Chapter 7: Mend Me

321 12 1
                                    

TREV

Sumapit ang kinabukasan at maaga kaming gumising upang maglinis at mag-ayos.

Ang mga babae ay naglilinis sa loob at nilalabas ang mga patay na walkers samantalang kami namang mga lalaki ay nagkukumpuni ng nasirang fence. Naging matindi din ang damage ng kidlat sa fence namin kaya marapat lamang na ayusin namin ito nang maigi. Isa pa, baka kakailanganin nito ang kaunting upgrade para mas maging matibay ito at secure.

Napukaw ng atensyon ko si Zoey na nagbubuhat ng mga walkers papunta sa labas. Kinausap ko si Kyle.

"Okay na ba 'yun si Zoey?" tanong ko sa kanya.

"Para sa kanya oo, pero para sakin hindi pa. Kaya niya naman daw. Sabi kong 'wag na niyang pwersahin ang sarili niya dahil nga sa nangyari sa kanya kagabi. Pero mapilit eh. Makukumahog 'yan buong araw 'pag 'di ko pinagbigyan." umiling-iling so Kyle habang nakangiti. Alam kong hindi maipagkakaila na nag-aalala pa rin si Kyle sa kanyang nobya sa kabila ng nangyari dito kagabi. Pero hindi rin naman maipagkakaila ang sobrang pagmamahal niya dito, to the point na kahit hindi naman dapat ay pinagbibigyan niya pa rin ito. And... The way he looks at her, masasabi mo talaga na mahal na mahal niya si Zoey.

"By the way. 'Yung bubong natin sa taas, partikular na sa may bodega. Sira na." sambit ni Tyler habang gumagawa ng mga barbed wires.

Napangiwi ako.

"Pasensya na. Hindi ko nagawang panghawakan iyon kagabi." I apologized. Hindi ko naayos ang trabahong ako ang nagprisintang gawin. Ngayon kasalanan ko. Dagdag pa tuloy sa gawain.

"Ahh, ayos lang 'yon Trev. Luma na rin ang isang 'yon kaya nagkaganoon. Balita ko nasugatan ka dahil doon. Okay ka na ba?" sagot at tanong ni Tyler.

Saglit kong tinitigan ang sugat sa aking mga kamay na dulot ng delubyo kagabi. Hindi ko pa pala nagagamot ang mga ito.

"Hindi ko pa nagagamot. Pero siguro okay na 'to." sambit ko naman.

"Hindi. Ipagamot mo 'yan mamaya." maawtoridad na sabi ni Tyler. Napatango naman ako kahit na hindi ko naman na kailangan pang ipagamot ito. Lilipas ang oras at magiging okay na rin 'to.

Saglit na nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan naming mga lalaki. Hanggang sa may naalala ako.

"Tito Christian..." pagtawag ko. Lumingon naman siya sa akin habang nag-iintay ng sunod kong sasabihin.

"'Yung tao kagabi na sinasabi ko. Banda dito ko siya nakita." turo ko, 'di kalayuan sa fence na kinukumpuni namin.

Napailing si tito Christian. Kasabay noon ay makikita mo sa mukha niya ang labis na pag-aalala at determinasyon.

"Kung sino man ang taong 'yon, 'wag na sana siyang magpakita pa." sambit niya. Tumango kami sa sinabi niya.

Kung may kailangang umalis dito, walang iba kundi ang taong 'yon. Mabait man siya o hindi, hindi namin siya kailangan dito. Ang kaunting miyembro ng pamilya namin ay sapat na. Dahil dito, napagkakatiwalaan namin ang isa't-isa. Ayaw ko nang may dumagdag pa dahil may posibilidad na hindi namin ito pagkatiwalaan.

Matapos ang pag-gawa ng fence ay pumasok na kami sa loob at nag-ayos ng bubong. Hindi lang mismong bubong ang sira kundi pati ang mga kahoy na pinagkakabitan nito. Dahil may sapat kaming supply ng mga tools ay matagumpay naming naisaayos ang bubong.

Halos lampas tanghalian na pala nang matapos kaming lahat sa paggawa. Ang ilan sa amin ay mabilis na nagtulong-tulong sa pagluluto ng pagkain para makakain na kaming lahat.

***

Dala ang isang first aid kit ay lumapit sa akin si Rin at umupo sa tabi ko.

"Patingin ng kamay mo." maawtoridad niyang sabi. Kakatapos pa lang naming kumain ay nilapitan na niya ako.

Tahimik kong ipinakita ang sugatan kong kamay sa kanya. Ganoon na lamang ang matinding pagtitig niya doon. May ilang mga gasgas partikular na sa aking mga daliri at palad dahil iyon ang pinanghawak ko ng taling dumulas naman sa kamay ko.

"Okay naman na ko. 'Di na nga masakit e-- ARAY! RIN NAMAN!" pagsigaw ko nang bigla niya buhusan ng alcohol ang kamay ko.

"O, akala ko ba hindi masakit?" sabi niya habang kumukuha ng bulak.

Napailing na lang ako. Nilagyan niya ng gamot ang bulak at hinipan niya ang kamay ko para matuyo na ang alcohol. Unti-unting humuhupa abg hapdi habang natutuyo na ang alcohol. Dahan dahan niya namang idinampi sa nakalahad kong palad ang bulak na may gamot.

Namalayan ko na lang na habang ginagawa niya iyon ay nakatitig na pala ako sa kanya. Parang slowmotion ang lahat. Ang cute niya kapag nakafocus, kapag seryoso. Parang sa simpleng pagtitig ko lang sa kanya--No, makita ko lang pala siya, nawawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Parang nakakalimutan ko ang lahat ng iyon. Maski ang paligid ko.

"Ayan tapos na!" bumalik ako sa realidad nang masigla siyang ngumiti at nagsalita sa harap ko. Napatingin ako sa kamay ko at nakita kong may mga band aids na doon.

"Salamat." nakangiti kong sabi. Hindi naman niya kailangang gawin 'to eh. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko naappreciate ang ginawa niya. Natutuwa lang din ako kasi nageffort siya para sa akin. Imbes na ako ang nag-aalaga sa kanya...

We're settling down. After noong nangyari kagabi, nakakarecover na kami. Though, palaisipan pa rin para sa amin kung sino 'yung taong nagpakita kagabi. Sana 'wag na siyang magpakita pa.

▄︻̷̿┻̿═━一

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon