Chapter 55: Leave Me Alone

124 5 3
                                    

3RD PERSON

Kumatok siya ng dalawang beses sa pintuan saka pinihit ang doorknob ng pinto.

Ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang nakita noong magbukas ang pintuang iyon.

Agad na nag-init ang dugo niya sa nakita.

Si Rin at Shawn... at magkayakap ang dalawa.

Naningkit ang mga mata ni Trev at mapapansin dito ang sobrang pagkahinala. Ano itong nakikita niya?

Ikinuyom ni Trev ang kanyang kamao sa galit. Gusto niyang suntukin si Shawn ngayon. Gusto niya itong bugbugin at saktan. Pero hindi pwede- hindi pwedeng sa harap ni Rin.

Galit man ay pilit ni kinontrol ni Trev ang nararamdaman. Ayaw niyang pagsisihan sa huli ang maaari niyang magawa ngayon.

"Rin..." pagtawag ni Trev kay Rin. Agad namang napalingon ang dalawa sa kanyang direksyon. Muli siyang nainis dahil masyadong okupado ang utak ni Rin at Shawn sa isa't-isa to the point na hindi siya napansin ng mga ito.

Tila dinurog ang puso ni Trev nang makita niya ang ilang mga luha sa pisngi ni Rin.

"What the fuck did you do?" pabulong na sambit ni Trev na ngayon ay nakatuon na ang atensyon kay Shawn. Hindi niya maalis ang panghihinala kay Shawn. Umiyak si Rin nang hindi niya alam ang dahilan. Who's responsible for this?

Umiling si Shawn. Muli namang ibinaling ni Trev ang atensyon niya kay Rin.

Tipid itong nakangiti. Napapansin niya ang sakit at lungkot sa mga mata nito kahit pa nakangiti ito.

"Are you okay?" tanong ni Trev habang lumalapit kay Rin. He caressed her face and wiped away her tears.

Ngumiti si Rin dahilan upang tumulo pa ang ilang mga luha mula sa kanyang mata.

"Oo." sagot ni Rin.

"What happened?" tanong muli ni Trev.

"She needs-" pag-uumpisa ni Shawn pero tinitigan siyani Trev nang masama.

"I'm not asking you. Mawalang galang na pero iwan mo muna kami dito." maanghang na pahayag ni Trev kay Shawn habang masama ang pagtitig niya dito.

Yumuko si Shawn saka umalis ng kwarto ni Rin.

"Tell me what happened, Rin." masinsinang sambit ni Trev kay Rin.

"Nothing." napaiwas ng tingin si Rin.

Trev let out a sigh. "Sinasabi ko na nga ba. I shouldn't have left you." nag-aalalang sambit ni Trev.

"I'm okay."

"No, you're not. Tell me, please." tila magmakaawa na si Trev.

"No, Trev. I need to be alone. Pwede bang... iwan mo muna ako?" halos pabulong nang saad ni Rin.

"You need to be alone? Then why he's here?"

Umiling si Rin.

"Hindi ko ginustong umalis dahil maiiwanan kita. Then you're telling me na gusto mong mapag-isa pero kanina lang kasama mo si Shawn for God knows why."

"Trev, please."

"Is there something, huh?" medyo napataas na ang boses ni Trev.

"Trev..."

"-between you two?" dugsong pa ni Trev.

"Trev, ano ba!" napasigaw na si Rin kaya natauhan bigla si Trev. Muling tumulo ang luha sa mga mata ni Rin.

"S-sorry. Right... You needed time." mahinang sambit ni Trev. Kagaya ni Shawn ay napayuko siya sa ginawa. Hindi man bukal sa kalooban ay nilisan ni Trev ang kwarto ni Rin.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon