Chapter 15: Pain

226 7 4
                                    

TREV

Humahangos akong tumakbo papunta sa base namin habang buhat buhat ang walang malay na si Rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko oras na may mangyaring masama kay Rin.

"Trev?! Anong nangyari?!" sigaw ni tita Margo habang patakbong nilalapitan ako.
Inihiga ko si Rin sa kama. Nagmamadaling kinuha ni tita Margo ang mga gamot at tumabi kay Rin.

"Nasugatan siya.." malungkot kong saad.

Hinubad ni tita Margo ang tshirt ni Rin na sira-sira na. Kitang-kita ang sugat na natamo ni Rin. Ang laki.

"Ang lalim." nag-aalalang sambit ni tita Margo. Kinuha ni tita Margo ang tubig at hinugasan ang sugat ni Rin. Natanggal ang ibang mga dugo mula sa kanyang tyan dahilan upang mas lalo kong makita ang hiwa sa tyan niya. Shit..

"Trev, pakiabot ng alak." sabi ni tita habang busy sa kakalinis sa sugat ni Rin.
Agad kong kinuha ang alak at tinanggal ang takip nito. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang masaksihan ang mangyayari.
Kinuha kong muli ang kamay ni Rin at hinawakan iyon nang mahigpit.

Bago magawa ni tita ang panggagamot ay nakita kong nagsidatingan na ang iba namin mga kasamahan at kitang kita ko ang pag-aalala at takot sa nga mukha nila.

Ibinaling kong muli ang tingin ko kay Rin na noo'y wala pa ring malay. Hindi pa rin tumitigil ang pag-luha ko.

Maya-maya pa ay unti-unti nang ibinuhos ni tita ang alak sa sugat ni Rin at nagulat ako nang biglang...

"AAAHHH!!!" Nagising si Rin at sumigaw dahil sa naramdaman.

Agad akong na-alarma at hinawakan nang maigi ang kamay ni Rin.

"Rin, okay lang 'yan.. Shhh.." hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa dahil gising na si Rin ngunit malulungkot rin dahil sa sakit na tinatamasa niya ngayon.

Binuhos ulit ni tita ang alak at pumalahaw na naman si Rin. This time, nagpumiglas na siya.

"Hawakan niyo siya." sambit ni tita Margo kaya naman lumapit ang iba at hinawakan siya. Gaya ng kanina ay hawak ko pa rin ang kamay ni Rin.

"AAAA!!!" Sigaw ni Rin ang maririnig sa buong kwarto.

"Tita, you're hurting her!" sigaw ko. Nagpatuloy lang si tita sa kanyang ginagawa.

Maya-maya pa ay medyo nahihimasmasan na si Rin.

"Tapos na." sabi ni tita Margo habang kinukuha ang mga benda at gasa.

Dahan-dahan naming binalot ang benda sa tyan ni Rin. Nang matapos ay kumalma na ulit siya.

Agad kong kinuha ang kumot sa higaan at itinakip ito sa katawan niyang walang damit kundi bra lang.

"Okay ka na?" sabi ko habang hinhimas ang ulo niya.

"Masakit pa rin syempre." sabi niya.

"Bes naman..." napalingon ako sa nagsalita. Ang best friend ni Rin na si Zoey.

"Mag-ingat ka naman sa susunod." concerned niyang sabi.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon