3RD PERSON
Matamang tinitigan ni Rin si Trev habang papaalis ito sa kwarto niya. Gustuhin niya man ang soup na iluluto sana sa kanya ni Trev pero tinanggihan niya na lang. Nahihiya siya at hindi niya din maiwasan na makaramdam ng awkwardness pagdating kay Trev.
Ilang beses niya na ding napapansin na parang may mali. Hindi kay Trev kundi sa kanya.
Sandaling iwinaglit ni Rin ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan nang pumasok sa kanyang kwarto si Shawn.
"Matulog ka na." ani Shawn kay Rin.
Ayaw mang matulog ni Rin pero sa sobrang pagod ay nagawa na niya ding matulog.
~*~
Ilang sandali pa ay naalimpungatan siya. Pawisan siyang nagising at agad siyang dinaluhan ni Shawn na kanina pa nakabantay sa kanya.
"Nanaginip ka na naman ba?" tanong ni Shawn kay Rin.
Umiling si Rin.
Oras na nagising siya ay naalala niya naman ang nangyari kanina.
Aaminin niyang mas kumportable siya kapag si Shawn ang kasama niya. Kaya hindi niya na din maiwasang ipagkatiwala dito ang mga saloobin niya.
"I threw up again." sabi ni Rin nang makalapit na si Shawn sa kanya. Umupo ito sa kanyang tabi at sinapo ang noo niya.
"May masakit ba sayo?" tanong ni Shawn.
"Wala akong sakit, Shawn." seryosong saad naman ni Rin."
"It's probably nothing. Don't worry." sagot naman ni Shawn. Hindi niya din maiwasang mag-alala para kay Rin. Napapadalas na kasi ang pagkalagnat nito at pagsusuka.
"Nothing? Shawn, hindi ako tanga para isiping wala lang 'tong nararamdaman ko." nagkaroon ng kaunting pagtaas ang boses ni Rin.
"Shh, I know. Sinabi ko naman na sayo noon, diba? Nandito ako at aalagaan kita... Kahit talikuran ka man nila."
"Don't say that." inis na sambit ni Rin.
"Okay, I won't."
"I'm scared." hindi na naiwasan ni Rin na mapaiyak. Natatakot siya sa maaaring mangyari at alam ni Shawn kung ano ang nararamdaman niya ngayon.
"Shhh..." ani Shawn bago hinalikan si Rin. Kapwa nila tinanggap ang halik ng isa't-isa bago muling naghiwalay.
"Shawn, ayokong madamay pa siya dito... Ayoko..." sambit ni Rin. What?
Hinawakan ni Shawn ang magkabilang pisngi ni Rin saka nagsalita.
"Don't worry. I'll do anything to keep you both out of this. I'll do anything to keep you both safe." sagot naman ni Shawn.
"Paano kung hanapin niya ako at kuhanin?" natatakot na tanong ni Rin.
"Hindi mangyayari 'yon. Hindi ko hahayaang makuha ka niya sakin." sambit ni Shawn.
Hinawakan niya ang tyan ni Rin.
"Even our baby." ani Shawn sabay halik sa noo ni Rin.
Matapos iyon ay niyakap niya naman ito.
"It's okay. You see, gagawin ko ang lahat para sayo at sa kanya. Handa akong a-"
"What the fuck?" napabalikwas si Rin at Shawn nang biglang pumasok si Trev sa kwarto.
TREV
"What the fuck?" hindi makapaniwalang sabi ko nang marinig ko ang lahat-lahat sa usapan nilang dalawa. Padabog kong inilapag ang tray sa lamesa sa sulok ng kwarto. Handa na kong makipagsuntukan.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...