TREV
Dahil sa sobrang kalungkutan ay napagdesisyunan ko na lamang na magpunta ulit sa kakahuyan. Gusto kong mapag-isa.
Nalulungkot ako dahil noon, sabay kaming nagpupunta dito ni Rin. Ngayon ay palagi na lamang akong mag-isa. Wala na siguro akong ibang magagawa kundi tanggapin ang lahat-lahat. Nangyari na eh. Kailangan ko na rin sigurong sanayin ang sarili ko.
Umakyat ako sa isang puno. Ito ang lagi kong inaakyatan dahil kitang-kita ko ang pagsikat ng araw dito. Hindi ko na tuloy maiwasang maalala ang nakaraan.
"Akala ko hindi ka na makakarating." agad akong napatingin sa may kanan ko at nakita ko si Jandi na katulad ko ay nakaupo din sa sanga ng puno.
Dahil sa nararamdaman ay malungkot na ngiti ang naibigay ko sa kanya pero alam kong hindi ko na dapat pang dalhin ang nangyari noong nakaraan.
"Sabi ko, let go of things, 'diba?" makahulugang sabi niya sa akin. Bumuntong hininga naman ako. Ganoon ba talaga kadali basahin ang mga emosyon ko?
Nakita kong bumaba siya sa puno at umakyat naman sa puno ko. Ngayon ay kapwa na kaming nakaupo sa matibay na sanga ng isang malaking puno at magkaharap.
"Nandito naman ako kung kailangan mo ng mapaglalabasan ng sama ng loob." sincere niyang sabi. Iniwasan kong tumitig sa kanya. Alam ko kasi na oras na tingnan ko ang nangungusap niyang mga mata ay maaari ko na namang mailabas ang mga saloobin ko.
"Come on, it's okay." aniya.
Bumuntong hininga ako. Sabi nila, kung gusto mo daw na mawala kahit papaano ang sakit sa puso mo ay kailangan mo itong i-let out. Ganoon siguro ang kailangan kong gawin ngayon.
"She's dead." diretso kong sabi. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat at pag-aalala.
"A-ano?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Patay na siya at wala nang mas sasakit pa doon." sabi ko. Pinangako ko sa sarili kong hindi ako iiyak dahil magdamag na akong nakaiyak kahapon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din talaga matanggap-tanggap ang nangyari kaya anumang sandali ay pakiramdam kong bibigay na naman ako.
Malungkot na ekspresyon ang ibinigay sa akin ni Jandi. Kung noong sinabi ko sa kanya ang problema ko, nagbigay siya sa akin ng positibong reaksyon dahilan upang mapagaan agad ang loob ko. Mabilis siyang makahawa ng nararamdaman pero ngayon... parang ako ata ang nakahawa sa kanya ng kalungkutan.
Hindi nagsalita si Jandi, bagkus ay umurong siya palapit sa akin at hinimas ang likod ko. Tipid na ngiti at tango ang ibinigay ko sa kanya bilang pasasalamat.
"Alam mo, hindi madaling mag move on eh, lalo na kung pakiramdam mo, halos lahat ng bagay na makikita mo ay naaalala mo siya." totoo ang sinabi niya. Ang simpleng pagpunta ko lamang dito sa kakahuyan ay nagpapaalala na sa akin ng lahat-lahat ng pinagsamahan namin.
"Minsan may mga tao pang nandyan para ipaalala ang mga bagay na iyon. Sadya 'yon. Hayaan mo na may maalala ka sa mga bagay na iyon dahil ganoon talaga sa umpisa. Handa ka dapat na tanggapin ang lahat ng bagay na iyon hanggang sa isang araw, hindi ka na masasaktan. Ayos lang na maalala mo ang mga iyon pero balang araw, kahit maalala mo man ang lahat nang iyon, mamamalayan mo na lang na hindi ka na pala nakakaramdam ng sakit." makahulugang saad ni Jandi.
Napakalalim ng mga katagang binibitawan niya sa akin. Pakiramdam ko ay tumatatak ang mga ito sa isipan ko. Pero bilang isang taong lubos na nagmahal, mahihirapan akong isabuhay ang lahat ng sinasabi niya. Siguro tama nga siya, sa umpisa lang ang lahat ng sakit na ito at balang araw ay hindi na ako masasaktan.
"Basta, kung may darating man na mga bagay sa iyon na makakapagpaalala sa kanya, depende pa rin sa iyo 'yon kung tatalikuran mo ito o haharapin. Nasa iyo 'yon kung anong mas kaya mo." aniya bago tuluyang iniyakap sa akin ang braso niya.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...