Chapter 46: I'm Leaving

141 9 1
                                    

3RD PERSON

"'Wag ka nang malungkot, pare. Tingnan mo nga at kinausap ka na niya oh." ani Kyle kay Trev habang nasa sala sila at nag-uusap. Kakatapos lang nilang kumain.

"Oo, pare. Kahit kaunti ay nawala ang sakit na nararamdaman ko dahil kinausap na niya ko. Hindi nga lang sa paraan na gusto ko." sagot naman ni Trev.

"Buti nga at may progress eh. Isipin mo na lang na liligawan mo ulit siya. Try not to force her brain to the things she has to remember. Unti-unti 'yan, Trev. Nandito din naman kami para tulungan ka eh." si Zoey naman ang nagsalita.

"Salamat, Zoey. Siguro nga tama ka. Kailangan ko lang kumilos at maghintay."

"Anong siguro? Tama talaga ko, Trev. Alam kong ganoon ka dahil iyon ang Trev na nakilala ko."

"Sabi nga nila, kung mahal mo, ipaglaban mo." ani Kyle.

"Ang drama niyo nang dalawa." natatawang sabi ni Trev.

"Dahil alam namin na sa kadramahan namin ikaw matatawa." natawa na din si Kyle.

"Cheer up." ani Zoey sabay gulo sa buhok ni Trev.

Nakangiting tumango si Trev habang inaayos ang buhok niyang nagulo. Tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Pupuntahan ko na ulit si Rin. Baka tapos na kumain 'yon." ani Trev.

"You mean, nag-round two siya ng kain?" tanong ni Zoey.

"Oo, takaw 'no?"

"Siya sige. Take it easy ha." Kyle.

"Play it cool." sabi ni Zoey.

Tumango ulit si Trev. "Thanks."

Masayang nagpunta si Trev sa kwarto ni Rin.

"Just...stay here, Rin. It's what best for you."

Nasa harap pa lang ng pintuan ng kwarto ni Rin si Trev nang makarinig siya ng pamilyar na boses sa loob ng kwarto. Boses ito ng lalaki at halatang kinakausap nito si Rin.

Walang alinlangan na pumasok si Trev at nakita niya si Shawn na nakaupo sa tabi ni Rin. Agad na napalingon sa kanya ang dalawa at agad ding nanahimik si Shawn.

Pinaningkitan ni Trev ng mata si Shawn. Huminga ng malalim si Shawn bago tumayo at umalis na. Buti na lang ay nakuha ito sa tingin ni Trev.

Dahil hindi inaasahan niya ang nangyari ay napahalukipkip na lamang si Rin na noo'y nakaupo sa kama, nakasandal sa headboard at nakatanaw sa labas.

Pinilit na lang ni Trev na iwaksi sa isipan ang katotohanang pumasok si Shawn sa kwarto ni Rin. Hindi niya na din pinansin ang sinabi nito kay Rin. Ayaw na niya ng gulo at pilit niyang kinocontrol ang sarili niya. Gusto niyang mag-focus ngayon kay Rin at hindi sa lalaking mag-aaksaya lang ng oras niya.

Pagtingin ni Trev sa bedside table ay ubos na ang pagkaing hinain niya.

"Ubos mo na agad? Ang takaw mo talaga." sabi ni Trev sabay kuha ng tray.

Hindi nagsalita si Rin. Ni hindi manlang niya tiningnan si Trev.

"Ngayon ko lang nalaman na uso pala sayo ang silent treatment." ani Trev.

Hindi pa rin siya nakatanggap ng sagot o imik manlang mula kay Rin kaya nagsalita siyang muli.

"Talagang paborito mo ang pagkaing ito. 'Wag kang mag-alala, bukas ay ito ang irerequest kong ulamin natin." nakangiting sambit ni Trev habang nakatingin sa pinagkainan na kagaya kanina ay simot na simot.

"'Wala na ko dito bukas." sambit ni Rin na mabilis na nagpalingon kay Trev.

"Anong wala?" kahit malinaw ang pagkakarinig niya sa sinabi ni Rin ay hindi niya naiwasang mapatanong. Hindi kasi siya makapaniwala.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon