Chapter 33: Gather

153 9 1
                                    

3RD PERSON

Napabalikwas si Christian sa kanyang hinihigaan nang maramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin at ang maliwanag na kapaligiran.

Kahit nasisilaw pa ay agad na siyang bumangon. Tiningnan niya ang kanyang sugat. Masakit pa din iyon ngunit hindi na kasing sakit ng dati. Natuyo na rin ang mga dugo sa jacket ni Zoey na pinangbenda niya dito.

Ilang sandali pa ay nagising na din si Margo at si Zoey na agad din namang bumangon.

"Iihi lang ako." agad na tumango si Christian at Margo nang mag-paalam si Zoey sa kanila.

Dala ang kanyang baril, dagger, at katana ni Trev ay tinahak ni Zoey ang maputik na forest, 'di kalayuan sa pinagpahingahan nila.

Ang nakakasalubong niyang pailan-pailan na mga walkers at sinasaksak niya lang.

~*~

Pabalik na si Zoey nang makita niya ang pamilyar na mga pigura at mukha ng mga tao sa kabilang bangin. Agad siyang nabuhayan ng loob nang makilala niya ang mga taong ito.

"KYLE! TREV!" sumigaw siya nang napakalakas habang kumakaway nang malawak.

Halos mapaos na si Zoey sa pagtawag ngunit kahit anong gawin niya ay hindi pa din siya naririnig ng mga ito dahil sa malaking distansya na pumapagitan sa kanya at sa mga kasamahan niya.

Ang lalo pang ikinabahala niya ay ang tila walang malay na katawan ni Rin na buhat ni Trev.

Kahit papaano'y nabuhayan ng loob si Zoey kaya walang anu-ano'y tumakbo siya pabalik kila Christian.

Sa gitna ng kanyang pagtakbo ay nakita niya ang kabilang dulo ng bangin na kinaroroonan nila Trev at sa kasamaang palad, may mga walkers doon na papunta sa direksyon nila Trev!

Napamura sa gulat at takot si Zoey sa nakita.

Nang nakarating sa paroroonan ay nakita ni Zoey na handa nang lumarga si Christian at Margo kaya naman hinatid niya ang maganda at masamang balita sa dalawa.

Agad na kumilos ang tatlo papunta sa bangin na kinaroroonan nila Trev. Malayu-layo ito kaya kailangan nilang bilisan.

Si Christian na kahit may iniindang sakit ay nagawa pa ding kumilos nang mabilis dahil baka dumating sa puntong mapahamak na sila Kyle kapag hindi nila napatay ang mga walkers na papunta sa kanila.

Narating nila ang kumpol ng mga walkers na nakatalikod sa kanilang direksyon. Animo'y may pinagkakaabalahan ang mga ito. May nakita na silang mga kakainin at sila Trev iyon!

Agad nilang ginawa ang nararapat na gawin. Habang wala ang atensyon ng mga walkers sa kanila ay pinagsasaksak na nila ang mga ito.

Nang mabawasan nang kaunti ang mga walkers at umaliwalas muli ang paligid ay nakita na nila ang kanilang mga kasamahan.

Si Trev at si Kyle lamang ang pumapatay ng mga walkers at si Rin... walang malay na nakahiga sa likod.

Agad na tumakbo si Zoey palapit kay Trev at binigay dito ang katana nito.

Sabay-sabay nilang pinatay ang mga walkers hanggang sa maubos nila ang mga ito.

Nang maubos nila ang mga walkers ay naglakad na sila palayo.

"Let's go home, quick!" maawtoridad na sabi ni Christian sa kanyang mga kasamahan.

Hahanap sila ng matataguan upang maasikaso ang bawat isa. Lalong-lalo na si Rin na noo'y wala pa ding malay. Anong nangyari sa kanya?

Sa gitna ng kanilang paglalakad ay isang van ang rumaragasang pumunta sa direksyon nila at hinarangan ang daraanan nila.

Hinanda ng bawat isa ang kanilang mga armas. Inabangan nila ang maaaring mangyari. Sino ang nasa loob ng van na ito at ano ang balak nito sa kanila?

Agad din namang lumabas ang tao sa likod ng tinted na salamin ng van at nagulat sila nang makilala nila ang taong ito.

"Shawn?" sambit ni Christian at agad niya namang nasagot ang tanong niya nang tumingin ito sa kanila nang taimtim.

"Alam kong nangako akong hindi na magpapakita sa inyo pero... Pwede na ba kong tumulong this time?" ani Shawn.

Matamang tumitig si Shawn kay Rin na noo'y nasa hindi magandang kalagayan. Nagkatinginan ang bawat isa na tila ba may pinag-sasang-ayunang isang bagay.

~*~

"What happened to you guys?" tanong ni Shawn habang minamaneho ang van na kasalukuyan nilang sinasakyan. Pauwi na sila at ihahatid sila ni Shawn sa kanilang base.

"Nag-landslide. Tumama ang mga bato at lupa sa sasakyan namin kaya nahulog kami sa bangin." sagot ni Christian.

"Bago kami mahulog, binuksan ko ang pintuan sa likod. Kaya nang magising ako, nasa labas ako ng truck at nasa alanganing posisyon. Tinulungan ako nila Rin at Kyle but we ended up falling together..." malungkot na saad ni Trev. Mataman niyang tinitigan si Rin na nakahiga at nakaunan ang ulo sa lap niya.

Ganoon din ang tingin ng iba. Hindi maipagkakaila ang awa at pag-aalala sa kanya.

"S-shes still alive... Thankfully... Pero hindi natin alam kung kailan siya magigising." sambit ni Trev na animo'y iiyak na.

"She'll be fine, Trev." sambit ni Zoey habang hinihimas ang likod ni Trev. Tumango naman si Trev at pinakalma ang sarili.

"We're going home, babe..." bulong ni Trev kay Rin sabay halik sa noo nito.

~*~

Ligtas silang lahat na nakauwi sa base gamit ang van ni Shawn.

Agad na kumilos si Trev nang huminto ang sasakyan. Binuhat niya si Rin papasok sa loob at inihiga ito sa kama ng kwarto ni Rin.

Sumunod naman sila Zoey at Kyle sa kanila.

May halong hiya at saya na humarap si Christian kay Shawn pagkababa nila ng sasakyan.

"Salamat, Shawn." sambit ni Christian.

"Walang anuman iyon. Pasensya na ulit dahil hindi ko tinupad ang pangako ko. Hindi na talaga ako magpapakita." sambit ni Shawn habang iniistart ang engine ng kanyang van.

"S-sandali." nagitla si Shawn nang biglang magsalitang muli si Christian.

"I'm sorry. Sorry dahil minsan ka na naming tinaboy. Kung okay lang-" naputol ang sasabihin ni Christian nang magsalita si Margo.

"Let's cut to the chase, you can stay here if you want." napatingin naman si Christian sa sinabi ni Margo. Iyon naman talaga ang gusto niyang sabihin kaso hindi sa ganoong paraan. Siguro ay dahil medyo nahihiya siya pero buti na lang at si Margo na ang nag-voice out nito.

Ibinalik ni Christian ang tingin niya kay Shawn at inantay ang sasabihin nito.

"Uh-" para bang hundi makapagsalita si Shawn dahil ang awkward ng kanilang sitwasyon ngayon.

"You said na gusto mo kaming maging kagrupo. We are not taking you for granted dahil lang sinagip mo kami at gumawa ka ng mabuti sa amin. I just wanted to say na welcome ka na dito." ani Christian na sinang-ayunan naman ni Margo.

"We're not forcing you to come with us pero kung gusto mong sumama sa amin, bukas ang tahanan namin." dagdag ni Margo upang mapagaan ang loob ni Shawn.

"Salamat. I've been alone for a long time. Sa wakas ay may pamilya na din akong makakasama. Sorry din kung mali ang naging unang approach ko sa inyo. I'm sorry kung napatay ko si Tyler. I will make it up to you guys. I promise." sincere na sagot naman ni Shawn.

"Sige." ngumiti si Christian saka inilahad ang kamay niya para abutin ni Shawn.

Tinanggap naman iyon ni Shawn nang buong puso.

▄︻̷̿┻̿═━一

An: Tye Sheridan as Shawn

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon