3RD PERSON
Tinanggap ni Rin ang kamay ni Trev na nakalahad para sa kanya. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Trev pero ibinibigay niya ang tiwala niya dito.
Magkahawak ang kamay na lumabas sila sa kwarto. Nahagip ng mata ni Trev si Shawn na nakatingin sa kanilang dalawa. Partikular na sa magkahawak nilang mga kamay. Napangisi si Trev dahil alam niyang nasa kanya ang tagumpay at huling halakhak.
"Ingat kayo." ani Zoey na tila kinikilig.
"Alam nila na aalis tayo?" tanong ni Rin. Nakangiting tumango si Trev sa kanya.
"Kailangan niyo ng proteksyon!" pahabol naman ni Kyle.
Napatawa si Trev. "I'm her proteksyon. I will protect her no matter what!" sigaw naman pabalik ni Trev.
"Teka. Alam ba nila tita na aalis tayo?" nag-aalangang sabi ni Rin.
"Don't worry, love. Everything's planned." ani Trev. Wala nang nagawa si Trev kundi magpatianod at magtiwala kay Trev.
"How about them? Isama natin sila." pagtukoy ni Rin kila Zoey at Kyle.
"We're fine here, bes!" kakaway-kaway namang singit ni Zoey.
"Sigurado ba sila? Hmm, si Shawn kaya?" ani Rin habang hinahanap si Shawn.
Pumait ang timpla ng mukha ni Trev pero agad din naman niya itong binago. Ayaw niyang masira ang araw niya.
"Don't mind them. Gusto kitang masolo." ani Trev.
Tila namula ang magkabilaang pisngi ni Rin nang marinig niya ang mga katagang iyon.
"G-ganon?" hindi inaakala ni Rin na mauutal siya. Hindi na dapat siya nagsalita pa.
"Yes, love."
Lumakas ang tibok ng puso ni Rin sa narinig. Kalabog ng dibdib hindi dahil sa kaba kundi dahil sa kilig sigurong matatawag.
Nag-wawala ang mga paru-paro sa kanyang tyan habang tinititigan niya ang mahigpit na pagkakahawak ng kamay ni Trev sa kamay niya.
Dinala siya ni Trev sa forest na pamilyar din naman sa kanya. Ito ang forest na pinagtakasan niya noon. Bakit dito siya dinala ni Trev?
May nakita silang trail sa lupa at iyon ang sinunod nila.
Sa gilid nila ay ilang mga puno na napakalusog at may taglay na magagandang bunga.
Hinintuan ni Trev ang isang puno na may saganang bunga.
Nakangiting kumuha si Trev ng maliit, bilog at mapulang bunga mula sa punong ito.
"You remember this?" ani Trev habang ipinapakita kay Rin ang bungang kinuha niya.
"I forgot the name." sagot naman ni Rin.
Trev let out a smirk bago kinain ang bunga.
"Huy, baka may lason 'yan!" agad na napalapit si Rin kay Trev dahil sa pag-aalala.
"Ganyan na ganyan din ang sinabi ko noon nung kakain ka nito." natawa si Trev. Napuno naman ng pagtataka ang utak ni Rin.
"Try it." ani Trev saka inalok kay Rin ang isang prutas. Kinuha naman iyon ni Rin saka kinain. Nahihiyang napangiti si Rin nang malasahan niya ang bunga. Napakatamis nito at napakasarap.
"Ano nga ulit ang prutas na 'to?" tanong ni Rin.
"You call this... Little bug." ngumiti si Trev.
"Little bug?" nagsink in sa utak ni Rin ang salitang iyon dahilan upang bigla na lang siyang nahilo. Agad siyang napahawak sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...