3RD PERSON
"A-ahh. Ganoon ba. Hahanapin ko na lang ang mga kasama natin. Keep safe." ani Shawn kay Rin bago siya umalis at tuluyang dumistansya.
Tumango naman si Rin.
Ilang sandali pa ay parang may naramdamang kakaiba si Rin. Pakiramdam niya'y hindi lang siya ang nag-iisang tao sa kwartong ito.
Marahan siyang lumabas ng kwarto, nag-iingat sa ingay na maaari niyang magawa.
Hanggang sa nakarinig siya ng kakaibang ungol. Parang walker pero parang hindi. Nanggagaling iyon sa kwarto.
Paatras na lumayo si Rin sa kwarto ngunit nagulat siya at agad na dinalaw ng kaba nang makita niya ang isang aso.
Hindi ordinaryong aso kundi aso na parang walker. Gutom na nakatingin ang kulay gray nitong mga mata sa kanya. Nagpapakita din ang matatalim na ngipin nito na may kasama pang mga dugo.
Agad na tumakbo ang asong iyon papalapit kay Rin kaya agad na tumakbo si Rin palayo.
Dumaan siya sa pasilyo at doon ay nakita niya si Shawn.
"SHAWN!!!" pagtawag niya dito. Halata namang nagulat si Shawn sa pagsalubong ni Rin pero isang bagay ang nakapukaw ng atensyon niya at nakapagpanindig ng kanyang mga balahibo.
Tumakbo si Rin hanggang dulo ng pasilyo at nagtago sa likod ni Shawn.
Agad namang hinugot ni Shawn ang kanyang baril at pinaputukan ang aso.
Ilang mintis na pagputok ang nagawa niya bago niya napuruhan ang ulo ng aso. Doon ay unti-unti itong naghingalo at namatay.
Maya-maya pa ay nakarinig pa sila ng ilang mga kahol ng aso at alam nilang hindi iyon maganda.
"Umalis na tayo dito!" ani Shawn saka tumakbo.
Agad namang sumunod si Rin sa kanya. Ilang segundo pa lang silang tumatakbo nang biglang napatigil si Rin. Hinihingal itong napayuko.
"S-Shawn." nanghihinang sabi ni Rin. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Nahihilo at hinihingal siya at hindi niya alam kung kakayanin niya pa.
Walang anu-anong kinuha ni Shawn ang kamay ni Rin at inalalayan niya ito sa pagtakbo.
"We need to find the others." nag-aalalang sabi ni Shawn habang sila ay tumatakbo.
Sa gitna ng paglabas nila ng bahay ay isang malaki at itim na aso ang humarang sa daraanan nila. Agad itong tumakbo palapit sa kanila. Mabilisang ipinutok ni Shawn ang baril niya ngunit mintis dahil magkahati ang atensyon niya.
Hindi niya binitiwan ang kamay ni Rin. Patuloy siya sa pagbaril sa aso. Isang hakbang ang ginawa ng aso at nag-amba itong susunggab sa kanya ngunit bago pa ito makadamba sa kanya at agad nang naputol ang ulo nito. Nakita niya si Trev na hawak ang kanyang madugong katana habang nakatitig sa kanila.
Biglang binitiwan ni Shawn ang kamay ni Rin. Nanghihinang napayuko si Rin kaya agad siyang dinaluhan ni Trev.
"What the fuck, Shawn?!" galit na sigaw ni Trev kay Shawn.
"What the hell did I do now?" takang tanong ni Shawn.
Naiinis si Trev. Iba't-ibang emosyon at dahilan ang pumapasok sa utak niya dahilan upang mainis siya.
Sinunggaban niya si Shawn at isinandal sa pader.
"Trev, no!" sigaw ni Christian.
Unti-unting nagflashback sa utak ni Trev ang nasaksihan niya kanina. Magkahawak ng kamay si Rin at Shawn.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...