Paglalakbay

1K 33 0
                                    

Chapter 23

Maaga palang ay bumyahe na kami ni Carlos papuntang Quezon.. kasama namin si Aling Tere sa sasakyan , sya ang magtuturo samin ng daan. Isang dahilan kung bakit natagalan ako sa paguwi ay dahil , Hindi ko matandaan panu at saan pupunta..

Pinagisipan ko ng magsearch ng lugar o mga karatig probinsya..  Although sinabi na sakin ni Mama Celia na Quezon province yun .. hindi ko parin sigurado saan ang eksaktong lugar..

matalino nga talaga ang tadhana.. kahit hindi mo inaasahan at hindi mo hinahanap kusang magpapakita sayo.. at ipinakita sakin ng tadhana si Aling Tere.. sa panahong hindi ko inaasahan.. Isa lang ibig sabihin nito.. panahon na.. panahon na para balikan si ate.

Mahabang oras ang lumipas ang lumipas.. hinid ko namalayan na nakarating na pala kami sa Guinayangan Quezon.. Sinabi sakin ni Carlos na bukas na kami magumpisang maghanap.. kailanagan mauna sa min ni Aling Ter sa Lugar para malaman kung kamusta si ate..

Kinabukasan.. ibinalita sakin ni Aling Tere na hindi nya makita si ate sa bahay at wala si itay.. kaya ang sinabi nya samin ay magiikot ikot daw muna sya lugar namin at magtatanung tanung sya sa mga kapit bahay ..

Habang nagaantay ako ng balita galing kay Aling Tere, may kinausap na pala si Carlos na lokal para sumama samin na maglibot habang andito kami sa Quezon..

may isa syang kaibigan na may ari ng bahay dito sa kabayanan ng Guinayangan.. at dito kami pansamantalang tumutuloy..

Napag alaman kong pupunta kami ngayon sa isang tourist destination ..at yun ay ang Gapas Falls.. Mahaba haba din ang byahe at nilakad namin..  ang ganda ng lugar  , madaming naglalakahihang bato sa paligid , at napakalinaw ng tubig..

Nagset ng Tent ang kasama naming local habang kami naman ay nagpapahinga.. dumating ang tanghali ,naghanda na ng makakain si Carlos habang pinabayaan nya akong maglaro sa tubig.. nalilibang ako sa lamig at linaw ng tubig

Makikita mo ang maliliit na isda na lumalangoy ng  malaya.. mga dahon na kulay pula sa lamig ng tubig.. mga alimango nagalalakad sa gilid ng bato.. nakakatuwa silang tignan.. para akong bata , ang sarap sa pakiramdam.

Pansamantala kong nakalimutan ang problema ko sa ganda ng tanawin.. malakas ang agos ng tubig sa falls ng mga sandali na yon dahil kakaulan lang daw nung nakaraang araw. pero kahit ganun malinaw parin..

Naputol ang pagdeday dreaming ko ng tawagin ako ni Carlos para mananghalian.

" Irog kakain na .. yes , sa dinami dami ng endearment yun pa naisipan nya.. ayaw daw nya makiuso sa mga pabebe na lovers ngayon...

" Natawa nalang ako na kinilig sa tawag nya sakin,...

" HMmmmm ... ang bango naman nyan... anu niluto nyo?? tanung ko

" nagbarbecue lang ako ng liempo at inihaw na isda.. tara kain na tayo.. hugas ka na kamay, magkakamay tayo.. masiglang sabi nito

Nakakatuwang isipin na hindi na sya naiilang ngayon na magkamay kumain at marami na syang natutunan na simpleng paraan ng pamumuhay.. hindi naman sya o sila matapobre ng pamilya nya.. kaya laking pasalamat ko narin..

Natapos kaming mananghalian .. at nagtampisaw sa tubig.. para kaming bata nag sasabuyan ng tubig.. nagpalipas pa kami ng mga ilang oras hanggang napag pasyahan na naming umuwi..

Pagdating sa bahay nagbanlaw ako uli ng katawan.. eksaktong pag labas ko ng banyo ay tumunog ang cellphone ko.

" Hello?? Aling Tere??

" Hello Sandra.. iha may balita ako sayo...

Bigla akong kinabahan sa balita nya.. pero tinatagan ko ang loob ko..

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon