3RD PERSON
Lumipas ang ilang oras hanggang sa naghapunan na sila. Walang pinag-bago. Ganoon pa rin. Ilang araw na silang kumakain nang wala si Rin. Hindi sila sanay.
Ilang sandali pa ay natapos na ang lahat sa pagkain. Iniligpit ni Trev ang pinagkainan at inilagay sa lababo.
Agad din namang nag-akyatan sa kani-kanilang mga kwarto ang iba.
Sinabi ni Trev sa kanyang sarili na matapos niyang hugasan ang mga platong ito ay didiretso na siya sa kwarto ni Rin at doon matutulog. Ganoon na ang lagi niyang ginagawa. Hindi na siya natutulog sa sarili niyang kwarto kundi sa kwarto na ni Rin para na rin mabantayan ito.
Napansin niyang paubos na ang tubig sa balde kaya naman naisipan niyang mag-igib muna sa ilog.
Sakto namang namang napadaan si Kyle at siya na ang umako sa pag-iigib ng tubig.
Pumayag naman kaagad si Trev at bumalik na sa lababo upang banlawan ang natirang mga pinagkainan gamit ang natirang tubig.
Sa gitna ng pagbabanlaw ay napadako si Trev ng tingin sa bintana kung saan tanaw na tanaw ang labas ng fence at ang madilim na kagubatan.
Kung minsan ay natatakot siya na baka mamaya ay may makita na naman siyang tao doon na nagmamasid sa kanila. Tuwing napapatingin siya sa salamin na iyon ay pakiramdam niya'y may nakatingin din sa kanya. Simula noong namataan niyang may tao doon ay hindi na siya minsan mapakali.
Pero lumipas naman ang ilang araw at wala na siyang nakikita na ibang tao sa lugar nila. Hindi lang sa parte ng kagubatan na iyon kundi sa iba pa.
Pumasok sa isipan niya na baka ang taong laging nagmamasid sa kanila sa malayo ay si Shawn dahil nga sa kagustuhan noon na sumali sa kanilang grupo. Dahil nga wala nang nagmamasid ay naisip niya na baka siya nga iyon na kapiling na nila ngayon.
Nakarinig siya ng kalabog ng pinto mula sa taas kaya naman napalingon siya doon.
Napansin niyang nagsarado ang pintuan ng kwarto ni Rin at tila ba may lumabas na tao mula doon dahil sa mabilis na pagtakbo ng pigura ng tao.
Sino ang taong iyon na nanggaling sa kwarto ni Rin?
"Pre oh." napabalik sa sitwasyon si Trev nang sumulpot si Kyle dala ang dalawang balde ng tubig.
"Salamat." sambit ni Trev.
"Siya una na ko. Baka hinahanap na ko ng Zoey ko." ani Kyle sabay lakad.
"Teka Kyle, sandali." pagtawag ni Trev ng atensyon dito.
Napahinto naman si Kyle at inintay ang susunod na sasabihin ni Trev.
"Parang may pumasok sa kwarto ni Rin kanina." ani Trev.
"Ano naman?" tanong ni Kyle.
"Pakiramdam ko, si Shawn 'yun." napuno ng pagtataka si Trev noong mga panahong nakita niyang may lumabas sa kwarto ni Rin. Dahil sa pag-iisip nang kung anu-ano ay naisip ni Trev na baka si Shawn ang pumasok dahil na din sa pigura nito.
"Really? You want me to check it out?" tanong muli ni Kyle.
"Sige pre, kung okay lang."
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AcciónAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...