Chapter 6: It's Weird Outside

327 15 6
                                    

TREV

Agad kaming naalarma ni Kyle nang marinig namin ang sigaw na iyon.

Maya-maya ay nakarinig kami ng malalakas na mga kalabog sa baba kasabay ng...

"TULOOONG!" sa ikalawang pagkakataon ay narinig naming muli ang sigaw ni Rin.

Agad na tumakbo si Kyle pababa at naiwan ako dito sa taas. Natakot ako nang lalong lumakas ang hangin at nahila nito ang bubong.

Nagulat ako nang makarinig ng ilang putok ng baril sa ibaba. Ano nang nangyayari doon?!

Lalo kong diniinan ang paghawak sa tali. Sa kasamaang palad ay umihip muli nang malakas ang hangin at nahila nito nang tuluyan ang bubong, sa sobrang lakas ay gumasgas ang magaspang na lubid sa palad ko dahilan upang masugatan ang mga ito.

Wala na akong nagawa nang tuluyan nang liparin ng hangin ang bubong ng bodega namin.

Hindi na ako nagpadalos-dalos at lumabas na ng bodega at nagsimulang tumakbo pababa.

Nagulat ako nang makita ang lahat. Ang pintuan namin, bukas na bukas at mula doon ay nagpapasukan ang mga walkers! Ang mga matatanda ay pumapatay ng mga halimaw. Ganoon rin ang ginagawa ni Rin.

Lumundag ang puso ko nang makita si Zoey na walang malay at buhat-buhat ni Kyle na ngayon ay paakyat na dito sa taas.

Agad na pumasok si Kyke sa kwarto at inihiga doon ang walang malay na si Zoey. Anong nangyari sa kanya?!

Sa kabilang kwarto ay nakita kong nagbukas ang pintuan at lumabas doon si Dorothy at Sophie.

Agad ko silang pinuntahan at pinigilan. "Huwag kayong bababa! Pumasok kayo sa loob!" maawtoridad na sambit ko na sinunod naman nila kaagad.

Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang katana ko saka bumaba. Agad akong sumabak at tinulungan sila sa pagpatay ng mga walkers.

"Paano nakapasok ang mga iyan?!" sigaw ni tito Christian.

"Hindi po namin alam!" sagot ko.

Pumunta ako sa pinto at sinara ito upang mapigil ang pagpasok ng mga halimaw. Ngunit madami sila at malakas kaya nahirapan akong isara ito.

Lumapit sa akin si Rin at tinulungan akong isarado ang pinto.

Walang anu-ano'y pinagpapatay namin ang mga walkers sa abot ng aming makakaya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa amin kung paano nakapasok ang nga walkers sa bahay namin.

Nagulat ako nang may kumapit na walker sa akin at pilit na inilalapit ang kanyang bunganga na handang handa nang pagpiyestahan ang laman ko. Sinipa ko ito sa paa dahilan upang matumba ito paharap sa akin. Sa gulat ay bigla akong napaatras ngunit hindi inaasahang matisod ako sa isang patay na walker sa likod ko dahilan upang matumba ako sa sahig. Ang kaninang natumbang walker ay nagsimula nang gumapang sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla nitong hablutin ang paa ko. Sinubukan ko siyang sipain pero walang talab! Hindi niya pa rin nabibitawan ang paa ko!

Bigla na lang itong namatay nang makita kong may nakatusok na bala ng crossbow sa ulo niya at tagos sa noo niya. Hindi na ako magtataka kung sino 'yon, si Rin. Kinuha niya ang bala mula sa walker at akmang ikakabit na niya iyong muli sa crossbow niya nang biglang...

"Rin! Sa likod mo!" singhal ko ngunit hindi iyon naging sapat upang maalarma si Rin. Agad siyang nakuha ng walker mula sa likod. Kinapitan na ni Rin ang ulo ng walker upang mapigilan ito sa pagkagat sa leeg niya.

Anong ginagawa mo, Trev?! Tulungan mo si Rin!

Sa pagtayo ko ay nakita ko si Rin na biglang umatras nang mabilis at inipit niya ang walker sa pader gamit ang katawan niya.

Walang anu-ano'y tumakbo ako sa gawi niya ngunit bago ko pa man siya matulungan ay naitusok na ni Rin ang mahabang bala ng crossbow na hawak niya kanina sa ulo ng walker na nasa likod niya dahilan upang mamatay ito.

She can really handle herself.

Nang makarecover ay muli kaming sumugod upang patayin ang natitirang mga walkers.

Hinihingal kaming napaupo sa sahig nang mapatay na namin ang lahat ng mga walkers.

Tumayo ako at sumilip sa bintana. May ilan pang mga walkers ang nasa pintuan namin. Binuksan namin ito at pinatay ko sila nang mabilis gamit ang katana ko.

Agad na napukaw ng atensyon ko ang bakal na fence namin.

Umaapoy ito nang kaunti at medyo sira-sira na. Posible kayang natamaan ito ng malakas na kidlat na narinig namin kanina dahilan upang masira ito nang ganito?

Muli kong isinara ang pinto.

"Nakidlatan ang fence natin." sabi ko sa kanila na ikinagulat naman nila.

"Patayin ang lahat ng ilaw." sabi ni tito Christian na sinunod naman naming lahat.

Kailangang patayin ang mga ilaw kung hindi ay makaka-draw kami ng atensyon ng mga halimaw.

Bigla kong naalala si Zoey.

"Si Zoey po!" sabi ko sabay takbo sa taas. Pinuntahan ko ang kwarto kung nasaan si Kyle at Zoey.

Tila nabunutan kami ng tinik nang makitang may malay na ulit si Zoey.

"Anong nangyari, bes?" nag-aalala tanong ni Rin sa kanya.

"Dahil basa ng tubig 'yung hagdan, nadulas ako. Nagdirediretso ako pababa." sagot niya.

"Okay ka na ba? May masakit ba sa'yo?" tanong ko.

"Medyo masakit lang ang ulo at likod ko. Pero okay naman na ako." nakangiti niyang sabi habang nakathumbs up pa.

"Ikaw talaga. 'Di ka nag-iingat. Ang clumsy mo talaga." nakangiti kong sabi kay Zoey sabay gulo ng buhok niya.

"May kailangan ka ba?" tanong ni Kyle.

"Tubig lang." sagot naman ni Zoey.

"Ako na." pagprisinta ko. Tumango naman sila. Dala ang aking flashlight ay bumaba na ako sa madilim naming bahay. Nagpunta ako sa kusina kumuha ng tubig.

Saglit akong napatitig sa bintana. Tanaw ko pa ang sira naming fence. Nagulat ako nang kumidlat nang malakas at kasabay nito ang pagliwanag ng paligid.

Saglit man ay tila may natanaw ako sa may labas ng fence namin. Parang....tao?

Lumapit ako sa bintana at pilit na tinanaw muli ang labas, umaasang tama ang hinala kong may tao sa labas.

Bigla na lamang ulit kumidlat nang malakas at ganoon na lamang ang pagkagulat na aking nadama nang makumpirmang may tao nga sa labas ng fence namin!

Tangina, sino 'yon?!

Agad kong kinuha ang tubig at flashlight at agad na inilawan ang daan ko pabalik sa taas.

▄︻̷̿┻̿═━一

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon