3RD PERSON
"Hi babe, good morning." masigla ngunit may halo pa ring lungkot na saad ni Trev kay Rin na noo'y nakahiga pa din at hindi pa gumigising.
Gaya ng nakagawian ay hinawakan niya ang malamig na kamay nito. Minasdan niya ang marahang paghinga ni Rin. Napaka-payapa niya.
Namimiss niya ang itsura nito kapag gising na gising at mas aktibo pa sa kanya. Kung minsan nga ay napakaaga nitong nagigising at kinakalampag ang pintuan ni Trev sa umaga. Siya pa ang gumigising sa kanya.
"Miss na kita, Rin..." ani Trev habang hinahaplos ang maamong mukha ni Rin. Nalungkot siya nang makita ang halos nanunuyot na labi ng dalaga. The lips that are used to be red. The lips that he used to caress with his own.
"Trev? Tara na." saglit na napalingon si Trev sa pintuan nang nagbukas iyon. Tumango siya kay Christian.
"Rin, hunting day ngayon... Sorry pero maiiwan muna kita. Hayaan mo paggising mo, kasama ka na ulit." sambit ni Trev sabay halik sa kamay at noo ni Rin.
Lumabas siya ng kwarto at bumungad sa akin sina Dothy at Sophie.
"Babantayan namin si ate Rin hanggang sa pagbalik niyo, kuya Trev." nakangiting sambit ni Dothy.
Ngumiti si Trev sa dalawa at pinisil ang pisngi ng mga ito.
"Salamat." ani Trev.
"Nandoon na sila sa labas." tinuro ni Sophie ang labas kung saan naroon na nga sina Christian, Alicia, at Shawn.
Sumakay ang apat sa van ni Shawn at si Christian ang nagmaneho.
Si Shawn ang nagturo ng daan na hindi pa nila napupuntahan. Tanging si Shawn lamang ang nakakaalam nito.
"May alam akong mapangingisdaan." napalingon sila sa sinabi ni Shawn.
"Talaga? Puntahan natin." saad ni Alicia.
"Ang daang itinuturo ko ay papunta doon. Malapit iyon sa dati kong tinitirhan."
~*~
Ilang sandali pa ay narating na nila ang tinutukoy ni Shawn. Isang dagat.
Sa daungan makikita ang dalawang bangka na siguro ay pagmamay-ari ni Shawn.
"Tara na!" tila excited na sabi ni Shawn pagkababang-pagkababa niya ng sasakyan.
Ipinark ni Christian ang sasakyan 'di kalayuan sa daungan ng mga bangka.
Sumakay siya sa bangka kung saan nandoon ang kanyang asawa. Sa isang bangka naman nakasakay sina Shawn at Trev.
"Nandyan na ang mga sagwan at mga gamit para makapanguha ng isda." sambit ni Shawn habang nagsasagwan na.
Napayuko si Christian at nakita niya ang mga gamit sa baba. Kinuha niya ang sagwan at nagsagwan na rin upang makasunod sa direksyon nila Shawn.
~*~
Naalarma si Trev nang maramdaman niyang mayroon nang kumagat na isda sa pain niya. Agad niyang hinila ang tali upang makuha na ang isda.
Isang malaking isda naman ang nakuha niya. Napangiti siya at nilagay ang nagpupumiglas na isda sa lalagyan kung saan hindi ito makakatakas. Marami-rami na rin silang nahuling mga isda. Isang beses ay gumamit si Shawn ng lambat upang makarami.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AksiAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...