Chapter 1: Alpha

1.2K 22 3
                                    

TREV

"Ang bagal mo naman... Bilisan mo!" reklamo ni Rin sa akin.

"Eh p-pagod na ako.." sabi ko habang hinihingal.

"Weak!" sigaw niya naman habang natawa.

Mag-kasama kami ngayon ni Rin sa kakahuyan at sabay na tumatakbo. Nakaugalian na namin na kada gigising kami sa umaga ay lalabas kami ng bahay at tatakbo sa kakahuyan. Exercise daw ba.

Hinihingal akong napaupo sa natumbang puno. Napahinto naman si Rin sa pagtakbo nang mapagtantong tumigil na ako. Binalikan niya ako saka tumabi sa akin.

"Kalalaki mong tao, naunahan pa kita sa pagtakbo." nang-aasar niyang sambit.

"Eh kanina pa tayo tumataktakbo eh." reklamo ko.

Maya-maya pa ay namayani ang katahmikan sa aming dalawa. Tahimik man ay nakikita ko pa ring hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya. What a happy girl.

Nagsalita akong muli.

"Immortal ka ba?" natatawa kong tanong sa kanya. Pano ba naman. Sa tagal at layo ng tinakbo namin kanina ni hindi ko manlang siya nakitang hiningal.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon ay parang natulala siya at naghitsurang malungkot.

"A-ah... May nasabi ba kong mali?" nag-aalala kong sabi. Bakit bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya?

Umiling siya. "Wala." walang anu-ano'y bigla na lang nagbago ang aura niya at naging masaya na ulit. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na! Gutom na ko!" parang bata niyang sabi habang hinihila ang kamay ko at inaanyayahan akong tumayo. Napangiti na lamang ako at nagpadala sa kanya.

Gaya ng nakagawian ay tumatakbo pa rin kaming umuwi sa base namin.

Pagpasok namin ay nandoon ang mga kasamahan namin. Si pareng Kyle, nandoon at katabi ang girlfriend niyang si Zoey. Sila tito Christian, tita Margo at tita Alicia ay naghahanda na ng almusal.
Sila pareng Tyler ay nasa sala at nagbabasa. 'Yung dalawang bata naming kasama, si Dorothy at Sophie, actually parang hindi na sila bata. Parehas na silang 12 years old at nagdadalagita na. Pero sila pa rin ang bunso namin. Mabilis na lumipas ang dalawang taon. 20 years old ako at 18 na si Rin.

Maya-maya pa ay tinawag na kami ni tita Alicia sa kusina. Sabay-sabay naman kaming dumako doon at umupo na sa kanya-kanya naming upuan. Sa lamesa ay nakahain na ang almusal namin. Pritong mga laman baboy at may iba't-ibang gulay rin.

Matapos magpasalamat sa pagkain ay nagsimula na kaming kumain. At tama nga ang sinabi ni Rin kanina na gutom na gutom na nga siya. Nagkamay si Rin at dirediretsong kumakain. Binuhusan niya rin ng ketchup ang plato niya at sinawsaw doon ang pritong baboy na hawak niya, saka iyon nilantakan.

Nang makalunok siya ng pagkain ay saka siya nagsalita.

"Wag mo kong titigan, Trev, dudukutin ko 'yang mata mo." maawtoridad niyang sambit kaya naman agad akong natauhan at kinain na rin ang pagkain na nakahain para sa akin.

Hindi ko alam kung pang-ilang sabi ko na nito pero ang cute cute niya talaga!

Habang kumakain siya ay napansin kong parang natulala siya. Ano na namang meron?

"Rin?" sabi ko, kinukuha ang kanyang atensyon.

"Tita... Ano pong sahog ng ulam na 'to?"

"Huh? Ayan oh, hipon." sabi ni tita Alicia kay Rin habang tinuturo 'yung hipon.

Napalingon akong muli kay Rin.

Shit...

***

"Pengeng tubig, please!" sigaw ni Rin habang hinahalungkat ang gamot niya sa drawer niya.

Agad naman akong bumaba at kumuha ng tubig. Pagbalik ko sa kwarto niya, kinuha niya agad ang tubig sa akin at saka ininom ang gamot niya.

Napaupo siya sa kama niya at napabuntong hininga. Kitang kita mo sa katawan niya ang mga mapupulang pantal dahil nakakain siya ng hipon.

"Allergies..." sabi ni Rin. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang mukha niya. May mangilan ngilan na pantal. Dumako ang paningin ko sa labi niya. Sobrang pula ng mga ito. Redder than before. Siguro dahil na rin sa hipon.

"Ayan kase, ayaw muna tingnan kung ano 'yung kakainin niya." paninisi ko sa kanya. Pabiro naman iyon.

"Che! Eh gutom na gutom na ko eh. Tsaka di ko naman alam na may hipon doon." nag-pout siya dahilan upang mapangiti ako nang malawak.

"Masakit ba?" tanong ko, talking about her rashes.

"Hindi naman. Medyo makati lang." sagot niya naman.

"Wag mo kamutin ha." nag-aalalang kong sabi.

"Mukha bang kinakamot ko? Ha?" sarkastiko niyang sambit. Tinawanan ko na lamang ito.

Tumayo siyang muli at may kinuha sa ibabaw ng drawer niya. Isang maliit na container. Binuksan niya ito at isinawsaw ang daliri niya sa container. Hula ko, iyon ang cream para sa pantal niya.

Tumabi siyang muli sa akin at nilagyan niya naman ng cream ang mga pantal niya.

"Tulungan na kita." inako ko ang responsibilidad na maglagay ng cream sa kanya. Sa iksi ng mga braso niya, alam kong may mga parte ng katawan niya ang hindi niya maaabot.

"Kaya ko na.." tumanggi siya.

"Eh pano 'yung likod mo?" nag-aalala ko pa ring sabi.

"Ang kulit mo kaya ko naman." pagpupumilit niyang tanggi.

"Sure ka?"

"OO NGA. Bumaba ka na doon, susunod na lang ako." maawtoridad niyang sabi kaya sumunod na lamang ako.

Pagbaba ko, nandoon parin sila tita sa dining room.

"Okay na ba si Rin?" tanong ni tito Christian.

"Medyo okay na po." sabi ko naman. Sana nga okay na 'yun.

▄︻̷̿┻̿═━一

Song: Stranger by Secondhand Serenade

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon