3RD PERSON
Halos panawan ng ulirat si Trev nang marinig niya ang mga katagang iyon kay Kyle. Parang ayaw niyang maniwala, pero hindi niya naman mautusang pakalmahin ang kanyang puso. Patuloy ito sa paglagabog dahil sa takot na ang kanyang minamahal ay nawawala na naman.
"A-ano?!" tila binging sabi ni Trev kahit na malinaw na malinaw naman siya ng pagkakarinig.
"Si Rin, nawawala!" pasigaw na sambit ni Kyle. Agad namang napabalikwas ng bangon si Trev at tumakbo palabas ng kanyang kwarto. Ang lahat ay nag-aalala sa sitwasyon ngayon.
"Paano siya nakalabas?!" natatarantang tanong ni Trev.
"Hindi namin siya nakitang lumabas. Pero baka dumaan siya sa bintana." ani Zoey habang nakatingin sa ngayong bukas nang bintana ng kwarto ni Rin. Madalas itong nakasara. Ngayon ay bukas na bukas.
"You mean, dito siya dumaan at tumalon siya?!" hindi makapaniwalang sabi ni Trev. Nasa ikalawang palapag ang kwarto ni Rin at ang tanging pagtalon lamang ang magiging daan kung dadaan sa bintana.
"Baka ganoon na nga." ani Kyle.
"Shit." bulong na napamura si Trev bago mabilisang nilisan ang kwarto. Nagdirediretso siya pababa hanggang sa makalabas na siya ng bahay. Nilibot niya ng tingin ang field. Wala si Rin.
Nilampasan niya ang kanilang fence.
"RIN!!!" sigaw niya. Wala siyang pakealam kung may makarinig sa kanyang mga walkers. Hindi walkers ang gusto niyang pumunta sa kanya kundi si Rin at wala nang iba.
"RIN!!!" muli niyang sigaw. Ni isang response mula kay Rin ay wala siyang natanggap.
Nangyari na ito noon. Ang mawala si Rin nang walang pasabi. Ang mawala si Rin nang hindi nila inaakala. Ayaw na ni Trev na maulit muli ang pangyayaring iyon pero heto siya ngayon, sumisigaw at namomroblema kung nasaan na nga ba si Rin.
Nangangamba siya. Hindi pa gaanong malakas si Rin at natatakot siyang baka hindi nito kayanin ang sarili nito. Oras na hindi mahanap ni Trev si Rin, habangbuhay siyang pagsasakluban ng langit at lupa.
"RIN!!!" isang napakalakas na sigaw muli ang pinakawalan ni Trev bago siya tukuyang mapaluhod sa sahig.
Hinihingal siyang napayuko habang patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mga ungol ng sabik at nagugutom na mga walkers. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo, patuloy pa rin ang luha sa pag-agos.
Dalawang halimaw ang ngayong papalapit na sa kanya ngunit hindi niya magawang tumayo o lumaban. Napanghihinaan na siya ng loob.
Dirediretso ngunit mababagal na mga buntong hininga ang pinakawalan niya.
Kumilos ka, Trev. Aniya sa sarili.
Mariin siyang pumikit dahilan upang mas lalong umagos ang kanyang mga luha. Hindi ito ang tamang oras sa panlulumo. Nangyari na ito noon at hindi niya uulitin ang pagkakamali niyang lumuhod at umiyak na lang sa isang tabi. Buhay ng minamahal niya ang nakataya at kikilos siya sa abot ng kanyang makakaya.
Agad siyang tumayo at sinipa ang dalawang halimaw na papalapit sa kanya. Napatumba ang mga ito sa sahig.
Dahil hindi niya dala ang kanyang katana o anumang weapon na pang-depensa sa sarili ay buong lakas niya na lang na tinapakan ang ulo ng dalawang walkers na ito.
Hindi ito ang tamang panahon upang pag-tuunan ng pansin ang mga halimaw na nakaabang sa kanila. Sa ngayon, si Rin lang ang nasa isip niya.
"RIN!"mas malakas nang sigaw ni Trev.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...