3RD PERSON
Walang mapagsidlan ang tuwa ni Zerrin nang bumalik ang mahal niyang si Shawn. Alam niyang marami pang kasagutan sa kanyang utak na gusto niyang bigyang kasagutan pero isinantabi niya muna ang mga iyon.
Nagkaroon si Shawn at Zerrin ng oras para sa kanilang dalawa at doon napag-usapan nila ang mga bagay-bagay na gusto nilang pag-usapan. Kahit ilang araw lang nawalay si Zerrin kay Shawn ay miss na miss na niya ito. Ganoon siguro talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao, gusto mo siyang makasama sa bawat segundo ng iyong buhay.
Lumipas ang oras at wala siyang ibang ginawa kundi magbasa na lang. Wala kasi si Shawn dahil lumabas ito kasama si Trev. Nang magsawa ay lumabas siya ng base at tinanaw ang malawak nilang field. Sa gilid ng base ay nandoon si Zoey at Kyle na kapwa nagtatanim ng kung anong gulay.
Lumapit siya doon at binati ang dalawa.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo?" narinig ni Zerrin ang tanong ni Zoey.
Ngumiti siya. "Ayos naman." ani Zerrin sabay haplos sa kanyang tyan.
"Lumalaki na ang baby mo ah." bati ni Zoey nang mapansin ang munting paglaki ng tyan ni Zerrin.
"Oo nga eh." sagot naman ni Zerrin.
"Alam mo, dapat nandoon ka na lang sa kwarto mo at nagpapahinga." sambit ni Kyle habang nagbubungkal ng lupa.
Umiling si Zerrin. "Gusto ko kayong makasama. Tsaka ayokong magpahinga dahil sa tuwing makakatulog ako ay ang sama ng panaginip ko." sagot ni Zerrin.
"Punuin mo na lang ng masasayang alaala ang utak mo. Don't stress yourself." nakangiting sambit ni Zoey.
Hindi siguro masamang maituturing ang isang panaginip kung nandoon ang kakambal mo pero ang katotohanang wala na si Rin ay nakakapagpasakit ng puso niya kaya nasabi niyang masama iyon. Hindi din maipagkakaila ang luhaan niyang mata sa tuwing gigising siya buhat sa panaginip na iyon.
Hindi lang si Rin ang napanaginipan niya. Kahapon lang, noong pabalik sila ng base ay agad siyang binalot ng kaba nang makita niya ang mga taong nakaitim.
Agad na bumalik ang alaala niya kahapon nang makita niya ang mga taong iyon.
Takbo at tago ang ginawa nila noong mga panahong iyon. Iniiwasan nilang makita ng mga taong iyon.
Ganoon na lang din naman ang relief na naramdaman nila nang lumisan na din ang nga taong iyon. Nang makauwi sila ay sinabi na nila sa lahat na may nga taong nagmamasid sa base at kailangan nilang mag-ingat.
"Zerrin?" bumalik sa ulirat si Zerrin nang marinig niya ang pagtawag ni Zoey sa kanya.
Ilang kurap ang ginawa niya saka tumingin kay Zoey.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Zoey sa kanya. Pilit na bumabalik ang alaalang kanina pa bumabagabag sa utak niya ngunit pinilit niya din naman an lanyang sarili na kalimutan na lamang ang mga iyon.
Tumango si Zerrin. "Pwede bang magtanim din?" tanong na lang ni Zerrin habang pilit na inaalis ang nasa isip niya. Siguro kung gusto niya talagang makalimot ay kailangan niya lang na libangin ang kanyang sarili.
Mataman namang napatingin si Zoey sa kanya na tila basinusuri ang reaksyon nito. Napansin niya kasing bigla na lang itong tumahimik.
"Sige oh." sagot na lang din ni Zoey sabay bigay ng mga buto na itinatanim nila.
Saglit na nabalot ng katahimikan ang paligid nila habang sila ay nagtatanim.
Ilang sandali pa ay nagsalitang muli si Zoey.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AkcjaAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...