Chapter 44: Close But Far Away

139 9 2
                                    

3RD PERSON

"Nagising nga siya... Pero hindi niya naman tayo maalala..." malungkot na saad ni Trev habang nakayuko.

"Nalulungkot din kami sa nangyari, Trev." ani Shawn.

Umalis sa pagkakayuko si Trev at hinarap si Shawn.

"Ano pa ko? Siya lang naman ang girlfriend ko." sambit ni Trev. Hanggang ngayon ay hindi pa din matigil ang pagluha niya. Nasasaktan siyang isipin ang nangyari.

"Trev... Baka naman pansamantala lang ang amnesia ni Rin dahil ilang araw din siyang hindi nagising." ani Christian.

"Paano kung hindi? Paano kung lahat ng alaala na binuo namin ay wala na sa utak niya?" sagot ni Trev. Animo'y puro negatibong mga bagay na ang nanaig sa utak nito.

"Na-coma na din ako, Trev. Noong nagising ako ay medyo nanibago ako at wala din akong masyadong maalala. Pero bumalik din naman ang lahat nang iyon." sabi ni Zoey habang hinihimas ang likod ni Trev upang mahimasmasan ito.

Hindi nakapagsalita si Trev at nanatiling lumuluha.

"Let's just hope na babalik ang alaala ni Rin." ani Margo.

"Hindi po tayo nakakasigurado. Paano nga kung hindi na iyon mangyari?" daing ni Trev.

"Nandito naman tayo upang ipaalala sa kanya ang lahat eh. Pero kung wala talaga, let's just start brand new." sabi ni Christian.

"No... Mahirap... Napakahirap." lalong bumuhos ang luha ni Trev at hindi niya ito mapigilan.

Sa tuwing naiisip niya na ang mismong girlfriend niya ay hindi siya maalala ay parang unti-unting dinudurog ang puso niya. Nanghihinayang siya sa lahat. Naninibago siya ngayon at hindi na niya alam ang gagawin.

"Can I be alone?" pakiusap ni Trev saka naglakad papunta sa kwarto niya. Doon ay nagkulong siya at tuluyan na niyang nailabas ang nararamdaman niya. Kung may iiiyak pa siya, hindi na niya iyon pipigilan pa.

~*~

Hinihingal na ibinagsak ni Rin ang kanyang katawan sa pagkakahiga. Hiningal siya dahil sa pagpupumiglas niya at sa pag-iyak niya. Napwersa din siguro ang katawan niya dahil sa biglang paggalaw matapos ang mahabang panahon ng pagkakahimlay.

Nang kumalma si Rin ay umupo naman si Alicia sa tabi niya. Doon ay binigyan niya ng malungkot na ngiti si Rin. Maging siya ay nalulungkot din sa nangyari. Nalulungkot siya sa mga tingin na ibinibigay sa kanya ngayon ni Rin. Kakaibang tingin ito at hindi maipagkakaila ang takot at galit doon.

Naisip ni Alicia na kung may kailangang maalala si Rin ay hindi muna sa ngayon. Hindi nila kailangang pwersahin ang utak ni Rin dahil kakagising lang nito at halatang naguguluhan pa ang isip nito.

"Rin. Ako si Alicia. Pwede mo din naman ako tawaging tita Alicia." nalulungkot si Alicia sa katotohanang kailangan niyang ipakilala ang sarili niya at magsimula sa umpisa.

Hindi nagsalita si Rin. Halata din ang pag-iwas niya ng tingin kay Alicia.

"Maaari kitang ipakilala sa iba mamaya-"

"Ayoko. Mawalang galang na po pero ayoko po dito. Palayain niyo na lang po ako." may halong pait na sambit ni Rin.

"Hindi 'yun pwede. Saan ka naman pupunta kapag lumabas ka? Hindi ligtas doon. Atleast dito kasama mo kami. May makakain ka, at may matitirhan ka." sambit ni Alicia na para bang bata ang kausap niya. Gusto niya kasi na hangga't maaari ay mag-iingat siya sa mga bagay na sasabihin niya.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon