3RD PERSON
Napabalikwas si Christian sa pagkakatulog nang may sumigaw sa loob ng truck.
"Tito Christian! Sila Kyle po! Nawawala!" sigaw ni Zoey. Nahihilo man mula sa pagkakauntog ay bumangon. Ginising niya si Margo na noo'y katabi niya sa harap ng sasakyan.
Anong nangyari? Tanong ni Christian sa kanyang sarili. Agad niya itong naalala nang malaman niya kung ano ang lagay nila ngayon.
Nasa alanganin ang pwesto ng truck nila at anumang oras ay maaari silang mahulog.
Kinatok sila ni Zoey mula sa loob habang sumisigaw.
"Tito Christian, gumising po kayo!" sigaw nito.
"S-sandali!" sigaw naman pabalik ni Christian habang kumikilos nang dahan-dahan. Matagumpay niyang nailabas ang sarili niya sa nakatagilid na truck. Kumapit siya sa mga ugat ng halaman upang hindi siya mahulog at dumausdos pababa ng bangin.
Minasdan niya ang paligid. Nasa alanganing bahagi sila ng bangin. Madilim ang paligid ngunit hindi na gaanong umuulan.
Dahan-dahang nagpunta si Christian sa dako ni Zoey. Si Margo naman ay nakasunod sa likod ni Christian.
"Tito, sila Kyle po. Sila Trev at Rin! Nawawala po sila!" nagmamadaling sambit ni Zoey.
"Zoey, halika dito. Dahan-dahan lang." sambit ni Margo kay Zoey.
Maingat na humakbang si Zoey palabas ng truck. Natatakot siya dahil baka mamaya'y gumulong na lang bigla ang truck habang nasa loob pa siya. O 'di kaya naman ay dumausdos ito pababa.
"Sandali!" sambitni Zoey at bumalik pa sa loob ng truck.
"Zoey, saan ka pupunta?!" tanong ni Christian.
"May kukunin lang po!" sagot naman nito pabalik.
Nagmamadali itong bumalik habang hawak ang isang katana.
"Hindi ko makita 'yung crossbow ni R--AAHHH!!!" sa gitna ng kanyang paglabas ay biglang lumundo ang truck to the point na parang mahuhulog na ito.
"ZOEY!" sigaw ni Christian at mabilisang inilahad ang kamay.
Nakapitan ito kaagad ni Zoey. Si Margo naman ay umalalay sa likod upang hindi madala si Christian.
Lahat sila ay nagulat nang mahulog na nang tuluyan ang truck na sinakyan nila pababa sa ilog.
Alam nilang anytime ay maaari nga itonf mahulog ngunit hindi sila masyadong naging handa sa pagkahulog nito. They think they were careful enough.
Buong lakas na hinila ni Christian si Zoey pataas kaya naman lahat sila ay naka tungtong na sa maputik na lupa.
"Kailangan nating mahanap sila Kyle." nag-aalalang sambit ni Margo."Kailangan muna nating makaakyat sa surface. Hindi ligtas ang pwesto natin ngayon." sagot naman ni Christian.
Hindi naging madali para sa kanila ang pag-akyat sa surface o sa daan sa taas dahil madulas ang mga putik na natatapakan nila. Limitado din ang mga bagay na maaari nilang kapitan kaya naman lubos ang kanilang pag-iingat.
Dahan-dahan at maingat nilang tinahak ang daan paakyat. Mahirap man ay pilit nila itong ginawa at pinagtulungan.
Matagumpay nila itong naakyat ang daan kahit na madulas ang pinagdaanan nila. Saktong pagtayo nila ay nakakita sila ng sandamakmak na walkers na papunta sa lugar nila.
Hindi pa man nakakabawi ng pahinga ay agad na silang tumakbo palayo.
Sa dami ng mga ito ay tila mahihirapan silang kalabanin ang mga ito.
Madilim ang paligid, walang mga bituin at makulimlim ang langit. Natakpan na din ng makapal na ulap ang malaking buwan na maaari sanang magsilbing ilaw sa gabi nilang madilim.
Idagdag mo pa ang medyo mahinang buhos ng ulan dahilan upang lamigin sila. Pero hindi nila iyon inalintana. Bagkus ay tumakbo sila nang mabilis.
"Dito!" naging alerto ang bawat isa nang sumigaw si Christian at nagtungo sa parang kweba sa gilid.
Agad na sumunod sina Zoey at Margo kay Christian.
Nang makapasok sila sa naturang kweba ay tinakpan nila ng malaking bato ang nagsisilbing lagusan nito. Sa ganitong paraan, hindi sila makikita ng mga walkers.
Binalot ng dilim at katahimikan ang kinalulugaran nila Christian ngayon.
Maliit man ang space ay kulob naman ang kweba na ito dahilan upang kahit papaano ay hindi sila makaramdam ng lamig. Although hindi iyon sapat ay nakuntento sila dahil para din iyon sa kanilang kaligtasan.
Kinuha ni Christian sa kanyang bag ang flashlight.
Binuksan ni Christian ang flashlight. Bagama't papundi-pundi na ang ilaw nito ay kahit papaano'y nagawa nitong mailawan ang madilim na kinaroroonan nila.
Sakto lamang para sa katawan nilang tatlo ang kwebang ito. Hindi rin ito gaanong mataas kaya kinakailangan nilang yumuko nang kaunti.
"Kung hindi lang sana tayo umalis agad,hindi sana tayo mapapahamak at hindi sana mawawala sa atin sina Kyle..." bumuntong hininga si Christian sa panghihinayang na naramdaman.
"Christian, it's okay... Aksidente ang nangyari." sinubukan namang pagaananin ni Margo ang kalooban ni Christian.
"Hindi... Ako ang dapat sisihin, Margo." pilit pa ring naghihinagpis ang nakokonsensyang si Christian.
"'Wag niyo pong isipin 'yan." si Zoey naman ang nagsalita.
"Now they're gone. Saan natin sila hahanapin? Ano nang lagay nila? At...buhay pa kaya sila?" napayuko si Chriatian sa nasabi. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo ngunit hindi niya mapigilan dahil hindi siya matahimik ng kanyang konsensya.
"Kaya nila 'yon, Christian. May tiwala ako sa kanila. Sigurado akong magiging ayos lang sila." sagot ni Margo.
"Tsaka siguro naman they're here somewhere." saad ni Zoey.
Kung tatatagan man ni Christian ang kanyang loob ay hindi pa rin maipagkakaila ang kaunting kaba at pag-aalala sa kanyang puso. Magpahanggang sa ngayon ay sinisisi niya pa rin ang kanyang sarili sa nangyari.
Napansin nilang ilang minuto na ang lumipas nang makalampas ang mga walkers. Mabuti at hindi na sila nakita ng mga ito dahil kapag nangyari iyon, sila rin ang mahihirapan. Ang paglayo ng mga walkers ang siya namang pagbuhos muli ng malakas na ulan. Animo'y may bagyo na dahil maririnig at makikita rin ang mga saglitang pagkulog at pagkidlat sa madilim na kalangitan.
Pabugso-bugso man ang ulan ay hindi naman ito naging hadlang sa pagkilos nila Christian. Lahat sila ay buo ang desisyong hanapin ang mga kasama dahil sa takot na baka kung ano na ang mangyari sa mga ito. Kailangan lamang nilang maging mas maingat sa kanilang gagawin.
Pinangunahan ni Christian ang paglabas. Kung may gagawin man sila ngayon ay walang iba kundi ang hanapin sina Kyle, Trevor, at Rin na hindi na nila nakita simula pa noong gumising sila.
Ano na kaya ang nangyari sa mga ito? Paano sila nawala? Saan na sila napunta?
▄︻̷̿┻̿═━一
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...