3RD PERSON
Matamang nakatulala si Trev sa kisame habang nakasandal ang kanyang ulo sa headboard ng kama. He's thinking a lot of things that could happen in the future. Mga bagay na alam mong hindi mo aakalain at hindi mo maiiwasan.
"What's bothering you?" tumabi sa kanya si Rin at ipinatong ang ulo nito sa kanyang balikat.
"A lot of things, babe." sagot ni Trev.
"What do you mean?" tanong muli ni Rin.
"'Yung pagsasama natin ngayon. How we ended up together. How we lived so happy like this." ani Trev.
"That's bothering you?"
"Not the fact that we're together but the fact that what could possibly happen in the future? Masaya na tayo ngayon. Magkasama. At nagagawa natin ang mga bagay na gusto natin nang walang humaharang. I know it seems impossible especially if you're here in this fucked up world. You know I want to stay like this." sabi ni Trev.
"Ganito naman tayo ah. Alam kong mas madami na ang populasyon ng mga walkers kumpara sa mga survivors pero hindi naman 'yon magiging hadlang sa relationship natin." umalis si Rin mula sa pagkakasandal sa balikat ni Trev at pinaglaruan naman nito ang buhok ni Trev.
"It's not like that. 'yung tayong dalawa lang. 'Yung solo kita. 'Yung walang third party. Walang kaseselosan." napatawa si Rin nang maintindihan ang ibig sabihin ni Trev.
"As long as ako ay para sayo lang at ikaw ay para sa akin lang ay wala tayong dapat na ipag-alala. Ako at ikaw lang kahit sino pa ang sumingit sa gitna nating dalawa. Trev, it's not about living for the future. It's not about worrying about what could happen after this. It's about living for a moment. Living right now. Right here with me and this awesome family." ngumiti nang matamis si Rin na nagpasettle ng utak ni Trev.
"Thanks, Rin." ani Trev at hinarap ang magandang mukha ng nobya.
"If anything happens, whether it's bad or not, so be it. Just let it. Whatever that is, we'll overcome it." dagdag pa ni Rin.
Marahang nilapit ni Trev ang kamay niya sa gilid ng mukha ni Rin. Hinawakan ito ang takas na buhok ni Rin at inilagay ito sa likod ng kanyang tenga. Gusto niyang nakikita ang maaliwalas na mukha ni Rin.
"Baby, don't change." naging makahulugan ang sunod na sinabi ni Trev kay Rin.
Mataman nilang tinitigan ang isa't-isa. Hindi na namalayan ni Trev ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Siguro ay masyado na niya napasan ang lahat ng pangamba sa mundo. Natatakot siya na baka sa isang iglap lang ay mabago na ang lahat ng mayroon sila ngayon. Natatakot siya na baka angsaya na nararamdaman nila ay bigla na lang mawala nang hindi inaasahan.
"I love you." tuluyan nang hinawakan ni Trev ang pisngi ni Rin habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.
"I love you more." sagot naman ni Rin habang nakatingin sa mukha ng minamahal.
Their lips met.
Kung gugustuhin mang itigil ni Trev ang oras ay iyon ay ngayon na. Kung saan ang oras ay nakatuon lamang sa kanila. Kung kailan ang mundo ay nasa kanilang dalawa lang. Kung saan ang lahat ng bagay ay nakikiayon sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AcciónAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...