TREV
"Sasama ako," Agad akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko ang tinig ni Zerrin sa likod ko. Agad akong lumingon sa kanya at nakita kong papalabas na din siya ng base.
"Zerrin," Pag-tawag ko ngunit agad din naman siyang nagsalita.
"Pupunta ka kay Rizanne, 'diba? Sasama ako." aniya na tila ba desidido na sa mga sinasabi niya ngayon.
Naiintindihan ko naman na gustong-gusto na niyang makita ang kakambal niya. Hindi lang siya kung hindi ang iba din naming mga kasamahan ay nais nang makita si Rin simula pa lamang noong naikwento ko sa kanila na buhay siya at nagkita na kami.
"Zerrin, hindi ligtas. Pero ipinapangako kong iuuwi ko siya ulit dito sa base natin." seryoso kong saad ngunit tila hindi kumbinsido si Zerrin.
"Sasama din kami." Muli akong nakarinig ng isa pang boses. Natanaw ko sila Kyle, Zoey at Shawn na sabay na naglalakad patungo sa direksyon namin.
Napailing ako, "Alam niyo rin naming hindi ligtas-"
"Kung hindi ligtas sa amin, hindi rin ligtas para sa'yo, Trev." sambit ni Kyle.
"Kasama natin si tita Margo." pag-singit ni Zoey bago ko nakita si tita Margo na palabaas na din ng base.
"Tama si Kyle at Zoey, Trev. Saka isipin mo din naming gusto din naming makita si Rin. Lalong lalo na ang kakambal niya. Alam kong alam mo din na gusto rin kaming makita ni Rin pero bihira lang siya magkaroon ng pagkakataon dahil sa misyon niya. Sa pagkakataong ito, kikilos din kami." sambit ni tita Margo. Wala na akong nagawa kung hindi isama sila.
Habang naglalakad kami patungo sa secret hideout ni Rin ay nabanggit sa akin nila Kyle na hindi daw makakasama ang iba naming mga kasamahan sa kadahilanang nais din nila bantayan ang base matapos malaman na matagal na palang minamanmanan ng mga taong nakaitim ang base namin.
May pailan-ilang mga walkers kaming nakakasalubong. Kaming mga lalaki na ang umaasikaso ng mga iyon dahil kami din naman ang nauuna. Napansin kong may ilang mga patay na walkers na ang nakahiga sa sahig. Lahat sila ay may butas sa ulo at tila sariwa pa ang pagkamatay nila. May mga tao na bang nanggaling dito kani-kanina lang? Nanggaling na ba dito sila Rin?
Ilang sandali pa ay narating na namin ang secret hideout ni Rin. Lahat ng mga kasamahan ko, pwera kay Shawn ay manghang inilibot ang paningin nila sa kabuuan ng hideout. Dahil unang beses pa lamang nilang nakarating dito hindi na nila naiwasang mapatanong kung kay Rin ba talaga ang hideout na ito.
Lahat ng mga bagay na maaaring madiskubre sa loob ng taguang ito ay napansin nila ngunit para sa akin, isa lang ang napansin ko. Wala dito si Rin. Inasahan ko naman nang wala dito si Rin dahil alam kong mahirap ang sitwasyon niya kila Carver pero umaasa pa rin ako na makikita ko siyang muli.
"Nasaan na si Rin?" ani Zerrin. Doon ko na nakita ang pagkadismaya sa mga mukha ng mga kasamahan ko.
"Sa pagkakataong ito, marahil ay ginagawa na niya ang lahat ng makakaya niya upang makalabas sa mahigpit na seguridad sa kampo nila Carver nang hindi siya pinaghihinalaan." tugon ko.
Malungkot silang tumango. "Intayin na lang natin siya."
RIN
Halos maghahapon na nang lisanin namin ang base ni Carver at magkakasamang tinahak ang kahit na anong lugar na maaari naming marating. Isa lang ang misyon na namamayani sa utak ng mga kasamahan ko at iyon ay ang muling hanapin si Jandi matapos na naman itong makatakas sa base ngunit hindi iyon ang nais kong gawin. Nais kong puntahan sila Trev. Nais kong muli nang umuwi sa tunay kong tirahan.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AcciónAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...