TREV
3 days later...
"So... What do you wanna talk about, pre?" saad ni Kyle sa akin habang naririto kami sa may tabi ng ilog.
"It's about Rin..." malungkot kong sagot.
"Anong meron? Nag-away kayo?" tanong naman niya. Umiling ako saka nagsalita.
"Rin's been emotional these past few days. Palagi siyang nasa kwarto niya. Bihira na lang siya makisama sa atin. I'm confused, man." sagot ko naman sa kanya. Napayuko ako.
"Nakausap mo na ba siya about doon?"
"Yes. A couple of times. Pero tuwing hahantong doon ang usapan namin, bigla nalang nagbabago ang mood niya. Binabago niya ang topic. Halatang halata ko na na ayaw niyang pag-usapan ang mga ganoong bagay." sabi ko.
"Edi kausapin mo siya ulit. Girls, Trev. Ganyan talaga sila. Ganyan rin si Zoey sakin minsan. Pero hindi ako sumusuko na itanong sa kanya kung ano ang mali. They will end up saying it to us. Pero kung talagang private, 'wag mo nang pilitin." advice ni Kyle sa akin.
"Di ko alam pare, naninibago na ako sa kanya. Kung dati araw-araw kaming nagkukulitan at nag-aasaran, ngayon maya't-maya nakatulala lamang siya sa kung saan. Kapag tinatanong ko naman, sinasabi niya okay lang naman daw siya. I can't stand with that, man. I want Rin back." sa sobrang stress ay napasabunot na lamang ako sa buhok ko. Naramdaman ko namang tinapik ni Kyle ang likod ko.
"Have a private conversation with her, Trev. It will be alright." sabi niya habang tinatapik ako.
~*~
Matapos kong kausapin si Kyle ay pumasok na kami sa loob.
Maya-maya pa nakasalubong ko si Zoey.
"Zoe." pagtawag ko. Agad naman siyang huminto at tumingin sakin habang iniintay ang susunod kong sasabihin.
"May balita ka ba kay Rin?" tanong ko.
"Ha? Bakit naman?"
"Kasi lagi nalang siyang nakastay sa kwarto. Hindi na siya nakikihalubilo. And I'm not used to it, Zoe. You and Rin are best friends right? May I ask, may nasasabi ba siya sa'yo?" tanong ko.
"She's not really open to me kahit magbest friends kami. Ewan ko ba pero magaling siyang magtago." sabi ni Zoey sa akin.
"I'll try to talk to her mamaya." sabi ko habang hindi nawawalan ng pag-asa. Tumango naman si Zoey at umalis na kasama si Kyle.
Kinagabihan..
Matapos naming maghapunan ay dumiretso na agad si Rin sa kwarto niya. Ni hindi niya manlang kami kinausap. Kapag tinatanong namin siya, sasagot lang siya then that's it. Hindi na kagaya nung dati na madaldal siya tuwing magkakasama kami.
Tumulong na ako sa pagliligpit ng pinagkainan. Nilagay ko sa lababo ang pinagpatong-patong na plato. Nakita ko si tita Alicia na naghuhugas na ng pinggan.
Tahimik lang ang paligid nang biglang magsalita si tita Alicia.
"May problema ba kayong dalawa ni Rin?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya.
"Hindi ko nga po alam eh." sagot ko. Maya-maya pa ay nagsalita nang muli si tita Alicia.
"It's maybe because of me." sambit niya na ikinalingon ko naman. Agad na nag-flashback sa utak ko ang maaaring dahilan kung bakit si tita ang sanhi ng pagiging ganoon ni Rin.
~*~
Tok.. Tok..
Nandito ako ngayon sa harapan ng kwarto ni Rin. Tulog na ang lahat. Pero sana si Rin hindi pa.
Tok.. Tok..
Katok kong muli. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at marahan na binuksan ang pinto. Kung tulog na si Rin, aalis na lang ako.
Pagbukas ko ng pinto, medyo madilim sa kwarto niya at tanging ang lampshade lamang ang nagiging ilaw sa loob ng silid.
Nakita ko siyang nakahiga lang sa kanyang kama at tulala sa kisame."Rin.." Pagtawag ko. Sinulyapan niya lang ako pero walang makikita na kahit anong emosyon sa mukha niya. It's like... Blank.
Pumasok ako sa kwarto niya at umupo sa tabi niya.
"Rin please..." sabi ko. Alam niya ang ibig kong ipahiwatig. Alam niyang gusto kong malaman ang lahat-lahat.
Umupo siya.
"Rin, sabihin mo lang. We can fix this..." sabi ko sa kanya.
"If you want it to be a secret, isesecret ko. Rin hindi ko kaya 'yung ganito ka. Hindi ko alam kung ano 'yung problema." nalulungkot kong sambit.
Napabuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"I almost killed him." sabi niya referring to tito Christian.
"Rin... Hindi mo kasalanan 'yun-"
"People that are really important to me... Or so close to me... I... I bring harm to them." sambit niya. Nagsimula ng tumulo ang luha niya.
"Rin... I don't know your past, pero.... Kaya naman nating ayusin 'to eh. Yes, hindi kita kilala nang lubos but I'm trying to know you, Rin... Hindi mo kasalanan ang lahat..." sabi ko. Humangos siya bago muling nagsalita,
"Sabi ko... Lahat. Lahat ng taong napapalapit at napapamahal sa akin. It's either nasasaktan... Or namamatay. This didn't happened once, Trev. Pero, ayokong dumating sa puntong ikaw naman ang mapapahamak dahil sa akin..." umiiyak niyang sambit. Naramdaman ko ang labis na guilt at oanghihinayang sa mukha niya. Lalo na sa mga mata niyang lumuluha.
"Kaya ba dumidistansya ka sa akin? Dahil ayaw mo akong mapahamak?" sambit ko.
Tumango siya. Nagsalita akong muli.
"But Rin, hindi naman natin ginusto ang nangyari. Don't blame yourself." me, trying to comfort her at my best.
Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita.
"Sana... Sana natuluyan na lang ako." tulala niyang sambit na ikinagulat ko.
"Rin naman... Rin.. Look at me." sabi ko, I cupped her face and looked at her straight to the eyes.Nakaharap ang mukha niya sa akin pero ang mga mata niyang may mga luha ay nanatiling na nakatingin sa baba.
"Don't say that... I'm here for you... Just...please... Come back... Because... I..I love you, and I don't want seeing you like this." sabi ko habang naluluha.
Hinawakan naman ni Rin ang pisngi ko at pinunasan ang aking mga luha.
"Trev..." sabi niya.
"Kung sakaling mawala man ako... 'wag kang malulungkot ha..." she smiled, but a painful smile.
"Rin naman. 'Wag ganyan..."
You hushed me.
"Kung ito man ang last nating pagkikita.. Mawala man ako... Trev, tandaan mo sana na-"
You paused a little bit. And then,
"... Mahal din kita..."
Lalo akong naluha sa mga sunod niyang sinabi.
She loves me...
"M-mahal mo ako?" paninigurado ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Tumango siya habang nakangiti...
"Does it means-" she cut me off.
"Yes, Trev. You can now be my boyfriend."
▄︻̷̿┻̿═━一
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...