3RD PERSON
Flashback
Galit na minaneho ni Christian ang sasakyan na nakuha nila kanina. Sinulyapan niya ang sugatang si Tyler sa likod.
May dahilan ako para patayin ka, kung sino ka man.
Sambit ni Christian sa kanyang isip.
Wala nang pakealam si Christian kung saan sila mapunta. Kung hanggang saan ang aabutin nila. What matters now is kung nasaan ang lalaking nagkaroon ng malaking atraso sa kanila.
Narating nila Christian ang hindi pamilyar na lugar. Doon ay natagpuan nila na naka-park sa tabi ang sasakyang kanina ay nakita nila.
Sinubukan ni Tyler na bumangon at kahit papaano'y kinaya niya naman.ang benda sa kanyang tyan ay naging malaking tulong upang mabawasan ang pag-agos ng dugo na nagmumula sa sugat niya.
Hinanda nila ang kani-kanilang mga baril at sinilip ang sasakyan. Wala silang natagpuan na lalaki doon. Pero may ilan pang mga delatang pagkain doon. Sinilip nila ang likod at may ilang mga baril doon.
Nawala ang atensyon nila sa mga ito nang makarinig silang tatlo ng kaluskos 'di kalayuan sa kinatatayuan nila.
"Ayun siya!" sigaw ni Alicia habang nakaturo kung saan.
Agad namang napansin iyon ng dalawa. Hinanda nila ang mga baril nila. Nasa bubong ang naturang lalaki.
Walang anu-ano'y nagpakawala ng isang bala si Christian mula sa baril na gamit niya. Mintis ito.
Sinundan nila ang lalaki. Nasa bubong man ito ay tanaw pa rin nila ito kahit papaano. Hindi nga lang nila ito mapuntahan.
Sinundan nila ang lalaki at muli itong pinaputukan ni Christian . Natanaw ng tatlo ang paglagabag ng lalaki sa bubong. Gumulong din ito pababa at nahulog sa likurang parte ng bahay. Natamaan ni Christian ang lalaki.
Tumakbo sila papunta sa likod at natagpuan nila ang lalaki. Siya 'yon.
Hinang-hina itong bumangon habang hawak ang brasong nagdurugo.
Patuloy na nilapitan ng tatlo ang walang labang lalaki, hindi pa rin nila binababa ang pagkakatutok nila ng baril dito.
Nacorner ang lalaki sa pader at animo'y suko na sa labanang ito.
May galit na tinitigan ito ni Christian.
"Sino ka para barilin ang kasama namin? Dahil lang sa gamit? Gagawin mo 'yon?!" halos mabingi ang lahat sa sigaw ni Christian.Nanatiling nakatingin lang ang lalaki. Hindi ito nagsasalita. Hindi manlang ito kumikilos upang depensahan ang sarili.
"Magsalita ka!" sigaw pang muli ni Christian.
Maya-maya pa ay narinig nila ang nanghihinang boses ng lalaki.
"'Yung mga gamit. Nandon sa sasakyan sa labas ah... 'Yun naman ang gusto niyo, 'diba? Bakit niyo pa ko hinanap?"
"Dahil muntik mo nang patayin ang kasama namin!"
"Ganoon din naman ang ginawa niyo sa akin. Patay na nga siya, pinatay niyo pa lalo. Siya na nga lang ang natitirang kasama ko sa buhay..."
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...