Chapter 66
Alexandra's POV
Matapos ang lahat ng nalaman ko. gumaan ang loob ko pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin
ako kinakausap ni Carlos. Nagusap narin kami nila Athena na ituloy ang sampa ng kaso.
lalo pat desidido si Ate Sam na mapatay ako. yung mga kasama naman nya sa pag kidnap sakin kasalukuyang nakakulong narin pati ang tunay nyang ama.
Unti unti naring nakakarecover si Che sa mga nangyari at tuloy tuloy parin ang
therapy nya. Nakatanggap ako ng imbitasyon mula kay Che tungkol sa kasal nila
gaganapin na yun tatlong buwan mula ngayon . Unti unti nang naayos ang lahatPlano naming balikan si Itay para alamin kung anu pa nga ba ang dapat kong malaman
Unti unti ko na ring natatanggap si mommy sa buhay ko.. Oo sinanay ko nang mommy ang
tawag sa kanya , kahit ayaw ko o kahit anung gawin ko , at kahit pag bali baliktarin natin ang mundo ina ko parin sya . Isa nalang ang hindi pa naayos. Ang Puso ko.Mabilis na lumipas ang mga mga araw at ito ako ngayon nakatunganga sa bahay .
Naghahanda na ang lahat sa nalalapit na kasal ni Che kaliwat kanan ang schedule
at dahil isa ako sa brides maid ako ang kasa kasama ni Che sa lahat ng lakad nya..
Nakakatuwang makita na nakakalakad na uli sya at maayos na ang pananalita nya
at hindi na nahihirapan pa. perfect for her upcoming wedding.
Binigyan din ako ng off ni Yna ng ilang buwan para makacope up sa mga nangyari sakin.
sa totoo lang ayaw na sana ako pag trabahuin nila Mama Celia at ni mommy tulungan ko nalang daw sila na mag asikaso ng coffee shop at ng negosyo nila. pero tumanggi ako. Una dahil alam naman nila sa simula palang na independent akong klase ng tao , pangalawa gusto ko muna may patunayan sa sarili ko at ayokong madikit kay mommy ng dahil lang sa pera o negosyo nya.Abala ako sa pag gawa ng Bohemian Headband na may Wood Beads at Peacock Feather Suede
na gagamitin sa kasal ni Che, ng dumating ang dalawa."HI Che ,. Hi Kurt
" bessyyyyy..... kamusta bising busy ah . bati nito
" Nangaasar kapa. hahha wag ko kaya gawin to at ng wala tayong pang hair accessories.
" Hahhaha kaw naman di na mabiro.. salamat bessyyy.. punta lang ako sa loob para asikasuhin ang invitation cardSa kasamaang palad sa dami dami ng trip ni Che eh Bohemian inspired ang napagtripan at Beach wedding pa ang nais,sa dinami dami daw kasi ng mga problemang dumating sa amin gusto nyang marelax at pati ang mga bisita para sa second life na binigay sa amin. which is tama naman. HIndi na ako tumanggi sa idea nya since reasonable naman talaga ,Ako ang nakatoka sa hair accesorries ng lahat ng girls , bilang regalo ko sa kanya since ako ang brides maid, Si Yna na ang sumagot ng gown nya at mga gown ng iba mga maid of honor.kasama narin ang tux at suits ng mga grooms men at Best man. at sino pa nga ba ang Best man
syempre si Carlos. ayaw ko man wala akong magagwa since si Carlos naman talaga ang isa sa malapit na kaibigan ni Kurt .
Gems naman ang mga kasama sa maid of honor syempre si Yna at sa grooms men naman ay ang mga iba pang kaibigan ni Kurt. Simpleng selebrasyon lang ang gusto nila , Konting tao lang ang imbitado , pamilya at malalapit nakaibigan lang ng both parties ang kasama sa listahan. napili nilang lugar ang Crystal Beach sa Zambales para ikasal at syempre kasama na ang reception.
Why not sino ba naman ang hindi mag eenjoy kung pagkatapos ng kasal eh pwede ka mag tampisaw sa dagat .
Isang simpleng white gown na mermaid cut ang napili ni Ynang design para sa gown ni Che na inayunan naman ng huli.
habang ang mga gown ng mga maid of honor at sa akin ay simpleng Bohemian dress na floral . magkahalong purple and pink ang motif
na napili ng dalawa. Masaya ako na sa wakas pagkahaba haba man nga naman ng prosisyon eh sa kasalan din ang tuloy.Sinagot na ni Carlos ang gastos sa reception at accommodation ,sinagot naman ni mommy ang travel and tour ng mga kasama sa listahan sa kasal. pasasalamat daw nila ito sa pagliligtas sa amin at pag bibigay ni Che ng testimonya
Settled na ang lahat bukod sa bride na walang ginawa kundi umikot. hilong hilo na ako sa paroon parito nya" Che.. ano ba nangyayari sa yo bakit para kang pusang di mapaanak?
" Bessy anak agad ? , pwede ba kasal muna?? hehehe
" baliw ka talaga batuhin kaya kita dyan..ano nga ? bakit kanina kapa di mapakali?
( natutuwa ako kapag nag bibiro sya ng ganito , alam kong bumalik na ang bestfriend ko, ang dating Che)
" Bessy natatakot ako.. paano kung biglang umaatras si Kurt? paano kung ayaw pala nya sa akin paano kung makahanap sya ng mas maganda sa akin? paano kung...
" paano.. paano paano.. ano kaba? magrelax ka nga.. hindi mo lang alam kung gaano ka kamahal ni Kurt,Halos mamatay na yun kakaalala nung naka coma ka at hindi ka iniwanan nun kahit anong naging sitwasyon mo, kahit pinagtatabuyan mo sya at para kang nakakita ng multo pag dinadalaw ka nya , hindi sya umalis sa tabi mo. ngayon pa kaya? na maayos na ang lahat?
" Bessy di naman maalis sakin na kabahan, hindi na ako kasing ganda ng dati napabayaan ko narin ang sarili ko dahil sa ilang buwan kong pagiging coma at pag ka pilay.
" CHe.. this is for better or for worse, Kurt already experienced the worse , let him experience the better.
" Thanks Bessy ..
" alam mo ganito nalang ,mag paganda tayo okay?? we still have 2 weeks bago ang kasal kaya wala ka dapat gawin kundi mag beauty rest at mag pasexy para matanggal yang ketek mo sa utak heheh.
" Ay hala sya.. san mo nakuha yan hahahhaha. sige bessy salamat talaga.Umalis kaming kasama si Yna at Sapphire. itong dalawa na kanina pa parang asot pusa
una kaming nag punta sa massage parlor para makapag relax , napapansin kung
hindi na nagkikibuan ang dalawa. hanggang sa nakarating kami sa salon, nag pa manicure at pedicure at nagpatreatment ng buhok. at kung ano ano pa,. pero kung anong kulit namin ni Che sya namang tahimik nung dalawa.
Hanggang sa makarating kami sa isang restaurant para kumain ng hapunan.
" Anong nangyayari sa inyong dalawa Yna?
katabi ko sya ngayon habang si Sapphire ay tumabi kay Che.
" wala , may kunting tampuhan lang siguro.
" ayusin nyo na yan hindi ako sanay na nakikita kayong ganyan.. you were like best of friends.
" Sige aayusin ko nalang mamaya..
Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon.. hindi ko na sinita pa kung anong meron sa kanilang dalawa alam ko naman malaot madali maayos din nila kung ano mang problema meron sila.Nakatanggap ng tawag si Yna at agad nagpaalam na aalis. ibinilin nalang nya kami kay Sapphire
Hanggnag makauwi kami , napapansin kong sobrang lungkot ni Sapphire at ayaw nya magsalita kung bakit. kaya hindi ko nalang din sya ulit tinanong. natapos ang araw namin ng maayos at walang gulo. 2 weeks from now.
mag aasawa na si Che , magkakaanak at bubuo ng pamliya.. ako kaya kelan? tuloy tuloy ang pagiisp hanggang lamunin na ko ng antok.**************************************
Ganito din ba ka busy ang preperation ng kasal nyo? O nagiisip kana rin ikasal?? Well. Be prepared
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romance..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...