CHAPTER 73
makalipas ang 30 minuto at nakarating kami sa kabilang isla..
di hamak na sobrang laki ito kumpara sa isla kung san kami nanggaling.
mas may buhay ito dahil marami akong nakikitang bahay na nakatayo at maraming tao.
Lumiwanag bigla ang mukha ko at excited na parang batang tumayo.
at dahil sa ginawa ko gumewang gewang ang bangka. natumba ako kay Carlos. at buti
nalang nasalo nya ako dahil kung nagkataon nalaglag nako sa dagat .
" Dahan dahan .. hindi halatang masyado ka excited ha. makakarating din tayo..
nanayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan paano ba namang hindi
buong kalahati ng katawan ko ang nakahiga sa kanya at sa tenga ko pa sya talaga bumulong ng ganun
pinilit kong tumayo ng lingunin kami ni Mang Ernesto na may nakakalokong ngiti.
" Aysus tong mga batang ito.. malapit na mam.. tanaw nyo na diba 5 mins po.. kunting kapit lang kay ser heheh
bigla ako napabitaw , braso na pala ni Carlos ang kinakapitan ko ,
" dagattttt.. lamunin mo ako dagggattttt!!!!! sumisigaw na ko sa utak ko sa kahihiyan.. pero syempre takot ko lang diba?
simpleng ngiti lang ang tinugon ni Carlos.. nagiinit na ang mukha ko sa sobrang hiya.
umayos ako ng upo at naghintay.. pagkasadsad ng bangka sa dalampasigan hindi ako tumayo hanggat di pa tumatayo si
Mang Ernesto baka maulit na naman ang kahihiyan ko kanina. ng tumayo sya ay inalalayan nya ako pababa.naglakad kami papunta sa isang bahay. simpleng bahay lang ito pero malinis ang paligid
Sinalubong kami ng isang may katandang babae at ng isang binatilyo
" magandang umaga po sa inyo mam , ser, ako po si Tere asawa ni Ernesto. at ito naman si Mikoy anak namin.
" Magandang araw ho.. bati ng binatilyo
" Magandang umaga din po sa inyo.. Ako po si Alexandra Alex nalang po. sya naman po si Carlos
" Halikayo pasok muna kayo sa loob at ng makapag pahinga.
pumasok kami sa loob ng bahay.. malinis at preskong presko ito. puro kawayan at anahaw ang bubong
walang makabagong kagamitan bukod sa electric fan. may kuryente narin naman sila kaya okay narin
" Mukang masaya po mamuhay sa ganitong lugar ano ho?? tanung ko kay Aling Tere.
" Sakto lang naman mam. simpleng pamumuhay , simpleng problema lang din.. kung magkaroon
man kami ng mabigat na problema yun ay ang bagyo. kasi kapag ganoon wala kaming nahuhuling isda
at nahihirapan kaming maghanap ng materyales ng bahay kapag nasisira.pero kahit ganoon hindi namin
ipagpapalit ang buhay dito sa isla sa buhay sa maynila.
Humahanga ako sa pananaw nila sa buhay , tama naman sya kapag simple lang ang pamumuhay mo
simple lang din ang problema mo. nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng tinawag ako ni Mang Ernesto
" Mam diba po ang sabi nyo ay gusto nyo mangisda?? pwede ho namin kayo samahan sa may palaisdaan
para makapamingwit. . ng marinig ko yun para na naman akong batang binigyan ng bagong laruan
" Sige po tara na!!! mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo..Carlos POV
Nakakatuwang pag masdan si Alex para syang batang sabik na sabik magisda.
kanina ng matumba sya sa bangka.. hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. pero natuwa ako
at nagkaroon ako ng pagkakataong makalapit ulit sa kanya. Hindi nawawala ang inosenteng mukha ni Alex
na para bang batang paslit na ngayon lang nakaranas ng saya... nagkasya nalang ako sa pag tanaw sa kanya sa malayo
hindi ko alam san ako mag uumpisa , natatakot ako na baka i reject nya ako,.Tahimik syang naghihintay na may kumagat sa pain nya habang nakaupo sa kahoy..
katabi nya si Mikoy at masayang nagkukwentuhan" Ser.. mawalang galang na ho.. tawag ni ALing tere
" Ano ho yun?
" Ser hindi naman sa pag kachismosa ano ho.. pero nalaman ko ho kasi na dati kayong magkasintahan
na nagkahiwalay pero bakit ho ba di pa kayo nagkakabalikan? muka namang mahal nyo pa rin ang isat isa
napangiti ako sa sinabi nya.. " Ganon ho ba kahalata?? tanong ko
" Ako ho mahal na mahal ko parin sya . pero sya po hindi ko alam kung mahal pa nya ako.
" Ser kitang kita naman sa mga mata ni mam na mahal nya parin kayo eh.
gusto nyo po bang turuan ko kayo kung paano nyo malalaman?
" eheheh sige ho..
matapos ng pagpayag ko ay binulungan ako ni Aling tere.. mukang uubra pero
delikado dahil baka lalo syang magalit sa akin . pero curios din ako malaman kung talagang mahal
parin ako ni Alex. naputol ang pag iisip ko ng sumigaw ang dalawa
"" Ayyyannnn ayan na dali.. hilaaaa.. hilaaaa..... ikot po ... ikotin nyo po..
bigat na bigat na si Alex pero hindi parin nya binibitawan.
luwagan nyo po ng kaunti tapos hila..... sumunod naman sya sa sinabi ni Mikoy.
""ayan na nakikita ko na ang uloooo!!!!! tuwang tuwang sigaw ni Alex
Dali akong tumakbo sa kanya at tinulungan syang hilahin ang isda
isang malakas na hila natumba kami pareho at tumalsik ang isda papunta sa may upuan.
pangalawang beses na ganitong posisyon ang nangyari una sa bangka ngayon naman dito sa
isdaan.
" Aysus tong mga batang ito.. halay parang gusto atang maglaro ng habulan gahasa hahaha..
sabay kaming lumingon kay Mang Ernesto at nakita naming bigla syang nagtakip ng bibig
sabay sabay kaming nagtawanan.. tinulungan ko tumayo si Alex. ng maramdaman naming
pumipitik pitik ang isda
" Ang lakiii!!!!!! dali syang naglakad palapit sa isda..
" Mikoyyyyy ang laki .. tulungan moko dali..
"madaling lumapit si Mikoy para kunin ang isda at ilagay sa bilao..
" Mang Ernesto tingin nyo ho mga ilang kilo to . nakangiting tanong nya..
" Siguro mam mga nasa 3 hanggang 4 na kilo...
ako nakahuli nito yaheyy.... sayang wala akong camera diko tuloy makuhaan ng picture .
pero okay lang may testigo naman ako.. kayo , Halika MIkoy ipasok muna natin to sa loob sandali lang
tapos balik tayo hehe..
Tumalikod na sila at hinayaan ko syang ipasok ang nahuli nya sa loob , sabay bunot ng
smart watch sa bulsa ko at pasimpleng kinuhaan sya ng picture ng makakuha ako ng
mga ilang picture tinago ko na ulit ito sa water proof bag at ipinasok sa bulsa
sa totoo lang na sa akin ang cellphone nya at meron din naman akong cellphone pero
itinago ko ito at kahit ang mga cellphone nila Mang Ernesto ay pinakiusapan kong wag nilang ilabas
gusto kong wala syang isipin na kahit ano mula sa labas nh islang ito kundi ang maging masaya at mag relax
pansamantala. lumipas ang maghapon at nakahuli kami ng 5 malalaking isda
at tatlo dun ay mula sa huli ni Alex isa sakin at isa kay MIkoy. ayaw pa sana paawat ni Alex
pero sinabihan sya ni ALing Tere na masyado nang marami ang Limang piraso sa laki at bigat nito.
inihaw namin ang dalawa. at ginataan ang isa at sinabawan naman ang dalawa pa..
Kailangan daw lutuin lahat dahil wala silang Fridge para paglagyan . Namigay din sila sa kapitbahay
dahil sadyang marami ang nalutong ulam.likas na ata talaga sa probinsya ang pagbibigayan ng ulam sa kapitbahay
BINABASA MO ANG
* ALEXANDRA * (COMPLETED)
Romance..pagtakas, sa murang edad at isipan ito ang kailangan kong maranasan ..Isang bangungot na pilit na kinakalimutan. ..Isang pangyayaring pilit tinatakbuhan Hanggang saan? Hanggang kailan? kakayanin ko kaya?? [Alexandra,Alex,Sandra, at Cassy] iisang t...