Chapter 72: I'm Sorry

121 6 3
                                    

TREV

Takbo at sigaw ang ginawa ko habang binabagtas ang iba't-ibang parte ng kagubatan. Hindi ko na narinig pang muli ang sigaw ni Jandi dahilan upang balutin ng kaba ang buong pagkatao ko. Base sa sigaw ni Jandi ay nahihinuha kong nasa panganib siya at hindi iyon maganda. Sa pagkakataong ito ay kailangan ko ang sigaw ni Jandi upang malaman ko kung nasaan siya pero hanggang ngayon ay hindi pa din nasusundan ang sigaw na narinig ko kanina.

"Jandi!" sigaw ko sa kawalan pero walang sumasagot.

'Di kalayuan naman ay nahagip ng mata ko ang kumpol ng mga walkers na tila ba may pinagpepyestahang kung ano.

Halos liparin ko ang direksyong iyon at nang makalapit ako ay naging malinaw sa akin ang mga nangyayari. Okupado ang mga halimaw na ito sa mga laman at loob na kasalukuyan na nilang kinakain ngayon.

Walang anu-ano kong pinatay ang mga halimaw habang wala ang atensyon niya sa akin. Nang maubos ko ang mga walkers na iyon ay saka lang ako nagkaroon ng malinaw na imahe sa kaninang kinakain nila. Alam kong laman loob iyon ng tao ngunit kanino? Hindi ko mawari ang itsura nito dahil lasug-lasog na ang katawan nito dahil sa mga halimaw.

Agad na gumapang ang kaba sa buong pagkatao ko. Hindi ko maiwaglit sa isip ang ilang mga posibilidad na pumapasok sa utak ko.

"Jandi!!!" muli kong sigaw. Tatatagan ko na lang ang loob ko na hindi kay Jandi ang mga laman loob na iyan.

"Jandi!" muli kong pagtawag ngunit wala pa ding sumasagot. Jandi, kung hindi ikaw ang taong kinain ng mga walkers kanina, magparamdam ka naman, oh.

"Jandi... Nandito ako." ngayon ay mahina ko nang sabi. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa at unti-unti na ding lumalaki ang posibilidad sa utak ko na ang katawang ito ay pagmamay-ari ni Jandi.

"J-jandi..." huli kong sambit bago tuluyang napayuko.

"Trevor?" agad akong nabuhayan ng loob nang marinig ko ang boses niya. Tinawag niya ako. Totoo 'yon, diba?"

"Jandi?" sabi ko saka mabilisang inilibot ang paningin sa paligid.

Sunod ko na lang na nakita si Jandi na nagtatago sa likod ng puno. Malayo siya sa akin. Agad kong inalis ang malayong distansya na namamagitan sa amin sa pamamagitan ng pagtakbo ko palapit sa kinaroroonan niya.

Sa sobrang pag-aalala ay hindi ko na napigilan pang yakapin siya. "You scared the shit out of me." sabi ko. Gumanti naman siya ng mahigpit na yakap. "I'm sorry." sagot niya.

"Shhh, it's okay. You're safe now." pag-aalo ko. Napukaw ng atensyon ko ang basa niyang mga mata at pisngi. Umiyak ba siya?

"Anong problema?" tanong ko. Napansin kong tulala siyang nakatingin sa mga laman loob na pira-pirasong nasa sahig.

"W-wala na ba siya?" aniya, hindi pa din inaalis ang tingin doon.

"Kung sino man siya, wala na siya, Jandi." sabi ko, hindi ko na maiwasang mag-alala.

"He... he was ch-chasing me." mahina niyang sambit.

"Siya? Bakit?" tanong ko.

"G-gusto niya akong kunin, Trevor. Ayokong sumama sa kanya. Ayoko..."
Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang malaking bag na halatang maraming laman. Naglayas si Jandi sa kanila?

"Bakit? Anong ginawa niya sayo?" nag-aalala kong tanong.

Umiling siya at hindi sinagot ang tanong ko. "A-ayoko na doon, Trevor. S-sasama na ako sayo." tila iiyak nang sambit ni Jandi. Isa lang ang napansin ko sa kanya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Natatakot siya at nagpapanic.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon