3RD PERSON
Matapos mag-usap nila Trev at Kyle ay bumaba nang muli si Trev.
Nakita niya si Shawn na nasa kusina at may ginagawa.
Pinuntahan niya ito at nakitang niyang hinuhugasan ni Shawn ang mga dilis na nakuha nila kanina sa dagat.
"Uy Trevor." bati ni Shawn kay Trev. Ngumiti naman si Trev sa kanya at saka tumingin sa pinagkakaabalahan niya.
"Ang galing mo naman mangisda." pagpuri ni Trev kay Shawn. Natawa naman si Shawn.
"Hindi naman. Natutunan ko lang din naman 'yun." sagot ni Shawn habang abala pa rin sa ginagawa.
"Ahhh. Saan mo natutunan?" tanong ni Trev. Tipid na napangiti si Shawn bago sumagot.
"Sa nanay ko. Nung wala pa kasing apocalypse, sa probinsya kami nakatira ng mga magulang ko. Mangingisda ang tatay ko at iyon ang ikinabubuhay namin. Pero noong namatay ang tatay ko, ang nanay ko na ang nagtaguyod sa aming dalawa. Siya na ang nangingisda para sa amin."
Tumango si Trev.
"Naisip ko, ako ang lalaki at ako ang kikilos. So natutunan ko kay nanay na mangisda at magmula noon, tinutulungan ko na siya." Masayang sagot ni Shawn.
"Uhm... Matanong ko lang, ikaw na lang ba talaga mag-isa?" halos mag-alinlangan si Trev na itanong iyon.
Tumango si Shawn. "I tried to keep my mom and I alive. Pero naging walker siya at hindi ko iyon natanggap. That's why I kept her kahit walker na siya. Pero..." Napatigil si Shawn. Makikita sa mga mata nito ang kalungkutan at ang pagsisisi na sana ay hindi nalang doon nahantong ang usapan nilang dalawa.
Naalala ni Trev ang kinwento ni Christian sa kanya. Ang may-ari ng sasakyan na mayroong walker sa loob ay si Shawn at ngayon ay malinaw na sa kanya na ang walker na nasa loob ng sasakyang iyon ay ang kanyang nanay.
"I'm sorry." Malungkot na saad ni Trev.
"For what? Wala ka namang kasalanan." ani Shawn habang bumabalik na sa masayang mukha.
"I feel sorry for you. They did that, right?" Sabi ni Trev referring to Christian and the others.
"Okay lang. Naka-move on naman na ako. Tsaka isa pa, walker naman na siya at ibang-iba na siya na nanay na nakilala ko. Kailangan ko lang na tanggapin iyon at maging positibo na sa buhay."
Sa simpleng mga pananalita ni Shawn ay naiinspire si Trev. Mag-isa lang ito sa buhay at nakaya niya pa rin mabuhay nang ganito katagal. Hindi na napigilan ni Trev na humanga kay Shawn.
"Can you please get some vinegar, Trevor?" Nabalik sa realidad si Trev nang pakiusapan siya ni Shawn.
Kumilos naman si Trev at kinuha sa aparador ang suka.
"Isang basong vinegar. Para sa kinilaw na dilis. Kumakain ka ba non?"
Biglang may naalala si Trev dahilan upang siya ay matigilan.
FLASHBACK
"Ay shower!" agad na nagkatapon-tapon ang tubig sa baso ni Rin ang tubig nang mabangga niya si Trev.
Hindi magkanda-ugaga si Rin sa paghawak ng chichirya, isang bote ng ketchup at isang baso ng tubig ngunit nagawa niyang tumingala upang harapin ang nabangga niya.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AkčníAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...