TREV
Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ang sarap ng tulog ko ah. I saw the time. 5:30 am. Nag-inat-inat muna ako nang kaunti.
Teka.. Hindi ko kwarto 'to. Umupo ako at luminga-linga sa paligid. Kwarto 'to ni Rin ah.
Teka... Last night... Yes, last night. 'Di ko na namalayan na I spent the rest of my night with Rin just to make her feel better. Noong umiyak si Rin dahil sa problemang matagal niya na palang tinatago, I was there to comfort her.
And last night, sinagot na din ako ni Rin...and I was there. Pero the moment na sinagot niya 'ko, parang nawala ang diwa ko. This time, in a positive way na.
Parang bigla na lang dumako ang utak ko sa mga magagandang alaala ng pagsasama naming dalawa.
Nakakatuwang isipin na hahantong kami sa ganito matapos ang lahat. Akala ko it's too late na. Akala ko pinaasa ko lang ang sarili sa babaeng hindi naman pala ako kayang mahalin pabalik. Pero I was wrong. Dahil kung sino ang Rin na nakilala ko noon, siya pa rin ngayon.
Nakakatuwa ring isipin na ang mga alaala ng pagsasama namin ni Rin ay madadagdagan pa ngayong naging official couple na kami.
I will never, ever waste her sweet 'yes'.
Hindi ko alam pero napangiti ako. Ewan ko ba. Ito na siguro 'yung feeling ng sinasabi nilang kilig.
I have to find her.
But this morning, I wonder where the love of my life is?
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Kita kong si tito Christian at si tita Alicia ay nasa kusina. Mukhang kakagising lang din. Binati ko sila saka umalis nang muli.
Wala si Rin doon kaya gumala pa ako sa iba't-ibang parte ng base namin.
Wala. Hindi ko siya mahanap.
Bumalik ako sa kusina at natagpuan ko na nandoon na ang iba naming mga kasamahan.
"Nakita niyo si Rin?" tanong ko sa kanila.
"Hindi. Baka naman tulog pa." sabi ni Kyle.
"Wala siya sa kwarto niya." sabi ko. Kinakabahan na ko.
"Baka naman nasa labas. Heto nga, Trev, mag-igib ka ng tubig sa ilog." sabi ni tita Margo sabay bigay sakin ng balde. Tinanggap ko ang balde at lumabas na. Baka nga nasa labas lang si Rin.
Pumunta ako sa may tabing ilog at sumalok ng isang baldeng tubig. Matapos iyon ay luminga-linga ako sa kung saan. Medyo madilim pa nang kaunti ang paligid dahil mag-uumaga pa lang. Pasikat pa lamang ang araw.
Maya-maya pa, 'di kalayuan ay natanaw ko siya. Si Rin... Napangiti ako. Nandito lang pala siya. Iniwanan ko muna ang inigib ko sa tabing ilog at pinuntahan si Rin.
"Hoy kamatis!" nakangiti kong sambit nang tawagin ko si Rin.
"Manahimik ka diyan, ugok." umirap naman siya. Napatawa na lamang ako. She's back. The Rin I knew. The Rin I loved. It's so nice dahil Rin stays the same.
"Anong ginagawa mo dito? Mag-aalmusal na tayo." sabi ko sa kanya saka siya tinabihan sa pag-upo sa damuhan. Pansin kong kanina pa siya nandito at minamasdan ang kalangitan.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AcciónAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...