Chapter 71
Carlo's POV
Alam kong maghuhuramintado si Alex pag nalaman nya na kaming dalawa lang ang naiwan sa isla.
OO pinagplanuhan namin to kasabwat ang lahat ng taong nakakakilala samin at nasa kasal ni Kurt Kung itatanung nyo kung bakit.ito ay dahil sa nalaman ko mula kay AThena. Naalala ko nung araw na ipatawag nya ako sa
condo nya at may importante daw syang sasabihin. naabutan kong kasama nya ang Gems at ang iba pang kaibigan nya hindi maipagkakailang magaganda ang mag kaibigan nya kaya malamang mag reto na naman to sakin.
laking gulat ko ng makitang may isa silang kaibigang nakatali kaya akala ko nagtitrip lang sila pero ng makita kong seryoso ang mukha ni
Athena dun ko napag alaman na iba ang ipinunta ko dito."Milady shall we begin??
tumango lang si Yna .
" Carlos you can seat here and pakinggan mo lang ang lahat ng sasabihin at pag uusapan namin okay??tango lang din ang isinagot ko.nakaupo sa gitna ng sala si Jhanedy, yun ang alam kong pangalan nito. nakatali ang kamay nito likod ng upuan halata ang takot sa mata nito , pero mukha namang di ito pinahirapan. nakapalibot sa kanya ang iba pang kaibigan ni Yna at halatang lahat ay handa sa kung ano mang pwedeng mangyari.
" OKay lets begin..jhanedy isang beses lang ako mag tatanong at gusto ko sagutin mo ako ng tama at totoo.
Ano ang kinalaman mo sa mga nangyayari kina Carlos at Alex.? ayoko na ulitin ang tanong ko kaya siguraduhin mong magsasalita ka agad. kilala mo naman kung sino ang mga nakapalibot sayo ngayon at alam mo ang mga kaya nilang
gawin. tumango si Jhanedy at sinimulang magsalita. inihanda ni Yna ang tape recorder at ini on.
"Nung una hindi ko alam na si Alex pala yung taong gustong kidnapin nila Marco kaya nakipagtulungan pa ako,
huli na ng malaman kong sya pala yun. takot akong mamatay kaya wala nako nagawa nung nakita ko na nasa isla na sila. ilang beses na siyang muntik patayin ni Marco pero lagi kong pinipigilan at pinipilit na pahabain pa
ang pag paparusa hindi para talagang parusahan sya kundi dahil alam kong gagawa kayo ng paraan para mailigtas sya
at alam kong kailngan nyo lang ng sapat na panahon. Ako ang nag tip sa tauhan ni Sapphire para makita sila.
" Bakit mo parin piniling tulungan si Marco sa balak nya. kahit alam mo na , na si Alex at kami ang kinakalaban mo at kelan mo pa nalaman na anak ni MArco si Sam.tanong ni Yna
" Nalaman ko na anak ni Marco si Sam nung nasa isla narin. pero naghinala ako nung unang araw palang na nakilala ko sila. nung sinabi niya na naligaw lang sya at napunta sa opisina ko. lahat ng blue print ng mga project ko sa ibang company ay nandun,naabutan ko syang hawak yun at pinagaaralan , ng mahuli ko sya,. tinitigan ko syang mabuti at naalala ko na nakita ko na ang mukha nya sa bahay nila Marco, nung una hindi ko tinatanong kung sino si Sam sa buhay ni Marco, palihim ko syang pinagmamasdan ng araw ng pictorial at nahuli ko syang ginugupit ang mga gown na gagamitin ni ALex. nung una gusto ko syang isumbong
pero naisip ko na kailangan ko muna ilihim para malaman ko kung bakit nya ginawa yun sa kapatid nya.Kumikilos akong mag isa , matinik si Sam at hindi mo basta malalaman ang lihim nya kung hindi pa sya ang magsasabi.
nung araw na nakita ko sya sa isla na kasama sya sa mga hostage nawala ang hinala ko pero nung makita kong pinakawalan sya at pinakain at kausap nya si Marco sa kung anong gagawin sa mga bihag dun ko lang nakompirma.
Narinig ko sya na gusto nya narin ako ipagligpit sa tatay nya para hindi na ko makapag salita sa mga nalaman ko , pero nag matigas si Marco
at sinabing sisiguraduhin nyang hindi ako mag sasalita , kaya pinaalis na nya ako bago pa man ata kayo nkarating sa isla.itinago nya ako sa bahay nila sa Baguio habang hindi pa daw natatapos ang dapat nila gawin, dun ko kinausap ang informant ni SapphireLumingon si Yna kay Sapphire at tumango ang huli.
" Ngayon ano ang plano mo gawin? bakit kailangan ka pa namin ipahanap para lang sabihin yang lahat ng yan.
"Natatakot ako lumantad dahil may pinapakilos si Sam para patayin ako. alam kong nakakulong na silang mag ama pero hindi parin natatanggal ang utos sa pag patay sakin. kung walang malinaw na ebedensya o testigo sa naging pag kidnap makakalaya si Marco at posibleng maghiganti para sa anak nya..
" Ano naman ang sasabihin mo sa amin tungkol kay Carlos at kailangan pa syang ipatawag dito?
" Napag alaman ko kasi na ang huling testamentong iniwanan ng ama nya ay peke.
nagulat ako sa sinabi nya at napaderetso ng upo.
" Anong ibig mong sabihin?? tanong ko.
" Ang abogudo nyo.. anak sya ng dati nyong abugado diba??
"OO ano kinalaman nya dito?
" Kaibigan ng daddy mo ang abugado nyo noon at dahil doon madaling naipasok na family atty ang anak nya ng namatay ito. ang hindi nyo alam . matagal ng may relasyon ang abugado nyo ngayon at si Sam.
Pinakialaman nila ang huling testamentong iniwan ng ama mo. at pineke. nakasaad dun na hindi kayo pwedeng mag katuluyan ni Alex
diba? dahil sa anak sya ng kinikilala mong ina.. hindi totoo yun. walang ganun ang nakalagay sa testamento. ang nakalagay lang doon ay pangalagaan mo ang pamilya nyo kasama na si Alex. pati ang mga ari arian ay pinakialaman nila.may tatlong lupain kayo sa ibat ibang probinsya na ibenenta ng abugado nyo para ipambayad sa utang nya sa casino.
inilagay sa testamento na iniwanan yun sa pamilya nila blang kabayaran sa pag lilingkod sa pamilya nyo diba?
Tama ang lahat ng sinabi nya. ganun nga ang lumabas sa testamento.
" Paano mo nalaman lahat yan at bakit kami maniniwala sayo. tanong ko
" Kayo ang bahala kung ayaw nyo maniwala. Kabit ako ni Marco at hindi kaila sa inyo yun. ginawa ko lang yun para sa koneksyon sa business ko. nalaman ko yun ng minsang malasing si Marco ng sobra at nabanggit nya sa akin ang tungkol sa testamento. kaya ng nakatulog sya pinakialaman ko ang mga papeles nya.mahirap yun hanapin pero dahil may access ako sa mga gamit nya nakita ko yun at nakakuha ng kopya. kung ayaw nyo parin maniwala icheck nyo ang cellphone ko andun ang
picture. may hard copy rin ako nun.
Mabilis na kumilos si Zircon at kinuha ang gamit ni Jhanedy ..
" Totoo andito ang kopya.
parang bombang sumabog sa loob ko ang nalaman ko. pinapahirapan ko ang sarili ko pati si Alex ng dahil lang sa pekeng testamento. Dali akong kumuha ng kopya at umuwi ng bahay ipinakita ko at ipinaliwanag kay mommy ang lahat.wala syang ginawa kundi umiyak at humingi ng tawad. Binasbasan na rin nya ang naisip kong plano.kinausap ko na ang lahat ng tao pati si Kurt at si Yna naman ang kumausap kay Che para sa balak na pagiiwan sa amin sa
isla. hindi totoong sa isla ang honeymmon nila palabas lang yun para mag karoon kami ng oras na magkasama ni Alex. the same day ng kasal bumalik din sila agad pag kahatid sa amin para dumerecho ng lipad sa Paris . yun ang totoong
regalo ko sa mag asawa. laking tulong din ni Yna . alam kong nasasaktan sya. pero tinanggap nya ang katotohanan na mahal ko si Alex at possibleng mahal parin ako nito. isa lang ang binilin nya wag na wag ko papaiyakin si Alex
kundi malalagot ako sa kanya,. binigyan ako ng pag kakataong dugtungan ang naputol na pagmamahalan namin ni Alex this time i will not let her go. sana lang tanggapin nya ulit ako. Sana..**********************************************
Aysus.. nakahinga rin sa wakas.. grabeng lovelife to so complicated.
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romansa..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...