3RD PERSON
"Let's watch the sunrise!" excited na sambit ni Trev habang niyuyugyog si Rin.
"Ayoko..."
"Di ako papayag. Tara na!" ani Trev na ngayo'y hinihila na si Rin. Wala nang ibang nagawa si Rin kundi sumama na lang. Kukusot-kusot ang matang bumangon si Rin saka nagpatangay kay Trev.
Nakapaa si Rin nang marating nila ang field. Doon ay tumambad kay Rin ang malaking mantel na nakalatag sa sahig. Para bang picnic.
Pero isang bagay ang nakapukaw ng atensyon ni Rin at iyon ay ang sunrise.
Napatigil siya at hindi inaasahang napatulala na lang sa sunrise na nagaganap.
"Ang ganda..." ani Rin habang tulala sa kalangitan.
"Mas maganda ang view dito." sabi naman ni Trev saka iginiya si Rin sa mantel na nakalatag. Doon ay umupo silang dalawa. Dito mismo ang pwesto nila noon.
Napatulala na lang si Rin sa sunrise at ganoon na din si Trev. Paminsan-minsan namang sumusulyap si Trev sa mga mata ni Rin. Nagagandahan siya sa mga ito lalong-lalo na kapag nagrereflect ang kulay dilaw na araw sa mga mata nito.
"I've never seen the sunrise this clearly before." manghang sabi ni Rin.
"You've seen it a couple of times, Rin. Sayo ko pa nga nadiskubre ang spot na 'to na magpapakita ng magandang view ng sunrise." nakangiti nang sabi ni Trev.
Nanatiling manghang nakatulala si Rin hanggang sa ang araw ay sumikat na nang tuluyan."Ang ganda diba..." sabi ni Trev.
Tumango si Rin.
"...parang ikaw." dagdag pa ni Trev. Bigla namang napatingin sa kanya si Rin at nagulat siya nang nakatitig na sa kanya si Trev.
Mataman nilang tinitigan ang isa't-isa na tila ba walang balak na magsalita. Tanging mga huni ng ibon at agos ng ilog ang naririnig sa paligid nila.
Trev softens his gaze as he comes closer to Rin. Napako naman si Rin sa kinauupuan niya. Hindi niya magawang umiwas o makakurap manlang.
Unti-unting inilapit ni Trev ang mukha niya sa mukha ni Rin...
"Uh, T-Trev?" unti-unting napalayo si Rin dahil sa unti-unti ring paglapit ng mukha ni Trev sa kanya.
Nanlaki naman ang mata ni Trev sa gulat dahil sa ginawa. Agad siyang napatigil saka lumayo.
"What are you doing?" tanong ni Rin kahit halata naman na niya kung ano ang gagawin ni Trev.
"S-Sorry... N-nabigla lang ako." ani Trev.
Hindi naman nakapagsalita si Rin. Sa kalagitnaan ng katahimikan ay naisip ni Rin ang nangyaring iyon. Was Trev gonna kiss her? Ano naman kayang gagawin niya 'pag nagkataong matuloy iyon?
Namalayan niya na lang ang unti-unting pag-init ng pisngi niya at hindi niya iyon mapigilan. Alam niya ang ganitong pakiramdam. At alam niya din na namumula siya ngayon.
Umiwas siya ng tingin kay Trev.
"Sorry, Rin." hinawakan naman ni Trev ang kanyang balikat.
Lumakas ang tibok ng puso niya at nadagdagan ang pagkainit ng pisngi niya. Isa pang pamilyar na bagay ang naramdaman niya. Iyon ay ang mga paru-paro sa kanyang tyan.
"A-ah. Okay lang. Oo." nagmamadaling sabi ni Rin. Huminga siya ng malalim.
"It's just that... Namiss lang talaga kita." ani Trev.
Kahit alam ni Rin ang kakaibang nararamdaman niya ngayon ay nagawa niya pa ring tumingin kay Trev.
"I want my Rin back...pero hindi nakikiayon ang tadhana." malungkot na sabi ni Trev.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AkcjaAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...