Chapter 8: Before Everything

305 11 2
                                    

TREV

"If only I could find a way. To say it like them poets say, sing a sweet and simple serenade. Directly to your heart. If only I could speak aloud, just what I feel when you're around. I'd finally confess my love in verse. But I'm not good with words..."

With a single strum of my guitar strings, I ended the song. Rin gave me a sweet smile after I sang the song for her I wrote a few days ago.

"Hindi pa siya totally tapos pero I'll work on it later." nakangiti kong sabi.

"Ang ganda talaga ng boses mo." papuri ni Rin sakin.

"Hala hindi naman." naflattered ako sa sinabi ni Rin .

"Anong hindi? Ikaw na nga pinupuri, tatanggi ka pa? Sampigain kita dyan eh." pang-aasar ni Rin. Tumawa ako. Wala na akong ibang nagawa kundi tanggapin nalang ang papuri nya.

"Salamat." sabi ko.

"Hmph. Mahal ang compliment ko." pairap na sabi niya.

Pinisil ko ang pisngi niya sabay sabing "Ikaw rin naman ah. Maganda rin boses mo." sweet kong sabi sa kanya.

Yes, narinig ko na siyang kumanta. She has a really great voice.

"Nagsulat rin ako, may tono na pero walang music. Wala kasi akong alam sa instruments." sabi niya naman.

"Hayaan mo, nandito naman ako para lapatan ng tugtog ang kanta mo." ngumiti ako.

Nandito kami ni Rin ngayon sa kakahuyan. Kagaya ng nakagawian, tuwing umaga ay pumupunta kami dito upang tumakbo at tumambay. This time, dinala ko ang gitara ko upang tugtugan siya at kantahan. Through music, I can express my feelings for her. This way, nililigawan ko siya.

Kamakailan lamang ay pinayagan niya na akong manligaw sa kanya. Sobrang saya ko nung mga araw na iyon. Ako na siguro ang nag-iisang tao sa mundo na pinayagan palang manligaw ay sobrang saya na.

I'm gonna do my best to win her heart no matter what happened.

"So what do you wanna talk about?" tanong ko kay Rin.

"Hmm... Naiintriga ako sa lovelife mo eh." sabi niya sakin.

"Lovelife? Eh heto na ah." makahulugan kong sabi.

"Anong heto na?" tanong niya.

"Heto na. Katabi ko na 'yung taong mahal ko. Edi ikaw ang lovelife ko." sabi ko .

"Ay nako tigil-tigilan mo ko. 'Di pa kita sinasagot." masungit niyang saad na ikinatuwa ko naman. Kasi I think everytime na magsusungit siya sa akin ay napaka-cute niya.

"Opooo. Handa naman akong maghintay eh." sabi ko.

"How about your past. Past girlfriends?" tanong niya.

Napatawa ko. "Well, I had one girlfriend."

"And?"

"Her name's Sam." dugsong ko. "Naging kami, hindi pa nagsisimula ang apocalypse. We were so young back then. I loved her. But the thing is, she didn't loved me back. Nung mga panahong 'yon, ang gulo ng isipan namin. There's a reason nga why they say that we should give it time. So I gave her space temporarily. Pero hindi ko inakala na 'yung temporary space na 'yon ang makakapag-layo samin nang tuluyan."

Medyo nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Pero inisip ko na past is past. At nakamove on naman na ako.

"So, this Sam girl was your first girlfriend?" tanong niya.

"Yes. She was my first. First love. First heartbreak." tugon ko. Tumango-tango naman si Rin in sign of understanding.

"How about you?" tanong ko naman sa kanya.

"Hmm.. Mayroong isang tao na napakahalaga sa akin noon. At pinahalagahan niya rin ako. Siya ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon." seryoso niyang sabi.

"Minahal ko siya. Minahal niya rin ako. Hanggang sa nagkaroon ng apocalypse. Nagkahiwalay kami. At hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon." saad niya.

So, this guy saved her life noon. Tiningnan kong maigi si Rin at nakita kong may lungkot sa mga mata niya.

"Rin... Nakamove on ka na ba sa kanya?" tanong ko.

Napayuko siya.

"It's okay." inakbayan ko siya. "I'll help you get over him." sabi ko sabay halik sa noo niya.

Napansin kong may kinuha siyang matulis na bato at may inukit sa puno.


Letrang R at T. Aww, this is so sweet. Napangiti ako sa kanya. She smiled back sweetly.

"Let's just not think about that. Sinasabi ng mark na ito na hindi tayo mag-iiwanan o magkakalimutan." sabi niya.

"Hinding-hindi kita iiwanan, ni kakalimutan." makahulugan kong sabi sa kanya.

"Okay, ang korni mo na hahaha!" natatawang sabi ni Rin. Hays, si Rin talaga.

Sa gitna ng aming tawanan ay biglang nakarinig kaming dalawa ng kaluskos. Parang may someone na papalapit sa amin dahil rinig na rinig namin ang unti-unting pagdurog ng mga tuyong dahon sa paligid.

Napatayo si Rin at inihanda ang kanyang crossbow. Hinanda ko naman ang katana ko.

"Who's there?" sambit ni Rin habang lumilinga-linga sa paligid.

'Di kalayuan ay nakatanaw ako ng isang figure ng tao. Tumatakbo ito at nagtatago-tago sa mga puno.

"Rin." sambit ko. Tininanaw din ni Rin ang tinutukoy ko.

I'm pretty sure na tao iyon at hindi walker. Susundan pa sana namin ni Rin ang figure na iyon ngunit bigla na lamang itong nawala sa paningin namin.

"Nakita mo ba 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Isang tao, balot na balot ng itim na kasuotan."

"Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mukha niya dahil covered ito. Sino 'yun?"

"Trev, umalis na tayo dito." sambit ni Rin saka tumakbo.

Agad ko siyang sinundan at sabay naming nilisan ang forest.

Sino na naman 'yon?!


▄︻̷̿┻̿═━一

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon