Chapter 41
Lumipas ang ilang taon at naging matagumpay ang clothing line na inilabas nila Athena.. habang ako naman ay kaliwat kana ang schedule ..
Nalilibang narin ako sa trabaho ko kaya unti unti hindi ko na rin naiisip si Carlos.. tinanggap ko na rin na wala na kami.. iniwan nya ako sa ere ng walang pasabi..
Itinigil ko narin ang pagtawag at pagtxt sa kanya.. nakuntento nalang ako sa magazine at balita ni Athena..
Lumipat narin kami ng bahay.. nakabili na ako ng maliit na bahay na matatawag kong sakin.. ibenenta namin ang bahay nila mama celia at ipinatabi ko na sa kanila ang pera after all sa kanila naman talaga yun..
Si ate naman ay nagaaral na ngayon sa College graduating na sya kaya laging wala sa bahay at busy sa school.. ako naman ay nakatapos na ng pag aaral sa paris.. syempre sa tulong parin ni Athena..
Masasabi kong perpekto na ang buhay ko hanggang sa dumating si Mama Celia sa bahay na may dalang dyaryo..
Makikita ang picture ko na nagsasayaw sa club.. kitang kita ang katawan ko at alam kong ako nga yun dahil kahit tinakpan ang mukha, at kahit ilang taon na ang lumipas halos walang pinagbago ang itsura ko sa picture at sa itsura ko ngayon..
Nanlumo ako sa nakita ko.. kahit nakatakip ang mukha alam kong maraming makakakilala sa picture na yun.. kahit blind item lang sya alam kong pupulutanin ako ng press nito..
Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Athena. Nahihiya akong ipaalam pero dahil sya ang humahawak sakin kailangan nya malaman to..
Kinuha ko ang cellphone ko pero bago ko pa maidial ang number nya ..ito na sya at tumatawag.
"hello??
"Alex.. may nakita akong..
"Oo nakita ko na.. ipinakita sakin ni mama. Anung gagawin natin dun??
"Ako na bahala.. pumunta ka dito sa office at aayusin natin to..
"O sige.. bye..
Dali akong nagbihis at nagpaalam kay mama.. dali akong pumunta sa office dala ang sarili kong sasakyan.. oo kasama sa pagiging modelo ko ay kailangan may sarili akong sasakyan.. nagaral din ako mag maneho para diko na kailangang laging magpasundo o magtaxi.
Binati ako ng gwardya sa baba.. ngayon ay kilala na ako ng lahat ng tao sa opisina.. kung noon ay kailangan ko pa mag pa appointment ngayon ay hindi na..
Tuloy tuloy akong umakyat ng elevator at pumasok sa opisina ni Athena..
"Hi dear.. bati nya sa akin.. humalik sa pisngi at yumakap
"Maupo ka..
"Salamat.. sagot ko
"Alex kalma.. kitang kita ang pag aalala sa mukha mo.. wag ka magalala.. kinausap ko na sina Jhanedy at Shadyhue sila na ang bahala sa press..
Kinausap ko narin ang dyaryong naglabas ng blind items tungkol sayo kaya wala ka na dapat pang alalahanin.."Yna.. kakayanin ba ng usap lang yun??napakarami na ng mga nakalabas na dyaryo.. at kahit walang mukha , alam agad nating ako yun.. eh kung sabihin nalang natin ang totoo.. total nakaraan na yun..
"Alex.. i already took care of everything.. binayaran ang dapat bayaran .. at kinausap ang dapat kausapin.. hindi masama ang pag sasabi ng totoo ,pero anu pabang paki nila sa nakaraan mo.. nagbago ka at nagtagumpay. Hindi na dapat pang inuungkat ang nakaraan..
Kinalma ko ang sarili ko.. may tiwala ako kay Athena.. alam kong kaya nya gawan ng paraan ang problema..
"Ang iniisip ko lang alex.. sino ang maglalabas ng mga picture mo sa media.. buti nalang local press palang nakontrol na natin.. pero sabagay.walang pakialam ang international press dyan.. ang kaso ang mga endorsement mo ang maapektuhan kung sakali..
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romance..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...