na wala naman kanina nung umalis ako. inumpisahan kong umupo at binuksan ang sulat
" Alex.. My Princess .. i don't know where to begin ,but i guess i will start in saying I AM SORRY.I Am sorry dahil hindi ko kayang pasayahin ka ,I Am sorry kasi wala akong magawa para gumaan ang sakit na nararamdaman mo. I Am sorry dahil
mahina ako. pero ng malaman ko na may pwede
pala akong magawa para mabawasan di man
matanggal ang lungkot sa mata mo. I Grabbed the opportunity. I wanted to help you as much as i could, you know that i love you right?
but I don't have the guts to pursue it, since i know and feel that your heart still belongs to someone else.I hope this time matupad mo na ang pangarap mo at lumigaya ka ng tuluyan , follow your heart and everything will follow. I will always be here if you need me. but as of now. papahinga muna ako and i will let you enjoy and found your true love.Love
Athena.Naiyak ako sa nabasa ko hindi ko alam kung bakit pero iba ang kutob ko sa nangyayari
Una wala akong makitang tao, pangalawa nasa isla ako. hindi na ko nagdalawang isip
at tumakbo ako palabas ng kwarto at nagikot sa paligid
" Athennnnnaaaaaaaaaaaaaaaa....... Mamaaaaaa. Cheeeeeeeeeeeeeeeee...
nasaan kayo.... AThenaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
paulit ulit ang sigaw ko habang lakad takbo.. napakalayo ko na sa malaking bahay kung san ako nanggaling oo Bahay, napansin kong hindi sya Cottage at hindi ito resort kundi isang malaking bahay sa gitna ng isla..
Siguro kayang gugulin ng 2 boung araw para maikot ang kabuuan ng isla. at kung hindi ako
nagkakamali ito dapat ang isla kung saan maghohoneymoon sila Che at Kurt.
pero bakit ako ang nandito.. baka nagkamali sila ng ibinaba. pero imposible naman na hindi nila kung sino ang ikinasal gulong gulo nako..diko alam ang gagawin ko. cellphone.. tama cellphone.. kailangan kong bumalik at
hanapin ang cellphone ko. kailangan ko makontak sila mama para malaman kung anong nangyayari sa akinLakad Takbo ang ginawa ko. at sa kalagitnaan ng daan may nakita akong taong nakaupo sa batuhan.hindi ko maaninagan kung sino sya , naglakas loob nakong lapitan para makapag tanong pero lakinggulat ko ng malapit
nako ay lumingon ito.
" Ano ginagawa mo dito??tanong ko
" Pareho ng kung anong ginagawa mo dito..
" Please lang wag mo na dagdagan ang iniisip ko. ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito eh
saka nasaan na ba ang mga tao? bakit wala ako makita?
" Wala na sila iniwan na nila tayo dito..
" paano nangyari yun? bakit nila ako gugustuhing iwanan dito na kasama mo..
naguumpisa na maglandas sa pisngi ko ang luha ko. ano ba balak nila lalo ako pahirapan
hindi ba nila alam na nasasaktan na ko ngayon.. for all people bakit sya pa ang kasama ko.
" Dahil sinabi ko. sagot nito
" ANO?!! naguguluhan na talaga ako.
nagpapatawa kaba? paano mangyayari yun kung ikaw nga mismo ang ayaw ako makita.
wag na tayo maglokohan, aalis na ko at babalik nako ng maynila.walang lingon likod ako naglakad pabalik sa bahay. tuloy tuloy akong pumasok sa kwarto.hinanap ko ang cellphone ko sa bag na baon ko pero wala ito doon binuksan ko ang mga drawer at ganun din wala ako nakita hanggang sa natuon ang mata ko sa cabinet na nakaawang nagulat ako ng makita kong may maleta na nakatago dun pamilyar sakin ang maleta at ng nilapitan ko jusko. maleta ko nga.. dali ko tong binuksan at lalo akong nagulat sa laman.napakaraming damit. at kung ano anong mga personal na gamit. pero wala parin yung
cellphone ko. nanlumo ako sa nakita ko. mukhang tama nga ang sinabi ng taong yun
Iniwanan nga nila kami. napaupo ako sa sahig sa pagod at sama ng loob anong gagawin ko paano ako makakuwi. paano ako kikilos , paano ako
hihinga kung ang taong nag papasikip ng dibdib ko ang kasama ko.Bakit sya pa... Bakit si Carlos pa...*************************************
hmmmm babala: wag maglalasing ng sobra at ng hidi napapahamak okay?
drink moderately lang ika nga.
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romance..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...