3RD PERSON
"Hindi nga ikaw si Rin... Ngayon, nasaan siya?" seryosong saad ni Trev. Nagulat na lang si Zerrin nang pumasok sa kwarto niya ang dalawa pang kaibigan ni Trev. Si Zoey at Kyle. Kapwa ang mga ito na naging saksi sa sinabi niya kanina.
"Trev..." nag-aalalang ekspresyon ang makikita sa mukha ni Zerrin. "Hindi ko alam... S-si Shawn! Siguradong may alam si Shawn.." suhestyon ni Zerrin. Wala siyang dapat na ika-guilty dahil nasabi na niya ang lahat ng nalalaman niya at alam niya iyon sa sarili niya. Mayroon ding mga bagay na hindi nasasabi sa kanya ni Shawn at gusto niya ding malaman ang mga iyon. Sama-sama silang lumabas ng kwarto.
Halos kumulo ang dugo ni Trev ngayong nakumpirma na niya ang lahat-lahat. All this time pala, hindi nila kasama ang totoong Rin at ang kakambal nito ang kasama nila. Paanong nangyari ang lahat nang ito? Paanong naging bulag sila sa katotohanan? Isa lang ang naisip ni Trev -Masyado silang nagpapadala sa nakikita nila.
"You son of a bitch, where's Rin?!" agad na bungad ni Trev kay Shawn. Muli niya itong isinandal sa pader kagaya ng palagi niyang ginagawa kapag gusto niyang tapatin siya ni Shawn.
Hindi pumiglas si Shawn. Bagkus ay malungkot ngunit seryoso niyang tinitigan si Trev na ngayo'y galit na galit pa din. Sino ba namang hindi magagalit kung sa tagal ng panahon ay hindi mo na pala nakakasama ang mahal mo at hindi mo na alam kung nasaan siya.
"Sinabi nang nasaan siya, eh!" pag-uulit ni Trev.
"T-Trev," tanging nasabi ni Shawn.
"Kailan pa wala si Rin?!" Napailing si Shawn sa tanong ni Trev. Hindi iyon ang inaasahan ni Trev na matanggap pero ano pa nga bang aasahan niya sa isang taong sinungaling?
Nagsidatingan sila Christian at ang iba pa nilang mga kasamahan na alalang-alala sa ano na namang mangyayari.
"Trev, ano na namang nangyari?" tanong ni Christian. Nilapitan niya si Trev.
"Etong Shawn na 'to, sa tagal niyang nandito ay niloloko niya lang pala tayo!" galit na sigaw ni Trev.
Nagsalita si Zoey. "Nakumpirma na po namin na... hindi si Rin ang kasama natin ngayon." seryoso niyang tiningnan si Zerrin.
Lahat ay nagulat sa narinig at inaasahang napatingin sila kay Zerrin. Si Zerrin naman ay nahihiyang yumuko, hindi magawang harapin ang mga kasamahan dahil maski siya ay hindi matanggap na nakapagpanggap siyang si Rin kahit ayaw niya naman.
"Trev, bitiwan mo muna si Shawn." maawtoridad na saad ni Christian.
Gusto ni Trev na gulpihin si Shawn dahil sa sobrang galit niya. Gusto niyang bugbugin ito hanggang sa mapuno na ng dugo ang mukha nito. Alam niyang marahas kung iisipin pero gusto niya pang gulpihin sa kamatayan si Shawn dahil hindi niya matanggap ang pinakamabigat na kasinungalingan nito. Kung hindi pala siya nag-imbestiga ay habambuhay na magsisinungaling si Shawn sa kanila dahil wala talaga itong balak na magsalita.
Marahas na binitawan ni Trev si Shawn ngunit hindi pa din mawawala ang mga galit na titig niya dito. Yumuko si Shawn at hindi na nagbalak pang tumingin sa mga kasamahan.
Kinuha ni Trev ang dalawang picture na nasa bulsa niya at ipinakita ang mga iyon sa iba.
Kapwang napatingin ang mga magkakasama kila Shawn at Zerrin nang makita nila ang lahat-lahat sa litrato. Nasa harapan na mismo nila ang makakasagot sa mga katanungan nila.
"Paano niyo nagawa sa amin ito?" tanong ni Christian. May halong pagkadismaya ang boses nito.
"'Wag niyo na pong isali si Zerrin dito. Wala siyang kasalanan... A-ako ang may gawa ng lahat nang ito..." ani Shawn.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...