pagsubok

1.3K 32 0
                                    

CHAPTER 16

SAM's POV

Dumilat ako at naglakad papuntang kusina.. Sumasakit ang katawan ko sa pananakit ni itay kahapon. pero kailangan ko bumangon para kumain.. Kailangan ko rin bilisan ang kilos ko dahil alam kong anumang oras darating na sya at hindi na naman ako makakakain.

Mabilis akong nagbungkal ng pagkain sa mesa , buti nalang at may natirang pang isda at kanin sa kaldero hindi nako nag abala pang maghugas ng kamay, kumuha na agad ako ng pinggan at kumuha ng kanin..

"sunog na kanin? ok na to kesa lalong kumalam ang sikmura ko.
mabilis ang bawat kilos ko at wala na kong paki kong matinik pa ko o mabilaukan , ang importante makakain ako bago dumating si itay.

pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko .. naglinis linis sa bahay.. at nagligpit ng iba pang kalat.. maya maya pay narinig kong kumalabog ang gate naming yari sa yero. dali dali akong pumasok sa kwarto at sinara ang pinto.. sinilip ko ang parating na tao mula sa butas ng dingding sa kwarto ko.

"Si itay dumating na at may kasamang babae na sobrang iksi ng suot.. maraming kolorete sa katawan at ang kapal ng kulay sa mukha..

" Babe ... hihihihi anu baaa.... sandali lang hihiihhi upo muna kita ... sabi nito

" Hindi Babeee halika hik dittoooo hik*.. ang banggo banggooo mo amoyy phinihhpiggg hihihhihi.. wag ka aalish hik* diyaann ka lang sa tabiii ko  hik... sagot naman ni itay

Lasing na naman sya.. at nagdala pa ng babae .. wala na nga kaming makain..  pero syempre di ko pwedeng sabihin sa kanya yun . tahimik lang ako nagmasid sa ginagawa nila..

Iniwan ng babae si itay sa may sala at nagpunta sya ng kusina kumuha ng tubig at uminom , kumuha uli sya ng panibagong tubig at sinalinan ng kung anung pulbos na hawak nya. hinalo ito sa tubig gamit ang daliri nya.. kinuha ang baso ang dumeretso kay itay. nakangisi syang iniaabot kay itay ang baso.

Tumakbo ako palabas ng kwarto at mabilis na tinabig ang baso.

"AAAAYYYYYYYYY!!!! tili ng babae.

tinignan nya ako ng masama at sinugod

" ANUNG PROBLEMA MO HA??!!! BAKIT MO KO BINASA?? BAKIT MO TINABIG ANG BASO??!!!

" Anung nilagay mo sa tubig? pagbabalik ko ng tanung?

namutla ang babae at di nakapagsalita.. habang biglang bangon naman si itay, dahil nagising sa sigaw ng babae.

ANUhhh NA NNAMAN ANG GINGAWA MONG LINTIK NA BATA KA!!???? HIK** PATI BISHITA KOHH BINABASHTOSH MO!!!

pilit syang tumatayo sa upuan para hablutin ako.. iniwas ko ang katawan ko.

" Tay nakita kopo kasing may nilagay syang kung anu sa tubig na ipapainum sayo kaya tinabig ko.

"SINUNGALING KA !!!! sigaw nya sakin.. BABE WALA AKO NILAGAY PROMISE... NAGSISINUNGALING LANG SYA.. alam mo naman na love kita diba?? hindi ko magagwa sayo yun..

may paiyak iyak pa tong babaeng to.. kitang kita ko na nga anu ang nangyari..

"Tay totoo po ang sinasabi ko hindi po ako nagsisinungaling

tumingin lang sakin ng masama si itay at hinawakan sa kamay yung babae.

''LUMAYAS KA DITO AYOKONG MAKITA ANG MUKHA MO SA PAMAMAHAY NATO!!!!PURO LANG PAHIRAP BINIBIGAY MO SAKIN!! PALAMUNIN KA LANG DITO!! sigaw nito

nagmakaawa ako at lumuhod.. pero sinipa lang ako ni itay..
wala ako nagawa kundi lumabas ng bahay kumuha ng ilang damit at naglakad.. hindi ako lumayo dahil una.. wala naman ako alam na pupuntahan.. pangalawa hindi ako gaano marunong magbasa at wala ako alam sa paligid.. literal na taong bahay lang ako at gawaing bahay lang ang alam ko.

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon