Chapter 74: Dead

131 7 4
                                    

TREV

"Jan--!"

Isang bitin na sigaw ang napakawalan ko nang maramdaman ko na lang na may tumakip sa bibig ko. Agad nito akong hinila pababa dahilan upang maharangan kami ng malaking puno.

Magpupumiglas pa sana ako pero sa halip ay gulat na lamang akong napatitig sa taong dumakip sa akin.

Balot na balot ng itim na kasuotan ang kanyang katawan at tanging ang pares lamang ng mga mata niya ang nakikita ko. Base sa mga mata niya, seryoso siyang nakatitig sa akin.

"Dito ka lang, 'wag na 'wag kang aalis dito." nagulat ako nang iyon ang sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napako sa kinalulugaran ko ngayon. Wala din akong ideya kung bakit nakatitig lamang ako sa taong ito.

"Ahh! Bitiwan mo ko!" muli akong bumalik sa ulirat nang sumigaw si Jandi. Agad na napabaling ang atensyon ko doon. Gusto kong sumugod doon at harapin ang mga tao na nakaitim din na nakapaligid sa kanya.

"Bakit ba tumakas ka na naman? Ha?!" nagulat ako nang sumigaw ang isang taong nakaitim. Malaki at maskulado ang boses nito na kung sino man ang makakarinig ay tila mapapatigil na lang. Pero ang isa pang ikinabahala ko, base sa sinabi ng taong iyon ay tila magkakilala na sila ni Jandi. Ito ba ang grupong kinabibilangan ni Jandi?

"Ayokong sumama sa inyo!" sigaw pabalik ni Jandi habang malakas na nagpupumiglas.

Bago ko pa marinig ang susunod na sasabihin ng taong nakaitim ay hinila ako ng taong dumakip sa akin kanina. Doon ko na lang napagtanto na unti-unti na pala akong lumalapit sa lugar ni Jandi dahil sa sobrang kuryosidad at pag-aalala.

"Shhh..." mahinang sambit niya sa akin sabay lagay ng kanyang hintuturo sa sarili niyang labi hudyat na 'wag akong gagawa ng ingay. Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman akong napatigil sa presensya niyang iyon.

Who the hell is this?

Bakit niya ginagawa ito?

At... bakit ganito ako umasta?

May parte sa akin na gusto siyang gawing hostage upang panglaban sa mga hayop na 'to pero may parte din sa akin na huwag kong gagawin iyon.

Trev, wake up!

Sigaw ko sa sarili ko dahilan upang magising ako. Natauhan ako. Si Jandi, kailangan ni Jandi ng tulong ko.

"Aray!" narinig kong sigaw ni Jandi nang lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya ng mga taong nakaitim.

"Huwag ka na kasing magpumiglas." tila boss namang sambit noong maskuladong lalaki. Nakita kong may dinukot ang taong nakaitim sa kanyang bulsa at nagulat ako nang malaman ko kung ano iyon. Isang tazer.

Dahil doon ay walang alinlangan ko nang hinila ang taong dumakip sa akin. Nilagay ko ang katana ko sa bandang leeg niya saka kami umalis sa tinataguan namin at humarap sa iba.

"Pakawalan niyo ang kaibigan ko kung ayaw niyong gilitan ko 'tong kasama niyo." pagbabanta ko habang matinding nakahawak sa taong ito at sa katana ko.

Tinutukan ako ng baril ng mga kasama niya.

"Don't fire!" sigaw naman ng hostage ko. Hindi ko alam kung bakit ginusto niya pang sabihin sa mga kasamahan niya na huwag akong barilin kahit na nasa panganib na siya ngayon.

Hindi manlang sila napapitlag. Tingin niya ba nagbibiro lang ako sa sinabi ko?

"Trevor?!" gulat na saad ni Jandi. Isang makahulugang titig ang ibinigay ko kay Jandi.

"At sino ka namang hayop ka?" galit na saad noong lalaking nakaitim sa akin. Habang okupado ng mga utak nila ang presensya ko ngayon ay palihim kong sinenyasan si Jandi.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon