The Tower

888 19 0
                                    

Chapter 53

Athena's POV

Four of the gems are still on the top of the tree

sila ang nagsilbing mata namin, mga sniper in disguise.

In disguise dahil kung hindi mo tititigan hindi mo aakalaing may tao
sa taas ng puno. dinaig pa nila ang chameleon sa pag babalat kayo.

Bago kami naglakad palapit sinigurado muna naming
wala ng kahit sino mang goons ang nasa paligid
clear it all out , yun ang misyon na nakaatang sa kanila

Matapos ang clearing sa ibat ibang posisyon ng isla unti unti kaming lumapit sa tore galing sa magkakabilang direksyon.Nang makalapit kami Ibinato ko ang grappling rope sa pinakamataas na bahaging kayang abutin nito kasabay kong nagsipag hagis ng kanya kanyang Grappling rope ang mga kasama ko..
at sabay sabay na umakyat. iisa lang ang bintana sa taas ng tore pero may mga bintana sa ibang palapag nito. at yun ang gagamitin naming way para makapasok.

may natirang 6 na shadows na pumasok gamit ang main door.. dahan dahan ,

maingat sa bawat pagkilos , para walang makahalata na napasok na namin sila.

*********************************

Carlos POV

Nagising nalang ako na umuuga ang kinakaupuan ko..

saglit akong nag mulat ng mata ng mapansin kong nasasasakyan ako at may paparating na tao pinikit ko ang mata ko.

Pinakiramdaman ko ang paparating. hindi ako kumikibo at nag anyong tulog parin .Pilit kong iniisip kung anung nangyari kanina,kumakain kami ni Sam sa isang resto na malapit sa office maayos na nagkukwentuhan at nagbibiruan

Omorder sya ng  4 season juice at cafe americana naman ang sa akin
lumipas ang ilang minuto at sinabi nyang nahihilo sya pero ng tulungan ko syang tumayo bigla nalang umikot ang paningin ko hanggang sa namalayan ko nalang na nandito na ako

" Dipa ba magigising yan?? boses ng isang lalake

" HIndi pa .. malakas ang gamot na nilagay ko sa  inumin nila kaya di magigising yan hahah

" buti naman.. sya nga pala  medyo malapit na tayo . bantayan mo  na yan baka biglang magising.

" sige ako na ang  bahala

" Gising na gising na ako at narinig ko ang bawat salitang sinabi nila.. mukang may nagbalak pala talagang
patulugin kami.. pero na saan si Sam. dinilat ko ang kanang mata ko ng kaunti.. sinilip ko ang paligid

" shit nasa eroplano kami . kahit maitumba ko ang mga taong nandito imposible parin akong makatakas ,

hihintayin ko nalang ang susunod nilang gagawin. at pagkalapag nitong eroplano saka ako kikilos para makatakas

lumipas ang ilang oras hindi ko na halos namalayan gaano katagal naramdaman kong umuuga na naman ang kinakaupuan ko mukang palapag na kami. lumapit sakin ang isang lalaki at kinuha ang kamay ko

alam kong pipilitin nilang itali ang kamay ko para di ako makatakas  pero ginawan ko na ng paraan yun

hahayaan ko lang muna sila gawin ang gusto nila dahil tyak na hindi pa nila ako papatayin hanggat hindi pa ako nakakarating sa lugar kung saan talaga nila ako dadalhin.

pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman kong pinilit akong buhatin ng isang napakalaking lalaki ,

hinayaan ko parin syang isiping natutulog parin ako , tiyak naman na kahit san nila ako dalhin matutunton ako ng mga kinausap ko.  ilang minuto pa ang binyahe namin  by land tiniis ko ang sakit ng untog at bangga sa mga dinadaanan namin. I noted to myself na bubukulan ko tong lalaking to pag nag karoon ako ng pag kakataon

Nakaamoy ako ng singaw ng dagat at nakakarinig din ako ng hampas ng tubig sa dalampasigan

mukhang babyahe din kami by water. natiyak ko lang ito ng sumigaw ang isang boses lalaki na ayusin na ang angkla.. mukang hindi ito pang karaniwang Bangka , malaki ito para sa Bangkang di sagwan pero maliit ito para sa yate. maya maya pay narinig ko ng tumunog ang motor hudyat na papaalis na kami

Kung nasaan man ako ngayon pinapanalangin ko nalang na sana papunta ako sa kung nasaan man
si Alexandra, para kung sakaling mamatay man ako sya ang huling taong makikita ko at masasabi ko kung gaano ko parin sya kamahal.. Hindi ko na halos mabilang kung ilang minuto o
oras na kaming bumabyahe. pinakikiramdaman ko ang paligid. hindi ko rin masilip kung kasama naming si Sam o hindi.

Sumadsad ang Bangka sa buhanginan , mukang hinihila ito ng kung sino man para hindi sila mahirapang ibaba kami o kung ako man lang ba ang nanditong bihag. binalya ako ng lalaki sa braso nya.. hindi maliit ang  katawan ko pero para akong unan na isinampay lang nya sa balikat nya , ang sakit na ng tyan ko dahil tumatama sa buto nya sa balikat.

nakakarami na sakin tong mala kapreng lalakeng to. tiis Carlos tiis ka lang pinilit kong sabihin sa sarili ko
para mapigilan ko ang inis na nararamdaman ko.

Alam kong sa mga oras na to ay nakuha na nila ang signal na pinadala ko mula sa relo ko

Yes. isa sa mga plano na sinabi sakin ni Yna ay ang mag lagay ng tracking device sa mga taong malapit kay
Alex. para kung anut anuman ang mangyari alam naming san pupuntahan ang bawat isa.

bago pa nila talian ang dalawang kamay ko kanina naactivate ko na ang relo kaya alam kong nasa himpapawid pa man kami ay inuumpisahan na nilang puntahan ang lugar kung nasan man ako.malaki ang tyansang sa lugar na kung nasaan si Alex ang pag dadalhan sakin . why not??

Ako lang naman ang nagiisang lalakeng na involved kay Alex. at kung ang lahat ng ito ay para kay Alex i'm willing to sacrifice. nararamdaman kong papataas ng papataas ang lugar na pinagdadalhan sakin , naririnig ko pa ang bawat yabag ng paa ng kapreng to.

Maya maya pay pwersahan akong iniupo at itinali ang katawan ko sa kung anung silyang inuupuan ko ngayon. nanatili parin akong nag tulog tulugan. hindi nila ako nilagyan ng anu mang piring o busal na para bang inaabangan nila ang pagising ko.

" Anu di parin ba gumigising yan? parehong boses ang narinig ko

" hindi parin pucha ang sakit na ng balikat ko kakabuhat dyan at kakalipat eh.

" bakit ba kasi di pa nagigising yan ? akala ko ba mga 6 hanggang 8 oras lang dapat ang epekto nung gamut mo baka naman dinamihan mo at bukas pa yan magigising lagot tayo kay boss

" relax Felipe ako na bahala pag dumating si boss gigisingin ko yan kaya kalama ka lang ha

Felipe pala ang pangalan ng kapreng to.. humanda ka sa akin pag nagkaroon ako ng pag kakataon.

May narinig akong isang upuan sa may kanan ko at isang babaeng pilit na nagsasalita at nagpupumiglas

nabuhayan ako ng loob di kaya si Alex yun.? pinilit kong imulat ang mata ko para tignan kong sya nga.

pero sa kamalas malasan hindi ko maibiling ang ulo ko dahil nasa harapan ko lang ang kapre at kung pipilitin kong tignan kung sino ang babaeng yun tiyak na mahuhuli ako na kanina pa ko gising

Tiis.. tiis parin ang pinipilit kong isaksak sa utak ko kunting panahon lang kunti nalang isang magandang tyempo lang makikita na kita

************************************

Si Alex nga kaya ang babae na kasama ni Carlos sa iisang silid?

saan kaya sya dinala ng kapreng si Felipe? hehehehe

hindi po ito Fantasy story so wala talagang kapre sa istoryang to masyado lang

syang malaking mama kaya pwede pag kamalang kapre hehe

OKay?? next chapter..

Vote ? comment? wag na mahiya

( guys uulitin ko di po ako perpektong tao si kung may maling grammar o spelling o typo unawain nyo nalang po salamat )

* ALEXANDRA *  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon