Chapter 64: It Hurts

132 7 3
                                    

3RD PERSON

"Well, nice to meet you, Trevor." ani Jandi sabay bawi ng kamay. Tipid namang ngumiti si Trev.

"Nice to meet you too, Jandi." ani Trev. Aaminin ni Trev na namiss niya ang ganitong eksena. 'Yung may makikilala siyang bagong tao at magsisimula sila sa kamayan at kamustahan. Ang tagal na simula noong nangyari iyon. Siguro panahon naman kay Trev upang makakilala ng bagong kaibigan.

"So, paano, una na ko, ha?" tumayo si Jandi mula sa pagkakaupo.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Trev. Hindi niya na din naiwasang maging curious kung sino ba ang babaeng ito at ano ang mga mabababaw na bagay na maaari niyang malaman bukod sa pangalan nito.

"Home." sagot ni Jandi sabay ngiti. Gusto ni Trev na magtanong pang muli ngunit nakita niya si Jandi na naglalakad na palayo.

"Sure ka bang kaya mo?" mukhang iyon na lang ang huling tanong na maihahabol ni Trev.

Napatawa nang mahina si Jandi. "Kayang-kaya ko namang umakyat ulit ng puno kung sakaling atakihin ulit ako ng mga halimaw."

Napangiti si Trev. Saglit na napatayo si Trev hanggang sa mawala na nang tuluyan si Jandi sa paningin niya.

Nang maiwan ay umakyat si Trev sa puno at tinanaw ang madilim na kagubatan. Saglit siyang nagpalipas ng oras doon dahil alam niya sa sarili niyang kailangan niyang mgkaroon ng oras para sa sarili niya. Kailangan niyang makalimot ng sakit.

Nang pasikat na ang araw ay saglit siyang napatulala sa kalangitan. Kitang-kita niya mula sa itaas ang napakagandang view ng sunrise.

"I just love sunrise so much." umalingawngaw sa tenga niya ang sinabi noon ni Rin ukol sa pagsikat ng araw.

Pilit na iwinaksi ni Trev iyon sa kanyang isipan bago napagdesisyunang bumaba ng puno.

~*~

Tahimik na nakamasid si Rin sa bintana ng kanyang kwarto. Umaga na at kakagising niya pa lang. Gaya ng inaasahan ay hindi naging maganda ang kanyang gising. Ano pa nga bang aasahan niya gayong naipahayag na kagabi lang ang sikretong matagal na niya tinatago.

"Nandito naman ako lagi, kahit talikuran ka man nila." Pumasok sa utak ni Rin ang mga salitang iyon na minsang nang binitawan sa kanya ni Shawn. Nasasaktan siyang isipan na totoo nga na ganito ang nangyari. Pakiramdam niya tuloy ay siya ang pinakakinaiinisang tao sa pamilya nila ngayon at si Shawn na lamang ang natitira sa kanya na handa pa siyang tanggapin. Si Shawn na palaging nariyan sa kanya at patuloy na magpaparanas ng pagmamahal niya kahit ano pang sabihin ng iba sa kanya. Siguro nga tama siya. Siya lang ang nariyan kay Rin kahit pa anong kasalanan ang nagawa niya.

Doon na pumatak ang unang luha niya ngayong umaga. Alam niyang sa sobrang lungkot na nararamdaman niya ngayon ay hindi lang ngayon ang oras na maaaring lumuha siya. Hindi na niya tuloy alam kung paano niya haharapain ang araw nang ganito ang sitwasyon. Sariwa pa ang nangyari sa utak niya at alam niyang ganoon din ang buong pamilya niya. Hindi na niya maiwasang magsisi sa nangyari.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng katok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Tiningnan niya ito at hinintay na magbukas. Unang nahagip ng mata niya ang itim na tray at isang pares ng kamay na humahawak doon. Halos bumangon si Rin sa nakita ngunit agad din namang nanlumo nang si Shawn ang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi sa ayaw niyang si Shawn ang bumungad sa kanya pero umasa lang talaga siguro siya na si Trev ang taong iyon. Iyon kasi ang laging nagdadala ng pagkain sa kanya.

Agad din namang pumasok sa isipan niya na napakalabong mangyari noon dahil kagabi lang ay nasaksihan mismo ng dalawa niyang mga mata kung paano magalit si Trev. Alam niyang ito ang sobrang naapektuhan sa nangyari at hindi ganoon kadali para sa kanya na tanggapin iyon. Bakit nga naman niya aasahan si Trev na pumunta sa kanya? Marahil ay nasa kwarto pa ito at mahimbing na natutulog, hindi nag-aabala na gumising nang maaga para asikasuhin o ipagluto manlang siya ng napakasarap na soup na paborito niya. Marahil din ay mas gusto na nitong dumistansya.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon