RIN
Muli akong lumabas sa taguan ko at luminga sa paligid, umaasang nasa paligid lamang si Trev at hindi pa nakakalayo.
Umihip nang malakas ang hangin at doon ko nalang napagtanto kung gaano na kalalim ang gabi. Hindi ko alam kung hinahanap na ako ni Carver o ng mga tauhan niya sa ganitong oras pero ano nga bang pakealam ko? Ako na mismo ang lumayas doon dahil hindi ko makayanan ang kalakaran doon ni Carver. Alam kong hindi pa ako tuluyang makakalaya kay Carver. Kailangan ko ng matinding preparasyon para makatakas doon kasama ang iba pang mga babaeng bihag.
Napatigil ako nang makarinig ako ng kaluskos kung saan. Ang kaninang paglingon-lingon sa paligid ay ipinagpatuloy kong gawin. Sa pagkakataong ito, nararamdaman kong hindi ako nag-iisa dito.
Could it be Trev? Enemy? Walker? Or some stranger?
Hinanda ko ang crossbow ko at naging alerto sa paligid.
Nang wala na akong maramdamang kaluskos ay agad na akong sumakay sa motor ko at agad itong pinaharurot.
Mabilis kong pinatakbo ang motor ko sa direksyong napakapamilyar sa akin. Sa direksyong naghahatid sa akin ng mga alaala. Ang direksyon papunta sa tunay kong base...sa tunay kong tahanan.
Ilang minuto ang nagdaan at narating ko na ang kagubatang tatawirin ko hanggang sa dulo upang marating ang base namin. Sumilip ako sa bakal na harang at sa kalayuan ay natanaw ko sila...siya. Mabilis silang naglalakad papasok sa base.
Agad akong kinabahan nang makita si Trev na buhat-buhat si ate Zerrin. Kahit malayo ay natanaw ko ang mukha ni ate Zerrin na halatang namimilipit sa sakit. Hawak niya rin ang kanyang tyan na tila ba doon nanggagaling ang sakit na kanyang nararamdaman. Bakas din naman sa mukha ng iba ang labis na pag-aalala.
Lumakas ang tibok ng puso ko sa nasaksihan. Anong nangyari kay ate Zerrin?
Ilang sandali pa ay muli akong nakarinig ng kaluskos 'di kalayuan sa akin. Napasinghap ako sa katotohanang alam kong hindi kila Trev nanggagaling ang kaluskos na iyon.
Sa kaluskos na narinig ay minabuti kong lumayo nalang kaya naman pinaandar kong muli ang motor ko. Kung mayroong nagmamasid sa akin ngayon, sundan niya ako at 'wag na 'wag niyang idadamay ang pamilya ko.
TREV
Ilang oras pa lamang kaming nag-hihintay sa hideout ni Rin ay nakaramdam ng kirot sa tyan si Zerrin kaya naman nagmadali kaming umuwi sa base. Alam naming hindi magandang ideya na sa kabila ng nangyayari kay Zerrin ay umalis pa kami sa ligtas at tagong hideout ni Rin pero kailangan ni Zerrin ng gamot at nasa base iyon.
Nagmamadali naming pinasok ang base habang buhat-buhat ko naman si Zerrin. Agad kaming sinalubong ng mga kasamahan namin. Kinuha naman ni Shawn si Zerrin mula sa akin at dinala sa kwarto nito.
Bago pa man ako makapasok sa loob ay kusa akong napalingon sa labas ng base namin.
May naramdaman lang ako.
3RD PERSON
May halong pwersa na tinulak ng mga tauhan ni Carver si Jandi sa loob ng isang marumi, mainit at masikip na selda.
"Dyan ka! Ewan ko lang kung makatakas ka pa!" sipat ng isang tauhan kay Jandi.
Masama namang tinitigan ni Jandi ang mga lalaking kanina lang ay nakasama niya sa kwarto. Hinang-hina man ay pilit siyang bumangon upang harapin ang mga taong hayop na sa paningin niya.
"Mga gago!" malakas na sigaw ni Jandi dahilan ng paglingon ng mga lalaking tila paalis na.
"Sino kaya sa atin ang naatim na magtaksil kay Carver? Naturingan ka pa namang kanang kamay ni Carver noon! Ngayon, sabihin mo kung sino ang mas gago sa atin?!" sagot ng isa.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...