Chapter 45: How Are You?

140 8 1
                                    

3RD PERSON

Wala nang ibang nagawa si Trev kundi kumain kahit wala naman siyang gana. Totoo nga na kapag may problema kang nararamdaman, nakakawalang gana kumain at nakakawalang gana na din sa ibang mga bagay.

"She's still asleep. Iniwanan ko na lang muna ang pagkain sa table niya." ani Alicia pagkabalik galing sa kwarto ni Rin.

Nalulungkot man ay hindi pa rin maiwasan ni Trev na mag-alala. Maraming tumatakbo sa isipan niya. Noong tanghali ding iyon, matapos nilang kumain ng tanghalian ay sinubukan niyang pumasok sa kwarto ni Rin.

Doon ay tumambad sa kanya si Rin na nakaupo sa higaan, nakasandal sa headboard ng kama at mabilis na kumakain. Makikita sa kanya na gutom na gutom nga ito matapos ma-coma nang matagal. Napangiti si Trev sa kanyang isip. Ganun na ganun pa rin si Rin. Malakas kumain.

"Uhm." hindi alam ni Trev kung kailan pa siya nawalan ng dila. Ngayong oras pa kung kelan gustong-gusto na niyang kausapin si Rin.

Nanlaki ang mata ni Rin at halos mabilaukan pa nga ito nang makita niya si Trev sa harap ng kanyang pintuan.

Sakto namang tapos nang kumain si Rin kaya itinabi niya ang tray ng mga pinagkainan sa table na nasa tabi ng kanyang kama. Uminom siya ng tubig at mabilisang pinunasan ang kanyang bibig.

Umiwas siya ng tingin kay Trev. Tumanaw lang siya sa bintana.

"B-bakit ka nandito?" tanong ni Rin, hindi tumitingin kay Trev.

"Ah. G-gusto ko lang malaman kung okay ka na."

"I don't care if you're concerned. Umalis ka na dito." malamig na sambit ni Rin.

Tila sinaksak nang isang daang beses si Trev sa puso dahil sa kanyang narinig. Hindi niya matanggap na nagmula ang mga katagang iyon kay Rin. Hindi niya matanggap na ipinagtatabuyan siya ng kanyang minamahal.

Mahahalata na galit si Rin sa kanya. Marahil ay hindi naging maganda ang unang impresyon nito sa kanya noong ito ay magising. Sukat yakapin niya ba naman ito nang mahigpit at hawakan ang mga kamay. Iba ang dating kay Rin noon at pakiramdam niya ay hinaharass siya. Natakot din siya noon.

Hindi rin naman masisisi ni Trev ang kanyang sarili dahil hindi niya naman inakala na oras na magising si Rin ay wala na itong maaalala.

Hindi na lang pinansin ni Trev ang sinabi ni Rin. Bagkus, ay muli siyang nagsalita.

"Ililigpit ko na din ang pinagkainan mo." ani Trev sabay lapit sa tabi ng kama ni Rin kung saan naroon ang pinagkainan ni Rin. Makikita ang pag-usod ni Rin sa sulok nang mapansin niyang papalapit si Trev.

Lalo namang nasaktan si Trev doon. Kung dati ay sobrang close nila sa isa't-isa. Ngayon ay parang strangers na silang dalawa kahit si Rin lang naman ang nakararamdam ng kakaiba.

Pilit na iwinaksi ni Trev ang sakit na nararamdaman. Pinilit niya na lang na isipin na mas mahalagang nagising na si Rin.

Napatingin si Trev sa pinagkainan ni Rin. Muli siyang napangiti sa kanyang isip dahil kitang-kita niya kung gaano ka-simot ang pinagkainan nito.

Matamang tinitigan ni Trev si Rin bago napagdesisyunang umalis.

~*~

Naiwan muling mag-isa si Rin sa kanyang kwarto. Wala siyang ideya sa kinaroroonan niya ngayon. Ang sabi ay kwarto niya daw ito. Hindi siya naniniwala. Pakiramdam niya ay ito pa lang ang unang beses na nakatapak siya sa kwartong ito.

Nang umalis si Trev ay doon na siya nakahinga nang maluwag. Aaminin niya na kulang sa kanya ang pagkain na hinain sa kanya dahil gutom pa siya pero hindi iyon ang pinagtuunan niya ng pansin kundi ang kagustuhang makaalis sa lugar na ito. Ayaw niya dito at buo ang kanyang loob.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon