3RD PERSON
Inintay na ni Trev na matapos ang pagkain ni Rin bago niya inako ang pagkuha ng tray. Aalis na sana si Trev nang biglang sumabay na sa kanya si Rin.
"Oh, okay ka na ba?" tanong ni Trev.
"Oo naman." ngumiti si Rin.
Ginantihan naman ni Trev ng matamis na ngiti si Rin bago sila sabay na bumaba.
"Kakain lang ako." sabi ni Trev kay Rin. Hindi pa siya nakakakain simula kanina.
Inilagay niya ang tray ng pinagkainan sa lababo kung nasaan si Shawn at naghuhugas ng pinggan.
Ilang sandali pa ay napagdesisyunan na ni Trev na kumain. Habang kumakain siya ay nilapitan naman siya ni Kyle.
"Pre, sabi ni Dad pagkatapos mo dyan, tulungan mo daw kami gumawa ng kulungan ng manok." ani Kyle.
"Sige." tumango naman si Trev. Agad din namang umalis si Kyle at lumabas upang tulungan na ang kanyang ama.
Ipinagpatuloy ni Trev ang pagkain.
"Hey. Let me help you." napalingon si Trev dahil narinig niya ang boses ni Rin. Lumapit si Rin kay Shawn na noo'y naghuhugas ng pinggan at willing si Rin na tulungan ito.
Matamang tinitigan ni Trev ang dalawa. Anong gagawin niya? Aaksyunan niya ba ito o hahayaan na lang? Hindi niya na kasi mapigilan ang matinding selos ngayon.
Tila nawalan siya ng gana sa pagkain pero alam niyang hindi niya pwedeng sayangin ito.
Ayaw niya namang gumawa ng eksena dahil naiisip niyang napakaimmature ng ganoon. Ano nga ba ang gagawin niya?
Naiinis siya. Bakit sa tuwing magkakalapit si Shawn at Rin ay nagkakataong may mga hadlang upang makasingit siya sa dalawa?
"Ahhh, hindi na kailangan. Kaya ko naman 'to." nakangiting sambit ni Shawn kay Run. Ang mga ngiting 'yon, sa hinuha ni Trev ay malalim ang kahulugan ng mga iyon.
"Hindiii, okay lang yu-"
"Oo nga, Rin. Hayaan mo na lang siya dyan. Hindi mo naman kailangang gawin 'yan." ngayon ay sumingit na si Trev sa usapan ng dalawa. Saktong kakatapos niya lang kumain. Sinadya niyang madaliin ang pagkain para makasingit sa dalawa. Sa mga tingin at paraan ng pakikipagusap ng dalawa ay hindi niya mapigilang magselos at makaisip ng kakaiba kay Shawn.
"Masama ba?" nag-pout si Rin.
"Hindi naman. Pero kaya niya naman 'yan." pagpupumilit ni Trev.
"Sus." Rin rolled her eyes as she insisted.
"Hayaan mo na si Rin, Trev. Nagpapractice na siyang muli. Maigi pa mag-igib ka na lang ng tubig doon sa ilog." bigla namang sumingit si Alicia.
"Pero tita-"
"Okay na ko Trev. Tsaka, gusto ko din naman kumilos at makatulong." nakangiting sambit sa kanya ni Rin. Ewan niya ba pero pagdating sa ngiting 'yan, nanlalambot siya.
"Sige..." tila batang sumunod sa nakakatandang sabi ni Trev. Wala na siyang nagawa. Si Rin kasi ang boss niya eh.
Pumunta siya sa lababo at ginitgit si Shawn palayo dahilan upang si Trev naman ang makatabi ni Rin.
"Kukunin ko lang 'yung balde." sabi ni Trev habang kinukuha ang balde sa aparador sa ilalim ng lababo. Maya-maya pa ay nakuha na niya ang dalawang balde saka nilisan ang kusina.
Lumabas siya at nakita niya sila Christian na nasa field at sinisimulan nang gawin ang kulungan ng manok. Mas malaki ang kulungang ito kumpara sa kulungan ng baboy na ginawa nila noon. Binati siya nila Christian na halatang hinihintay siya.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AkčníAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...