Chapter 11: Show up

234 8 1
                                    

TREV

"Sige," sambit ko kay Kyle na ikinatamgo niya naman. Maya-maya pa ay tumulong na ako kila tita Alicia sa paghahanda ng tanghaliam namin.

Habang kumakain kami, pansin kong malakas ang kain ni Rin. Tumitingin-tingin siya sa akin at ngumingiti. Mukha namang wala siyang problema ah.

Napailing ako sa kacute-an niya. Wala na akong ibang ginawa kundi ipagpatuloy ang aking pagkain. Matapos naming kumain ay iniligpit ko na ang pinagkainan. Gaya kanina ay tinulungan ko rin sila tita na magligpit ng pinagkainan namin.

Matapos ang lahat ay pilit pa rin akong humahanap ng tamang timing para sa ikatlong pagkakataon ay tanungin ko soya kung pwede ko na siyang maging girlfriend.

Bago sumapit ang gabi ay muli kaming lumabas ni Rin. Hindi na kami masyadong lumayo, doon lang kami sa may lampas ng river.

"Bakit pa ba tayo lumabas? Maya-maya mag-gagabi na oh, hahanapin na tayo nila tito Chris." sabi niya habang nakatingin sa langit.

"Rin kasi... May itatanong sana ko sa'yo..." mahina kong sambit.

"Ano 'yun?"

"Kanina ko pa 'to gustong sabihin eh..." kanina, pilit kong sinasabi sa sarili ko na sabihin na kay Rin ang nararamdaman ko pero ngayon pakiramdam ko, umaatras ako.

"Ano ba kasi 'yun?" nagtataka niyang tanong.

Go for it, Trev. It's now or never.

"Rin, I want to be your boyfriend." tanging nasambit ko. Actually, naghanda pa ako ng speech para sa kanya pero I neber got the chance to say it.

"H-ha?" sambit niya. Alam kong malunaw ang pagkakasabi ko. Bakit, Rin?

"Sabi ko... Gusto ko nang maging boyfriend mo. Kung sasagutin mo na ba ko?" tanong ko ulit, this time mas malinaw at mas may kahulugan na.

"No..."

Napatigil ako. Hindi ito ang inaasahan ko.

"Ano?" ako naman ngayon ang nagtanong. Umaasang nagkamalu lang ako ng dinig.

"Sorry, Trev. A-ayoko..."

ANO...

Napaiwas ako ng tingin. Saglit na napalunok. Pinipilit kong mag-sink in ang mga sinabi niya sa akin. Totoo ba 'yun?

Nabasted ako?

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatulala sa kawalan. Pakiramdam ko, lahat ng effort ko nasayang. O baka naman nag-expect lang talaga ako nang malaki ngayon?

"Trev. May kumakaluskos..."

Nanatili akong nakatulala. What just happened? Pakiram ko namanhid ang buong katawan ko. Parang nakalimutan ko ang lahat ng nasa paligid ko, hindisa magandang paraan kundi sa negatibong paraan. Ganito pala kasakit.

"Trev." naramdaman ko na lang ang mahigpit na hawak ni Rin sa braso ko. Ngayon pa, Rin? Kung kelan nireject mo ko? Saka ka kakapit sa akin? Binabawi mo na ba ang sinabi mo, Rin? Sabihin mo lang oh, kasi ngayon ang sakit sakit na.

"Trev!" Naramdaman ko na lang ang pagbitaw ni Rin sa braso ko. Doon na ako natauhan. Bumalik ako sa ulirat nang makita ko si Rin na nakatayo na at hawak ang crossbow niya. Agad akong napatayo.

Nakita ko si Rin na parang may tinututukan ng crossbow sa may woods. Agad ko namang hinanda ang katana ko.

"Trev, kanina may kumakaluskos. Nararamdaman kong papalapit na siya."

Napaatras kami nang makumpirma ang unti-unting paglapit ng kaluskos.

Hanggang sa tumambad sa amin ang isang lalaking medyo kaedad ko lang. May hawak siyang palakol pero hindi iyon naka-aimsa amin.

Nakita namin ang kamay niya na nakatago sa likod niya. Ano 'yon?

"Sino ka? 'Wag kang lalapit." banda ko habang nakatutok sa kanya ang matalim na bahagi ng katana ko.

Unti-unti niyang inilabas ang kabilang kamay niya at doon makikita ang dalawang delatang pagkain.

Ano 'to?

Dahan-dahan niya itong inilapag sa lupa. Para saan 'to?

"Ano 'yan? Why are you doing this?" tanong ko sa kanya.

Nang mailapag niya ang mga delata ay bahagya siyang umatras. Isinenyas niya sa amin ang kamay niya, senyales na 'wag namin siyang aanuhin. Not unless hindi niya sinasabi sa amin kung bakit niya ginagawa 'to.

"S-sa inyo na 'yan." sabi niya.

"At bakit naman namin 'yan tatanggapin?" tanong ko.

"G-gusto kong sumali... sa grupo niyo. W-wala akong matirhan. Sa inyo na ang mga pagkain na 'yan kapalit ng pag-ampon niya sa akin." kalmado niyang sambit.

Nagkatinginan kami ni Rin. Napansin ko sa mga mata ni Rin ang pangdududa. Naningkit ang mga mata niya saka nagsalita.

"Paano ka nakakasiguradong may grupo kami?" nagdududang tanong ni Rin.

Napatahimik ang lalaki.

"B-baka lang..." sambit naman ng lalaki.

"Wala kaming grupo." sambit ko bigla. Napatingin sa akin si Rin pero agad naman niya iyong binawi.

"K-kung ganoon, isama niyo na lang ako sa inyo." sambit niya.

"Hindi. Kunin mo na 'yang pagkain mo, hindi namin kailangan 'yan." masungit na saad ni Rin.

"P-pero..." naputil ang sasabihin niya nang magsalita akong muli.

"Umalis ka na dito." saad ko. Hihirit pa sana siya ngunit lalo kong itinutok sa kanya ang katana ko dahilan upang hindi na siya makapagsalita pa.

Dahan-dahan niyang kinuha ang mga delata kanina at umalis na. Inintaymuna namin siyang nawala sa paningin namin bago kami tumuloy ni Rin.

Tahimik naming tinahak ang pabalik sa aming base.

~*~

Agad naming ipinaalam kay tito Christian ang nangyari kanina.

"Posible kayang ang lalaking iyon ang nagpakita sa atin noong isang gabi?" sambit ni tito Christian.

"Hindi po tayo nakakasigurado. Pero sa tagal naming lumalabas ni Rin, nakailang beses na kaming encounter sa isang stranger. Tingin namin ay lagi kaming pinagmamasdan nito." sagot ko naman.

May hinuha rin ako na posibleng iyon ang taong madalas na nang-iistali sa amin ni Rin.

"Binigyan niya kami ng pagkain at sinabi niya na ampunin natin siya kapalit ng mga pagkain na iyon. I told him na wala kaming grupo dahil nakakapagtaka lang na parang alam na niya na may grupo tayo." sabi ko.

"Kung ganoon, hindi na nakakapagtaka na siya 'yung lalaking nakita mo noong gabi, Trev. Hindi pa tayo nakakasigurado pero kailangan nating mag-ingat sa kanya."

"Paano kung gusto niya lang talaga ng makakasama? Paano kung mag-isa lang talaga siya?" tanong ni Zoey.

"We're not sure, Zoey. Ano ba ang itsura ng lalaki ito?" tanong ni tita Alicia.

"Mukhang kaedad ko lang po. Matangkad siya at payat pero hindi kasing payat ko. Medyo maitim din ang itsura niya base sa pagkakatanda ko." tumango naman si tita Alicia sa sagot ko.


▄︻̷̿┻̿═━一

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon