Chapter 71: Lost and Lonely

115 7 3
                                    

TREV

Inilagay ko ang braso ko sa ibabaw ng balikat ni Zerrin nang tuluyan na siyang bumigay. Bawat pagtulo ng luha niya ay kasabay naman ng pagbigat ng damdamin ko. Tiniis ito ni Zerrin. Tiniis niya ang sakit noong nawala si Rin at tiniis niya din ang lahat noong umalis ang mahal niyang si Shawn.

Alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng minamahal. Pero siya? Dalawang minamahal niya ang sabay na nawala sa kanya. Hindi ko na siya masisisi sa labis na kalungkutan at pag-iyak niya ngayon. Kapag nawalan ka ng minamahal, pakiramdam mo'y ipinagkait sayo ang lahat. Ganoon ang nararamdaman ngayon ni Zerrin kaya naman hindi ko maiwasang ibigay ang lahat ng comfort na maaari kong maibigay.

Alam kong naramdaman niya ang comfort ko noong ipinatong na niya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko na naiwasang makaramdam ng awa. Pakiramdam ko'y kami ang dahilan kung bakit wala sa piling niya si Shawn ngayon. Ipinagkait namin sa kanya ang ama ng dinadala niya at kung ilalagay ko ang sarili ko sa lagay ni Zerrin, alam kong napakasakit noon.

"It's okay..." sabi ko. Naririnig ko pa din ang ilang mga hikbi niya pero 'di kalauna'y humupa na din ito.

Ilang minuto kaming nanatili ni Zerrin sa ganoong posisyon bago siya umupo nang maayos.

"Salamat, Trev." aniya habang pinupunasan ang mga natirang luha sa pisngi niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Wala 'yon. Kung may alam akong makakabuti sayo, gagawin ko iyon." makahulugan kong sabi.

Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya at nakita ko na lang na tipid at nahihiya din siyang ngumiti.

Sa gitna ng mga minutong magkasama kami ngayon ni Zerrin ay napukaw ng atensyon ko ang labas ng fence namin. Napatanaw ako nang maigi sa kakahuyan at tila may nakita akong pigura ng tao doon.

Taong nakaitim.

"Trev, bakit?" bakas ang pag-aalala at kaba sa mukha ni Zerrin nang tingnan niya ako. Tumingin din siya sa direksyon kung saan ako nakatingin.

Pilit kong tinanaw ang kakahuyan at wala na doon ang pigura ng nakaitim na tao.

"W-wala. Namalik-mata lang siguro ako." sabi ko saka kinusot ang mga mata.

"Tara na, pumasok na tayo sa loob." sabi ko na lang saka inalalayan si Zerrin sa pagtayo mula sa damuhan. Sabay naming pinasok ang base.

~*~

"Nasaan na si Zerrin?" tanong ni tito Christian.

"Nandoon na po sa kwarto niya at nagpapahinga." sagot ko naman. Ibinaling niyang muli ang atensyon niya sa akin.

"Ano ang gusto mong pag-usapan, Trev?" tanong niya sa akin. Magkakasama kaming lahat sa salas pwera lang kina Zerrin, Dothy at Sophie na nasa kani-kanilang mga kwarto.

"Si Zerrin... she's stressed out." sambit ko. "At... hindi maganda sa isang buntis ang ma-stress." dagdag ko pa.

"Bakit? What's wrong?" tanong ni tita Alicia.

"Nakita ko sa kanya ang labis na kalungkutan kanina noong nag-usap kami."

"Normal lang 'yon sa isang buntis. Madaling malungkot." ani tita Alicia.

"Tita, iba po, eh. Normal na nalulungkot ang mga buntis pero pakiramdam ko, tayo ang dahilan kung bakit lalo pa siya nalulungkot."

"May sinabi ba siya sayo?" tanong naman ni tito Christian.

Umiling ako. "Wala po. Kung malungkot tayo dahil wala na si Rin, 'di hamak naman na mas malungkot siya dahil kadugo niya si Rin. Kakambal, kapatid, best friend. Wala na nga sa piling niya si Rin, mawawala pa ang kaisa-isang tao na minahal niya."

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon