Chapter 51: Like We Used To

120 7 1
                                    

3RD PERSON

"Intayin na lang natin ang ang pagdating nila Christian bago tayo maghain." sambit ni Margo kay Zoey at Rin matapos niyang lutuin ang kakainin nila ngayong tanghali.

Niyaya naman ni Zoey si Rin sa sala at doon ay nag-usap sila.

"Bes, tumataba ka na." diretsahang sabi ni Zoey kay Rin.

"Huh?" agad namang napatingin si Rin sa kanyang katawan.

"Hmm. Siguro hindi tumataba. Nagkakalaman lang. Ang lakas mo kasing kumain eh." nakangiting sabi ni Zoey.

Naging concious naman si Rin sa kanyang katawan. Totoo kaya 'yun? Hindi niya kasi napapansin.

"Siya, dito ka muna at maliligo na ako." sabi ni Zoey sabay tayo. Nagkawayan sila parehas bago naghiwalay.

Naisip ni Rin na dito na lang muna siya sa sala mags-stay. Mas maliwanag dito at mas presko ang hanging pumapasok dahil nakabukas ang mga bintana.

Wala siyang magawa. Aaminin niyang gusto niyang sumama sa paghuhunt nila Trev dahil gusto niya namang makalabas kahit papaano pero hindi sapat ang tiwala niya sa kanyang katawan. Palagi na lang kasi siyang nahihilo at base sa mga kilos niya, hindi pa siya tuluyang gumagaling.

Natatakot din siya sa maya't-mayang pag-atake ng sakit ng kanyang ulo. Hindi niya ito mapigilan at nahihirapan siyang tiisin ang sakit na naidudulot nito.

Siguro sa umpisa lamang ang mga sakit na ito. Darating din ang panahon na gagaling siya at babalik ang lahat sa dati.

Ilang sandali pa ay lumapit si Shawn kay Rin. Tinabihan niya ito sa pagkakaupo.

Saglit namang tiningnan ni Rin si Shawn at ganoon din si Shawn kay Rin.

Kilala ni Rin si Shawn...sa mukha nga lang. Sa tagal na niyang namalagi sa base na ito ay medyo nasanay na siya sa mga mukha ng mga kasamahan niya. 'Yun nga lang ay hindi niya kilala ang iba sa mga pangalan o kung sino man ang mga ito sa buhay niya.

"You're probably wondering who am I." sabi ni Shawn dahilan upang mapatingin sa kanya si Rin.

Hindi nagsalita si Rin dahil napapansin niyang maraming gustong sabihin si Shawn sa kanya.

"I'm Shawneil Bozonnet. Shawn for short." ani Shawn sabay lahad ng kanyang kamay kay Rin.

Tinanggap naman ito ni Rin saka nakipag-shake hands.

"We used to be friends. Kindergarten years. Palagi tayong naglalaro sa playground noon." pag-papaalala ni Shawn. Hindi matandaan ni Rin ang anumang sinabi ni Shawn pero naniniwala naman siya dito.

Hindi na nagdalawang isip si Rin na isipin kung totoo nga ba o hindi ang sinabi ni Shawn dahil lahat ng aasahan niya sa pamilyang ito ay totoo lamang dahil ang hangad nila ay mapaalala kay Rin ang lahat.

Totoo naman ang sinabi ni Shawn kay Rin. Magkababata sila noon pero lumipas ang taon ay nagkalimutan na sila. Kaya siguro ganoon na lang ang pakealam ni Shawn kay Rin.

"Totoo?" ani Rin.

"Oo. Wala pang apocalypse noon at masaya ako na kahit paano ay naranasan nating maging bata without this... fucked up situation."

"Ahhh. What else?" ngaopn lang naging interesado si Rin sa isang alaala na hindi niya naman maalala.

"'Yun lang ang kaya kong ikwento sayo. I just want you to know we used to be great friends. At isa iyon sa magagandang alaaala mo na maaari kong ibigay. The rest is history." sabi ni Shawn.

"Bakit naman iyon lang?"

"I don't want to stress your brain. Magagandang alalaa lang as much as possible." nakangiting sabi ni Shawn.

"Salamat." nakangiting sabi ni Rin.

"Gusto ko lang din na maging magkaibigan tayo like what we used to be." ani Shawn.

"Ahh, oo naman."

Ilang sandali pa ay may pumasok sa kanilang base at si Trev iyon. Matamang nakatitig ito sa kanilang dalawa. Makikita din ang unti-unting paniningkit ng mata nito kasabay na din ng pagkuyom ng kamao.

"Oh andito na pala kayo. At may manok!" masayang sambit ni Margo nang dumating sila Christian.

"Oo, eh parang mangingitlog na ito. Gagawan ko ng kulungan." sabi naman ni Christian.

"Oh siya kumain na tayo. Magsibaba na kayo kakain na!" ani Margo at agad namang nagsibabaan ang lahat pati na din si Zoey na nakabalot pa ang basang buhok dahil kakaligo niya lang.

Nagpuntahan na sila sa kanya-kanya nilang pwesto sa dining area at nagsimula nang kumain.

"Pakiabot naman ng pot." ani Rin habang pilit na inaabot ang lalagyan ng mga gulay.

Agad namang inaksyunan iyon ni Shawn. Kinuha niya ang mabigat na pot at siya na mismo ang naglagay ng ulam sa plato ni Rin.

Napatingin si Trev sa eksena ng dalawa at hindi niya alam kung gaano na kainit ang dugo niya ngayon. Basta ang alam niya ay naiinis na siya kay Shawn kahit ang ginagawa lang naman nito ay para kay Rin din.

Naiinis siya dahil siya dapat ang gumagawa ng mga bagay na iyon at hindi si Shawn. Sadyang naunahan lamang siya.

"Salamat." nakangiting sabi ni Rin. Ngayon lang ulit ni Trev nakita si Rin na nakangiti, 'di dahil sa kanya kundi dahil sa ibang tao. Ilang beses niyang pinag-ipunan ang ngiting 'yan. Ginagawa niya ang lahat, mapangiti lamang muli si Rin pero heto itong Shawn na 'to at naglagay lang ng ulam ay napangiti na agad si Rin? Nakakainis.

"Rin, gusto mo ba ng isda? Eto oh, ipaghihimay kita." si Trev naman ang umeksena ngayon.

"Hindi na. Salamat." kaswal namang sabi ni Rin.

"Why?"

"Okay na ko sa gulay." ani Rin sabay tipid na ngumiti.

Napabuntong-hininga naman si Trev. Naisip niya na hindi niya hahayaang makalamang si Shawn. Girlfriend niya si Rin at kailangang siya ang gumagawa ng mga bagay na makapagpapasaya at makapagpapadali ng buhay ni Rin. Siya lang at wala nang iba.

~*~

Kinabukasan ay maagang nagising si Trev. Hindi pa sumisikat ang araw ay mulat na mulat na siya.

Kumuha siya ng malaking mantel sa bodega saka lumabas. Inilatag niya sa field ang mantel. Nahihinuha na niya ang maaaring kahinatnan ng araw na ito. Masayang pumasok si Trev sa base at pinuntahan ang kwarto ni Rin.

Doon ay mahimbing pang natutulog si Rin. Walang anu-ano'y ginising ni Trev si Rin.

"Rin!"

"Anooo..." mahabang litanya ni Rin nang medyo inaantok-antok pa.

"Wake up sleepyhead."

"Whyyy?"

Trev let out a smirk.

"Let's watch the sunrise!"

▄︻̷̿┻̿═━一

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon