Chapter 5: Burn

386 14 4
                                    

TREV

"Ang boring naman dito sa bahay..." malungkot ni saad ni Rin habang naka-pout.

"So, anong balak mong gawin?" tanong ko.

"Labas tayo!" masayang sabi ni Rin ngumit may biglang nagsalita.

"Hindi pwede, Rin. Hindi pa hunting day ngayon..." maawtoridad na sabi ni kuya Tyler sa kanya.

"Kuya naman..." hanggang ngayon ay naka-pout pa rin siya.

"Kahit kila Christian mo sabihin 'yan, hindi ka papayagan. Tsaka tingnan mo nga oh, hapon na. Mag-gagabi na maya-maya." sagot niya.

Napaismid naman si Rin.

"Ayos lang 'yan. Hindi tayo pwedeng lumabas sa base natin pero pwede naman dyan sa may tabing ilog. Atleast, sakop pa rin ng base natin." sabi ko.

Oo, 'pag lumabas ka ng mismong bahay namin, may katamtamang lawak pa ng field na makikita, sa palibot naman noon ay puro fences na.

"Sigi!" masayang sambit ni Rin saka tumayo at hinablot ang kamay ko. Lumakas ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Kinikilig siguro ako.

Wala na lang akong nagawa kundi masayang nagpatianod na lang sa kanya palabas ng bahay.

Tumambad sa harapan namin ang malawak naming field, sa bandang dulo ay may maliit na ilog jung saan kami nag-iigib at kasunod naman noon ang fences na nagbubukod sa amin sa outside at ang nagpapanatali sa amin nang ligtas.

Dumako kami sa likod ng bahay kung saan nakatambak ang mga kahoy namin na ginagawa naming panggatong minsan.

"Gagawa tayo ng bonfire!" nasayang saad ulit ni Rin habang humahakot ng mga kahoy.

Nag-agree na lamang ako sa kanya at kumuha na rin ng mga kahoy. Tutal, ang lamig ngayon. Actually medyo nakakanginig na nga ang lamig.

Dinala namin sa field ang mga kahoy at doon sinindihan.

"Tawagin mo sila Zoey bilis! Ang sarap dito oh!" nakangiti niyang sabi habang nagpapainit ng kamay sa apoy.

Agad naman akong pumasok sa loob at tinawag sila Zoey. Ang iba ay may ginagawa kaya hindi na sila sumama. Bgayon ay kasama ko na sila Kyle at Zoey. Paglabas namin ay tumambad na sa amin ang mga nakahelerang kahoy sa palibot ng bonfire. Ito ang magsisilbing mga upuan namin.

Umupo na kami sa kanya-kanya naming pwesto.

Si Kyle at si Zoey ay magkatabi at kami naman ni Rin ang magkatabi.

Sa sonrang tahimik ng paligid ay nagsalita na ako.

"Gusto niyo ng pagkain?" tanong ko. Nagsitanguan an ang bawat isa.

Pumunta ako sa taniman at kumuha ng ilang mga patatas. Pagkapasok ko sa loob ay agad ko itong hinugasan at binalatan. Hinihiwaa-hiwa ko ito sa maliliit na strips at dinala sa labas. Kumuha na rim ako ng asin ang mga stick.

Kung may bonfire kami ngayon, mag-iihaw kami. Hindi marshmallow kagaya ng nakagawian ngumit mga patatas.

Masaya kami kumain sa labas habang nagkekwentuhan.

Patapos na kaming kumain nang maramdaman naming mas lalong lumamig ang simoy ng hangin. Hindi ko alam kung dahil gabi na o baka uulan.

Napatingin ako sa taas at kasabay noon ang pagkislap ng langit at umalingawngaw ang napakalakas ng tunog ng isang kidlat.

"AHH!" napasigaw si Rin sa gilid ko at laking gulat ko nang mapayakap siya sa akin.

Upang mawala ang takot at pagkagulat niya ay niyakap ko rin siya pabalik. Don't worry, Rin. It's just a lightning... I'm here for you...

Maya-maya pa ay kumalas na si Rin sa pagkakayakap sakin. Halatang natatawa siya pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa kanya dahil nakikita ko ito sa mukha niya.

"Nagulat ako." parang batang sambit niya habang humahagikgik. Ngumiti naman ako dahil sobrang cute niya.

Matagal-tagal rin kaming nagstay sa labas at nagpapainit. Maya-maya pa ay may naramdaman ako sa braso ko. Tubig. Umuulan.

Mabilis na nagpatakan ang mga ulan kaya mabilis rin kaming pumasok sa loob at sumilong.

Lalong lumakas ang hangin sa labas dahil kitang kita ko ang matinding paghagupit ng nga puno sa labas.

Sinara namin ang pinto at nagstay nalang dito sa labas. Nagpunas kami ng aming katawan dahil nabasa ng ulan kanina.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng malakas na kalabog sa itaas. Ano 'yun?

Nasundan itong muli ng malakas na kalabog!

Agad kong napansin si Rin na tumakbo pataas at nagpunta sa may bodega nakin sa itaas.

Sinundan namin siya papunta sa bodega. Nagulat kami nang makitang nililipad na ng hangin ang bubong na part ng bodega. Hindi lang 'yung mismong bubong kundi pati ang kahoy na pinagpapakuan nito!

"Hala!" sigaw ni Rin sabay naghalungkat kung saan. May kinuha siyang tali.

"Kailangan nating itali 'yon." sambit niya sabay turo sa kahoy na pinagpapakuan ng bubong.

"Kuya Tyler!" sigaw ni Rin sa kuya niya.

"Ako na ang nagkakabit." prisinta ko. Agad kong kinuha ang tali at tumungtong sa kung saan mang matibay. Agad kong itinali ang lubid sa kahoy nang napakahigpit. Bumaba akong muli at hinila ang tali upang malabanan ang hangin na humihila sa bubong. Kailangan kong lakasan dahil unti-unting pumapasok ang tubig sa loob kapag hindi ko tinatagan.

"Teka, tatawagin ko sila!" sigaw ni Zoey sabay labas ng kwarto.

Tinulungan naman ako ni Kyle na humila sa bubong dahil masyadong malakas ang hangin para paliparin ang bubong namin.

Maya-maya pa ay lumabas din si Rin ng bodega. Kapansin-pansin ang pag-agos ng tubig sa loob ng bodega hanggang sa labas.

Nagulat kami ni Kyle nang umalingawngaw ang isang napakalakas na kidlat. It's louder than before. Para sakin 'yon na ata ang pinakamalakas na kidlat na narinig ko. Ngunit mas lalo pa kaming nagulat nang kapwa naming narinig ang sigaw ni Rin sa baba.


"ZOOOOEY!!!" sigaw niya. Agad na tumambad sa mukha ni Kyle ang pag-aalala gayong pangalan ng nobya niya ang narinig niya sa baba. Ganoon rin ang naramdaman ko. Ang nangyari kay Zoey?!

▄︻̷̿┻̿═━一

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon